Thursday, July 2, 2009

Update lang. (MS Word to blog. Ang laki ng spacing. Pfft.)

Ewan ko lang pero parang may bago sakin. Kung ano man ‘yon, yun na ‘yon. Ang masasabi ko lang ay talagang ganyan ang tao. Sa paghahanap niya sa kanyang sarili ay mas nagma-mature siya, o mas nagiging manhid.

Noong bakasyon, mas na-appreciate ko ang pagbabasa. Hindi naman kasi ako nakapunta sa ibang lugar e. 99% ng bakasyon ko ay sa bahay lang. Pero dahil sa pagbabasa ang dami kong nalaman. Mas marami pa kong natutunan kesa dun sa mga taong gumastos pa para lang makapagbakasyon sa iba’t ibang lugar. Salamat sa mga libro ko, sa internet, at sa Manila Bulletin XD.

First week bilang senior citizen ng PUPLHS.
Wala naman. Introduction at orientation lang. May mga na-miss akong teacher at may mga teacher na sana ay… wala lang.

Quiz agad sa Math. Hindi ko alam kung madali pero kuntento naman ako sa nangalahati kong iskor. Wala naman kasi akong review-review nun e. Halos late pa ko. Buti nalang OT si Sir sa Book.

Ok naman ang unang araw ng CAT. Maraming nagmumura at ako’y wala lang. Mas malala pa yung July 11, 2008 phenomenon e. Ok lang naman talaga, sunog nga lang ako. Kitang-kita ko na naman yung discoloration sa may bandang neckline. Limampu’t limang araw kong pinaghirapang ipantay at prineserve ‘yon at sa loob ng ilang oras, ng isang araw, bumalik ito sa dati tulad noong mga panahong kagagaling lang namin mula sa mahabang lakarin sa Luneta at MOA. PS – na-appreciate ko rin ang malamig na tubig sa lalamunan at sa katawan.

Sa ngayon.
UPd – Film, Creative Writing
UPlb – CommArts, Agribuss Mgmt.

Sa August ang UPCAT. Lima-apat na araw bago sa aking bertdey. Devastated ako sa aking 15th birthday last year. Hindi ko hahayaang ma-devastate ulit ako kaya kailangan kong ipasa ‘yon. Regalo ko na ‘yon sa sarili ko. At compensation narin dahil ubos ang pera ko dahil sa UPCAT form na ‘yan.

Mahirap talaga kapag alam ng magulang mo na may pera ka. Halos dalawang linggong walang baon at lahat ng gastos ay sa’yo. In some ways, oks lang. Makakaramdam ka ng independence. Independence na short-lived dahil pang short-living lang naman ang pera mo. Pero masaya parin. Malalaman mo sa sarili mo kung gaano ka ka-practical at responsible. At masasabi kong handa na ko sa Kalayaan residence XD.

- - -

May tinuro sa’min dati noong Grade 6 ako tungkol sa pagbabasa. Tatlong level ata ‘yon. Yung Reading the lines, reading between the lines, and reading beyond the lines or yung critical thinking. Sa tingin ko pasok sa beyond the lines ang insight – intellectual discernment. For the writer to see more than what is seen.

Salamat kay Ma’am Marina Aunzo at naka-implant ngayon ito sa sistema ko.

- - -

Goodluck sa mga Chorales at Serenatas sa Malaysia.

Ingat kayo, God bless!

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer