Now Playing - Just Dance ~ Lady Gaga.
March 3 na.
Sa Biyernes ay ika-6 na ng Marso. Bukas palang kami magsisimula sa construction ng disenyong pamproduksyon. Sana matapos namin sa Thursday.
Sa Biyernes ay ika-6 na ng Marso. Tanghalan na. Dula-dulaan na. Sana maging maayos ang presentasyon namin. Sana walang palpak sa production at props. Haiz.
Sa Sabado ay ika-7 na ng Marso. Ang bilis ng araw. Parang nung nakaraang buwan lang yung August 30, 2008. Eraserheads - The Final Set. Haiz. Saya ng earth.
Syempre hindi pwedeng mag-March 7 nang hindi nagma-March 6. Yun na talaga ang nakatakdang mangyari. Tatapusin ng dula ang aming Biyernes. Tatapusin ng Eraserheads ang Sabado ko.
Ngayon.
Bwakanashyet. Nawawala ang usb kong banal.
Pagkauwi, pumasok syempre ng bahay. Umakyat ako. Pumasok sa kwarto. Nakitang wala si pinsan kaya naisip kong mag-internet saglit para makakuha pa ng ibang tip para sa disenyong pamproduksyon. Syempre nakagawian nang isaksak ang dakilang usb. Pumunta muna ako sa kabilang kwarto naming mala-bodega. Hinubad ang skirt at saka kinapa ang bulsa. At shyet. Wala akong nakapang usb. Naandun lahat. Lahat-lahat ng araw-araw na laman ng bulsa ko. Kahit ang pera kong hindi ko naman binibilang kung magkano ay walang bawas. Pero ang usb kong mahal... ang aking usb - wala.
Now Playing - Superhuman ~ Chris Brown feat. Keri Hilson.
Ewan. Hindi ko maalala kung kelan ako huling nakaramdam ng ganoong panlulumo (o kung nakaramdam na nga ba 'ko). Ramdam ko ang paghila ng gravity pailalim sa puso't damdamin ko. Hindi ako naiyak. Pero ang paghila't pagtulak sa akin paibaba, ramdam na ramdam ng buong sistema ko. Lalo na ng dibdib ko. Sakit sa bangs ng arteries ko, isama na yung iba ko pang veins. Una kong naisip kung gaano na katagal sa akin ang usb na 'yon. 6 months. At saka ko lang naisip kung ano ang mga laman ng aking plashdrayv. Hindi ako nabahala dahil naka-save pa sa camera ko ang ibang mga imahes (lalo na yung sa Para Kay B book launch). At lahat ay naka-save dito sa PC. Ang wala lang sa akin ay yung "Kodak" folder na pwede kong hingin kay Dawn dahil may kopya siya nito.
Now Playing - Lights On ~ The Pierces.
Ang bumagabag sa akin ay kung sino ang pwedeng makakuha ng aking banal na usb. Naandun lahat. Mga imahes na edited at hindi. Lalo na yung prom pics na mukha akong gayness gracious. Naisip ko rin yung mga dokyu files ko. Yung mga drama't emosyo't iba pa. Yung mga dokyu files kong may password. Paano kung may makabukas nun? Sa pagkadali-daling password nun. Lalo na yung "Taboo.doc". Sira ang kinabukasan ko kapag may nakabukas nun. Kahit let bygones be bygones na ay hindi ko dinidelete 'yon. Bakit ko naman ide-delete e ang hirap humanap ng picture ni ano.
Haiz. Sana kung nahulog man 'yon sa tabi ng puno kung saan kami umupo ni Aubrey kanina ay tabunan na siya ng lupa't ugat kahit hindi ko na siya ulit makita, ni mahawakan o magamit. Oks lang. Sana ibalik din sa akin ng nakakuha. If ever. Pfft.
Tapos yun pala na-misplace ko lang. Lols. Nag-drama at nag-type pa ko ng nobela. Pero hindi e. Tinignan ko na lahat - bag, plastic bag, wallet (kahit alam kong hindi kasya), pati medyas at sapatos ko. Kaluluwa na ng lahat ng bagay pero ni anino ni Para Kay __ a.k.a. at dating Intricate ay hindi ko nakita. Naalala ko yung banner na nakasabit dun sa may Ninoy: Kung Paano Maghiwalay... (yung nga ba 'yon?). Simple lang. Huwag kayong magtabi. At heto ako. Nahiwalay ako. Nahiwalay din ang usb ko.
Now Playing - Love Game ~ Lady Gaga.