Sunday, January 11, 2009

Acute Inflammatory Demyelinating Polyneuropathy (AIDP). @#$!, ano raw?

Currently playing : Broken ~ Lifehouse

Wala lang. Napadaan lang.

Ang lungkot ng mundo.

Napatingin ako sa taas ng isang first aid box/cabinet/whatever namin at nakita ko ang isang malaking photo album. Alam kong puro imahe 'yon ni Kuya pero wala lang. Gusto ko lang tignan.

Nang tinitignan ko na isa-isa yung mga imahe, natuwa ako. Ang tikas pala talaga ng kuya ko. Ang gwapo. Mana sakin XD. At maraming tanong ang umihip sa akin.

Naubos ang pahina ng photo album. Wala naring pictures. Pero patuloy ang buhay. Patuloy ang mundo at ang pag-iisip ko. Paano kung buhay si Kuya ngayon?

Ilang beses ko nang tinanong sa sarili ko 'yan pero syempre walang sagot. Lagi namang ganun. Ano bang bago. Sino bang nakakaalam ng kung anong pwedeng mangyari.

Currently playing : Seven Years ~ Saosin

Pero hanggang ngayon hindi parin maalis sa'kin yung mga siguro. Hindi ko alam. Ang sama sa insides. Ang sama ng loob ko. Binabalot na naman ako ng pagiisa. Dati, lahat sa akin. Ngayon, walang pinagbago. Akin ang problema, akin ang mga tanong... dadalhin ko lahat. Ako lang mag-isa.

Oo nga naman. Choice ko kung anong gusto kong mangyari sa buhay ko. Nasa sakin ang desisyon kung gusto ko bang maging suicidal o bulgar. Pero hindi 'yon ang batayan ng buhay. Lahat tayo sumusunod sa kanya-kanyang destinasyon. Tama na. Hindi na tayo magkaintindihan.

Currently playing : Neon ~ Sponge Cola

Balik tayo kay Kuya.

Ayun. Malungkot lang talaga.

How does it feel?
How is it that I can't feel?

Coz I need to know...

I know I can never be enough

Now everything is silent

Everything is still without you near...

Ibang kuya na pala ang nasa isip ko.

Currently playing : Sembreak ~ Eraserheads

Ilang bukas pa ba bago tayo ay magkita?
Ako'y naiinip na.
Bawat oras binibilang,
sabik na masilayan ka...

Ginoo, ilang bukas pa ba? Pfft.



Geh-geh-geh.
Sa susunod nalang.
Ingat kayo. Godbless.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer