Saturday, January 17, 2009

Six days.

BABALA: Tulad ng dati ang lahat. Balik ako sa long-entry mode. XD

Lunes.
During IT class...
A: Zurleyn, napanood mo na yung commercial ng McDO?
Ako: Anong commercial?
A: Yung sa McDo. Yung Huling El Bimbo...
Ako: Hindi pa. Meron ba?
A: Oo.
Ako: Hindi ko pa napapanood. Hindi kasi ako nanood ng TV nitong weekends e. Bakit, ano bang nangyari?
A: *kuwento-kuwento-kuwento* Diba nakakaasar? Asar talaga ko dun sa lalaki e. Kasi, ang daming chance tapos... tapos hindi man lang niya sinabi dun sa babae yung feelings niya... blah-blah-blah...
Ako: Pfft. Masyadong apekted ang mokong. Ganun. Geh, baka mapanood ko rin mamaya.
A: Panoorin mo a. Abangan mo pag-uwi mo.

Nag-test na kami sa IT. Yung iba kumakanta pa ng Huling El Bimbo.
Tapos na ang test namin sa IT. Yung iba kumakanta parin ng Huling El bimbo. Ginagaya pa ng iba yung mga eksena dun sa commercial.

10:30am, break.
Kailangan kong umuwi. May kailangan kasing gawin at puntahan. Sabi ko sa kanila babalik ako bago mag-Filipino.

2:50pm.
Natapos kami sa kailangang gawin.

3:20pm.
Nasa dyip kami - sa dyip pauwi ng bahay at hindi papuntang iskul. Ang bagal magpatakbo nung 'langyang driver. Muntikan ko nang masapak e. Sa front seat kasi kami umupo ni Rowie. In 10 minutes maaaring mag-start ang klase at ako, nasa dyip pa. 'Nyeta talaga.

3:30pm.
Nakarating kami ng bahay. Palit agad ng iskul uniform. After 3 minutes, Pa, alis na ko.

3:40pm.
Kumakaripas na ko sa Teresa. Ipinagdarasal kong kahit 3:45 na dumating si Mam Lai. Tutal nale-late din naman siya minsan. Tapos binawi ko. Ipinagdasal ko na sana 3:50 na dumating si Mam sa klase. Nakasalubong ko sila Anne Santos...
Anne: Cutting?
Ako: Hindi a. Nandun na si Mam?
Anne: *nod* May ginagawa sila e.
Ako: `ngina. Hai... shyet.

3:45, sa lagoon, sa tapat ng Bread Society.
Ako: Nandun na si Mam?
Aubrey: Oo. Kanina pa.
Ako: Geh. 'Ngina talaga.

3:45+.
Nakarating narin ako at buti halos kasisimula palang ng 'nyetang test. Asar ako sa sarili ko. Huling test kasi 'yon sa Filipino. Huling test sa isa sa mga paboritong subject ko. Gusto kong mag-suicide dahil hindi man lang ako nakapag-review dahil hindi rin naman talaga ako nag-review. Kasalanan ko. Puro Noli Me Tangere lang nasagutan ko at hindi ko mahugot sa utak ko kung ano nga ba ang kahulugan ng kabalintunaan na minsan ko nang nabasa at narinig. Sa Yaman ng Diwa test, yung entablado lang ang kinatuwa ko at yung word analogy. Dun sa identification ang nasagutan ko lang ay yung "Ama ng Balarilang Tagalog" - si Lope K. Santos. Stock knowledge ko pa yun na dala ko mula nung elementary. At ewan ko kung "knowledge" nga bang matatawag 'yon.

At sa sobrang pagmamahal ko sa Filipino, I let him go. Tinanggap ko ang lahat. I know I can never be enough. Kasalanan ko rin kasi. Shyet. Ang drama.

PT sa Swimming. At dahil sa wala naman akong pagmamahal sa swimming, I let him go rin. Wala narin akong magagawa kung i-let go ni Sir ang grade ko. Tatanggapin ko 'yon. Alam ko ang mga pagkakamali ko.

Nabanggit ko rin kay Leo yung it's all coming back to me now...

Uwian. Sa bahay.
May nakalimutan ako e. Alam kong meron pero wala akong maalala at hindi ko ito pinansin. Maya-maya narinig ko ang intro ng Huling El Bimbo. Tumakbo ako papunta sa harap ng TV. Iyon na pala ang must-see commercial ng McDo. Iyon pala ang nakalimutan ko.

Iyak-tawa ako. Hindi, nauna pala muna akong matawa tapos naiyak. Literally.
...at kahit hindi rin naging kami sa huli, siya parin ang first love ko.

Martes.
Movie marathon sa laptop ni Leo. Halloween tsaka Disaster Movie. Medyo laughtrip yung Disaster Movie. Tsaka ang ganda ng mata nung lalaki. Ang moral lesson ay at the end of the day, mapapaisip ka kung bakit may mga film na kagaya niyan. Hindi mo alam kung nagkatuwaan lang na gumawa ng pelikula o dahil sa boredom o gusto lang talaga nilang magpatawa. Ewan.

Parang wala talagang periodicals kinabukasan. Hindi ko rin feel yung klase nung hapon.

---

Sinabi ko kay Alano na napanood ko na yung commercial. Tuwang-tuwa ang moks. Inexplain ko naman sa kanya na hindi kasalanan nung lalaki na magsayang ng chance. Sana pinagisipan muna ni Alano kung bakit Ang Huling El Bimbo ang ginamit na kanta.

...at lumipas ang maraming taon. Di na tayo nagkita.

Tapos sabi niya hindi niya maarok kung ano ang gustong palabasin nung babae sa ngiti niya nang makita si lalaking nerd na isinawak ang fries sa sundae. Parang negative daw ang dating. Sabi ko sa kanya, Gagstug. Hindi. Kaya siya ngumiti kasi parang natuwa siya na naalala pa nung lalaki yung pag-dip ng fries sa sundae. Tsaka parang first love din ni babae si lalaki e. Kaya siya ngumiti. Basta. Ganun.

Kinagabihan.
Hindi ako makapag-pokus sa pagre-review. Ang saya manood ng TV. Nang matapos ang Pir Paktor ay saka lang ako nagsimula sa English.

Natulog ako ng 1:30am na English palang ang nare-review. Saya ng earth. Balik sa dating gawi. Cramming.

Miyerkules.
Medyo late ako at ang gulo ng mundo. Hindi ako natuwa sa mga sagot ko sa English. Nagtanong na naman ako sa sarili ko kung bakit ba laging ganon (at kung ano man 'yon, huwag nang alamin). Basta, miss ko na si Ma'am Tahil.

Pagkatapos ng English ay kaunting panahon lang ang naibigay sa akin para makapag-review sa Filipino. Inuna ko yung sa Yaman ng Diwa. Tapos kaunti sa Noli Me Tangere.

'Langyang tahur 'yan. Pati narin yung Kabanata 25 na 20pts. Nang matapos ang araw ng Miyerkules ay saka ko lang na-realize na nagsimula nga pala akong magbasa ng ibang libro ng Noli sa Kabanata 26. Kamalasan.

Mabait din si Mam Serencio sa aming mga survivors. Nasagutan ko tuloy yung kahulugan ng tahur. Doon ko rin napagisip-isip na buti pa si mam naaalala pa ang Noli Me Tangere kahit forte niya ang numbers. Samantalang ako, puro literature at pinapadaan lang ang numbers.

Hindi na ko nag-review sa IT. Sus. Hindi ko alam kung ano pang re-reviewhin don. Hindi dahil sa madali dahil hindi madali ang Excel. Hindi rin dahil sa may plus 10% ang group 4. Ito ay dahil sa hindi ko naramdaman ang IT.

Huwebes.
PA lang ang kinarir kong reviewhin noong nakaraang gabi at sa dyip ako nagsimulang magbasa ng teksto sa Music. Nakakaasar dahil certified crammer na nga talaga ako. Pati yung pagre-review sa dyip na hindi ko gawain ay ginagawa ko na. Malala na ang kalagayan ko. Nakakatakyut.

Test.
Iyak-tawa ako sa PA. Mas maayos ngayon pero hindi parin maalis sa akin yung thought na parang walang sense yung pagre-review ko a. Ganun parin e. Lahat ng minemorize ko hinangin. Nagdasal na ko pero wala. Masamang espiritu ata nakarinig ng dasal ko. At hindi ko Siya masisi kahit nagdasal ako sa Kanya. Ibinalik ko na naman sa sarili ko ang sama ng loob ko. Sinabi ko nalang sa sarili ko na karma 'yon dahil nagcr-cramming ako, na ginagawa kong taken for granted ang oras.

...pero bakit yung iba? Ni wala nga silang pakialam sa mundo at sa kinabukasan ng sangkatauhan pero bakit sila ang pumapasa? Ganun nalang din ba dapat ako? Maging makasarili? Ano nga bang mali?

Oks naman yung BCS. Oks na hindi na ok lang naman.

Yung Geom... ewan. Lagi namang ganon e. Kahit sa Algebra pa nung 2nd year. Hindi ako masyadong nag-expect ng ikatutuwa ko. Ang pinagkaiba nga lang, mas nirerespeto ko si Ma'am Serencio kaya mas may pakialam ako sa grade ko sa Geom.

Lumala rin ang kopyahan. Bulgar na talaga e. Natutuwa naman kami (o ako lang ata XD). Talagang tumayo pa si Kim Alec para makita yung solution ni Co.

Medyo late na kami ni Aubrey umuwi. Nag-internet pa kami e. Hehe. Muntikan na naman kaming makasira ng pasilidad ng unibersidad at nung kompyuteran XD. Nakita pa kami ni Mam Serencio na palaboy-laboy sa LHS. Lagot. :))

PS. Sa pagiinternet namin, saka ko lang nakita ang isang imahe na pinost ng isang idol noon pang October. Imahe ni 8**&13. Naks. Ang gwapo. Kinarir na niya talaga ang short hair. Buti naman. Ayun, natulala na naman ako at natuliro. Kung nandon lang sana si Meng, na-release ko sana ng tama yung saya ko.

PS ulit.
Dumating din nga pala si Ate Marissa. Saka na ko magkukwento ng tungkol sa kanya.

Biyernes.
Leo: tapos na ang pinakamahalagang examination week ng buhay ko.At sa nangyari sa Chem ko kanina,Goodbye UPLB...

at naisip kong, "@#$!na, ako rin ata..."

May payo ako sa mga lower years. Dapat kinakarir na nila ang General Science (Tama ba? Basta yung sa 1st year) at ang puro memorization na Biology. Ang dali ng mundo niyo.

Ang na-enjoy ko lang talaga sa Chem ay mahalin ang periodic table, ang spdf, ang orbital notation, valence shell, valence electron at mag-balance ng equation. Pati pa pala yung percent composition, empirical formula, molecular formula. Wala na 'kong pakialam sa pag-predict ng product ng reactions at mag-predict kung anong klaseng reaction sila. Pati yung limiting reactant blahs na hindi ko alam kung nakakatulong sa pagsugpo ng global warming. No reaction nalang lahat para masaya. Tsaka sana ang isinama nalang sa test e yung Kinetic-molecular theory of gases.

Nakakaiyak din yung Eko. Ito yun e. Nang mabasa ko yung sinabi ni Migraso sa blog niya, hindi lang Chem ang naisip ko. Pati 'tong Eko. Kahit limang grap ng ekwilibriyum e kaso... ewan. Subalit ngayo'y wala na... wala na...

Health. Pinagpilitan ni Kim Alec na 16 vitamins. Ewan. Alam ko 13 e. Tapos 16 minerals. Natuwa rin ako sa food pyramid.

PE. Undulation. Tss. Index finger. Muntikan ko nang isulat yung flexordigitiminimiquinti.

Uwian.
5 minutes bago mag-12, nakita ko si Siya.

Nag-internet kami ni Aubrey sa labas dahil puno ang kompyuteran sa West wing.

Sa pagiinternet ko ay binalikan ko ang imahe ni 8**&13 at sinave ito. Walang kamalay-malay si Aubrey na nakita na niya ang nilalang na sinasabi kong inspirasyon ko.

After 1 hour, pabalik kami ng PUP ng makita ko ulit si Siya. Masaya akong makita ulit si Siya after 2 months. At totoo ngang the truth will set you free. Nang tinanggap ko ang it's all coming back to me now ay nakawala ako sa katotohanang pilit kong kinubli sa iba at pinapasinungalingan sa sarili ko. Isang katotohanang lagi kong kino-counter ng "I never got there". Pasensya, ginoo. Maaaring patuloy kitang titigan at habambuhay kang espesyal sa akin. Pero tapos na ang pagtugtog ng Tuliro sa background ko. Goodluck nalang sa'yo. Sana makatapos ka ng pag-aaral mo.

Bumalik kaming LHS tapos dumiretso kami sa pool. Doon na kami nagkahiwalay ni Aubrey. May lakad ang BDI at ako, gusto ko naring umuwi na hindi pa pero gusto ko na talaga. Sumabay na 'ko kila Dawn. At may hug ulit ako from Maan. Thanks par`. Wabyu :D

Naghihintay pala si Leo sa gate. Hindi ko alam. Na-konsensya naman ako. Ayun, sabay ulit kami.

Ngayon.
Inspirado ako. Si 8**&13 kasi. Nakita ko na naman. Hindi parin nagbabago. Gusto ko paring may mapatunayan ako sa kanya kapag nag-intersect ang landas namin sa future.

Natutuwa rin ako kay US Pres. Obama. Parang bawat buka ng bibig niya words of wisdom ang sasabihin niya. Idagdag pa yung bigat ng boses niya. Astiging nilalang.


MT

Max Thieriot

Crush ko na sana e. Kaso he is so... blonde. Ewan. Basta. I love the eyes nalang. At dahil sa hindi ko naman pinapangarap na mapangasawa siya, sana kahit yung magiging anak ko ganyan. Huwag lang blonde. Sana yung tipong golden brown katulad ng kay Mr. Darcy. Yung kay Matthew Macfadyen sa Pride and Prejudice. XD

---

Sa katatapos na 3rd periodical test, at the end of the day/of the year/of the all, aking napagtanto na ang buhay third year ay simple pero magulo. Hindi kontrolado. Mas mataas pa yung average ko nung 2nd year e. Kung iniisip ng mga sophomore na pinapatay sila dahil sa late na uwian (at pang-hapon ba naman ang Algebra at English) ay nagkakamali sila. Komplikado ang buhay-sophomore pero kaya pang i-manipulate. Totoo ang sinabi ni Senpai Juno, pinakamahirap ang 3rd year. Lalo na kung may pangarap ka sa buhay mo at gusto mong makapasok sa bigating unibersidad sa kolehiyo.

Mahal ko ang PUP. Lalo na ang LHS. Pero ramdam ko ang pagsikip ng mundo. Nakakaiyak. Kahit si Maan ganoon din ang nasa isip. Sabi niya, "Ok lang 'yan. After a year, makakalaya narin tayo dito". Totoo. Pero after 1 year pa. Swerte ni Pia. Bago na ang environment niya. Hindi ako nagtatakang she's happy with her new life.

Kung saan man ako patungo sa college (at sana sa UP 'yon. Magdasal tayo par`. Kaya 'yan.), sana ang mga estudyante doon ay pumapasok araw-araw para matuto. Hindi para makipag-compete.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer