Sunday, July 5, 2009

Simple lang ang gusto ko. Ang gusto ko, yun ang masusunod.

Tulala ako tuwing Physics. Hindi ko talaga mapigilan, pasensya. Hindi ko kasi maramdaman ang pag-shift ng mundo sa loob ng Chem lab. Nagiba nga ng upuan, yung lesson ganun parin. Siguro nga malaki ang pagkakaiba ng Physics sa Chem pero pareho ang way of living nila. Hindi pa ba sapat ang Trigo? Bakit ang dami paring equations? Ewan, naghihintay parin ako sa turning point ng P6. Di gaya ng Bio at Chem, talagang madi-divert ang utak mo sa Chemicals mula sa mga acetated discussions ni Sir Mendiola.

Ikalawang Sabado ng CAT.
Ang daming fall out girls ng Bravo. Yung iba suki na e. Tipong pag may bagong tinuro, after 10 minutes, mag-fo-fall out na sila. Yabang magsalita e ‘no. Ding, pag ikaw ang nag-fall out sa mga susunod na Sabado, mag-suicide ka.

Ang daming sunog. Naawa ako sa balat ko. Ang mas hindi katanggap-tanggap ay yung sa may bandang forehead. SUNBURN. Kitang-kita yung bakas ng nakaraan ng hairnet. Para tuloy akong may bangs na cross-stitch.

Pati sa neckline. Hindi siya naging dark brown, naging black siya. So, kumbaga sa inihaw, ito yung sunog na part, yung tutong na nakaka-cancer daw kapag nakain. Pero para sa sitwasyon namin, skin cancer. Hindi ko naman inaasahan na kasama ‘yon sa 0.4 na unit. Kungsabagay, sino bang nagsabi na ‘wag gumamit ng sunscreen/uv protection lotion/moisturizer/whatever. Pakialam nga ba nila kung uuwi kang cremated. So, diskarte mo na. O, e ano ngayon? Wala. Linggo ngayon, may bago kaming issue ng Manila Bulletin.

Tanong: Relax ba talaga magturo si Bb. Camposano? Kasi kung ganun, malaki ang iaasenso ng bawat platoon, kahit gaano pa kainit.

PS. Ang swerte ni Aguas nung nag-fall out siya. Hindi iyon matanggap ni Dawn dahil…

- - -

May nakita akong libro ng tatay ko. A History of Architecture yung title. Medyo makapal, siguro makapal ng kaunti sa Bible. Napaisip tuloy ako, Meron pala kami nito. Sana pala Archi nalang yung isa sa course choice ko. Kaso nung binuklat ko e buti nalang hindi ko naisulat ang BS Archi.

Hemingway, wala parin kaming test permit. Sana pala sinunod nalang namin ni Maan ang aming plano. Nakapasyal pa sana kami.

- - -

XD.

Saka na.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer