March 7 na bukas. E-heads live sa MOA. Sama ka?
---
March 6, 2009. 9:30pm. Kauuwi ko lang - suicidal.
Ito ang sabi ng horoscope ko sa friendster:
---
March 6, 2009. 9:30pm. Kauuwi ko lang - suicidal.
Ito ang sabi ng horoscope ko sa friendster:
The Bottom Line
Step back and let the experts take over today while you sit and watch -- and learn.
In Detail
You might not be as impressive as the people around you today, but the worst thing you could do is to sell yourself short! You have your own set of skills, and you excel at things that others do not, so if your ego is feeling weak, just focus on that fact for the day. You can't shine every single moment, so step back and let the experts take over while you sit and watch -- and learn. When you're not the smartest person in the room, you get the chance to figure out how to improve rapidly.
Late na ko umuwi dahil pinanood ko ang All My Sons sa Amphitheatre (together with Gien, Louise, at... ok, fine... Florendo). Nanood ako para makakuha ng tip para sa production design. Pero ngayon suicidal ako.
Sa All My Sons, lahat ng drama, iyakan, kwentuhan, sigawan, tawanan, at halikan ni Chris at Anne ay nangyari lang sa iisang venue. Sa iisang lugar. Buo ang istorya. Gumalaw, kumilos, nakita ang gabi't umaga sa dula, pero hindi nagbago ng venue. Nakarating sa akin, sa amin, ang mensahe sa simpleng paraan. Dinaan lang nila sa light fx. Sa light fx na nagpapakita ng emosyon at iba't ibang pangyayari't panahon.
Naiiyak ako. Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw. Sa panaginip nalang pala kita maisasayaw. Lahat ng plano kong oks na sana ay nawindang. Tuliro ak ngayon kaiisip kung paano isasalpak ang mga paintings na dapat ididikit ngunit bawal nga raw magdikit, ang telon o kahit kurtina na walang pagsasabitan, ang stage na flat at level lang sa audience, ang maliit na espasyong nakalaan para sa 20-minute drama. Lahat ng plano ay bumalik sa freezing point o mas mababa pa. Back to zero ang lahat.
Ayokong bitawan ang trabaho ko dahil kahit ayaw ko ay binitawan ko na ang karakter ni Cristina. Inisip kong magpokus sa disenyong pamproduksyon at naisip ding baka hindi ko mabigyan ng hustisya ang ka-emohan ni Tina. Itutuloy ko 'to dahil gusto ko ang ginagawa ko. Ika nga ni Rojan, karir na karir ko ang trabaho ko. Gusto ko kasi kumilos na parang pro kahit minsan lang. Kaso mas masayang magtrabaho kung may tutulong sa'yo. Yung kahit isang tao lang pero responsable. Nandyan lagi at hindi ka iiwan kahit wala ka nang hinihinging tulong. Kung totoo lang sana si Lucas.
Wala ring problema ang pera sa'kin. Ganito na 'ko ever since the world began. Kapag alam kong kailangan hindi ko iniintindi ang gastos. Kaso may mga ka-grupo ako. Mga ka-grupong ang iba'y sadyang nagtitipid, at ang iba'y sadyang mukhang pera kaya ayaw gumastos. Pero hindi ko talaga kayang limitahan ang disenyo ng stage sa 300php. Hindi ko alam. Sakit sa brain. Ramdam na ramdam ko ang fracture ng utak ko. Mas malalim pa sa incision ng mga peke slash poserong emo sa kanto.
---
Francis M. Langya. Francis M's journey ends? Succumbed to leukemia on March 6, 2009 at age 44?
Akala ko tsu-tsu lang na sinabi ni Gien sakin kanina. Pero ang sambayanan at internet ay kino-confirm na talagang wala na. Hindi pa pinaabot sa concert ng E-heads bukas.
Haiz. Parang kailan lang nang napapanood ko siya sa Eat Bulaga, nang pinapanood ko ang mga interviews niya at pinapakinggan ang riffs ng rap niya. Ni hindi ko pa siya nakikita nang live. Nube'yan. Bakit laging ganito ang buhay. Biglaan ang lahat.
