Tuesday, March 10, 2009

Dulo ng Dila.

Kahapon.

Tapos na yung dula-dulaan namin. Pfft. On-the-spot kami - yung lights at ang suicidal na stage na rinig ang paghingi ng hustisya sa akin. Haiz. Ang hirap mag-cram kapag play. Hindi siya katulad ng assignments na pwedeng gawin habang nagche-check na ang guro.

Malaki rin naman pala yung space. Dahil doon na-realise kong maliit ang 1 whole illustration board. Maliit talaga. Mukha itong... mukhang itong illustration board. Basta, maliit. Hindi mukhang Malayang Paskilan yung inilagay naming board. Yung mga paintings naman, wala lang. Mukha silang sketch. Hanggang ngayon hindi pa ko nakakapagpaalam kay CJ de Silva na pina-print ko yung iba sa mga iginuhit niya. Lagot XD.

Dehin namin nakuha sa Sining Lahi yung sofa na gagamitin sana ni Leo. Ayun. Monobloc nalang. Pati walang kama. Basta galing lang sa AVR yung karamihan ng mga pinagupuan. Hindi pala karamihan. Lahat pala.

Hemingway, wala na rin akong magagawa dahil tapos na. Nangyari na ang nangyari. Buti nalang nakapag-pokus sa acting. Impeyrnes sa kanila, pwede na. Hindi lang talaga napaghandaan ng maayos yung mga lights, sounds/voice overs, at yung stage nga.

Gusto ko sanang mapanood yung New Yorker in Tondo. Peborit ko yung nung pers yir e. Ilang beses ko ring binasa 'yon sa English textbook namin. Tsaka syempre yung dula ng mga taga-ibang grupo. Lalo na yung kina Kaye Ron. Kaso hindi pwede. Hindi kami makatakas kay Mam Lai. Binuksan lang niya yung pinto dun sa sayawan at ending part na. Pfft.

Ayun. Nakaraos kahit papaano. Sa ngayon, magpo-pokus na ko sa pagtulong sa mga ka-grupo ko sa IT para sa project, pati yung project sa Geom, project sa Eko, sa BCS, sa English. Yung Geom nakakakalahati na ko. Yung English tatapusin ko nalang yung naudlot kong pagbabasa ng blog ni Anne Frank para makapagsimula na sa book report/reaction paper na proyekto.

Oks na. Pirmahan na ng clearance.


At wala parin akong ID. Binayaran ko 'yon nung May 2008. Hanggang ngayon wala parin akong bagong ID. Saya.

Geh.

Sa susunod nalang. Magti-time na kami e.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer