Wednesday, December 31, 2008

Turn off the lights now...

10:42pm na. After 1 and a half hour 2009 na. Sa Monday pang limang araw na ng January at pasukan na. Sa susunod na linggo pwedeng periodicals na namin. Tapos bigayan na naman ng card. Syempre hindi ko na naman ipapakita sa tatay ko yung card (yung 2nd grading card hindi pa nila nakikita, kahit anino). Tapos second anniversary na ng Feb15. Tapos 2nd anniversary naman ng March 21. Tapos periodicals na naman. Bagsakan at kopyahan at pangongodigo na naman. Tapos bigayan ng card. Pirmahan na naman ng clearance at magpapahabol na naman ang mga titser. Tapos bahala na, tambayan nalang sa iskul. Pupunta na naman sa bahay ng kung sinu-sino at ng mga kaklase. Manonood na naman ng DVD o pupunta ng Megamall (sana mas lumayo kami ngayong taon para masaya). Tapos bakasyon na. Sana balik kaming HK o Mainland. Teka, 'wag na sa Mainland. Sana Korea para masaya tapos kasama ko si Ate Teng. Tapos birthday na ulit ni Kuya. Enrollment na naman at ubusan na naman na pera. Pasukan na naman. Shyet. Seniors na kami. Tapos NCAE. O UPCAT ata muna. Ewan. Sana pumasa. Sana hindi waiting list para hindi ako irreg sa college. Teka, bakit college na? Hindi ko pa nga alam kung anong course kukunin ko. Actually masaya na talaga 'ko sa Fine Arts. Oks lang din yung gusto ng tatay kong Agri. Para sa Los Banos ako. Ewan. Saka na 'yan. Hindi ko pa nga tapos yung @#$! project sa IT. Ang laki ng gastos. 'Langya talaga. Hindi ko parin tapos yung Noli Me Tangere. Puro Palawakin ang Talasalitaan palang ang nasasagutan ko kasi kahit dehin basahin yung kwento yakang sagutan e. May module test blah-blah pa sa Entre. Hindi ko pa rin alam kung anong grupo ko para sa project sa PE. Group 1 ata ako. Shyet. Wala pa kaming nasisimulan. January 8 ang pasahan nun. Tapos ire-rewrite ko pa yung buong 3rd grading sa Chem dahil hindi ko na alam kung nasaan ang iba kung seatwork o homework. Minsan kasi sa likod ako nagsasagot, minsan sa harap. Yung mga miscellaneous activities ko ang dami rin. 300+ pics pa ang ire-resize ko dahil 480 ang resolution nila. Ie-edit ko pa yung mga 'yon. Ili-lighten ko pa at yung mga mukha nung iba ay nangangailangan talaga ng dodge/burn/blur/smudge/healing tool/at pati na liquify. Kaunting edit lang naman kaso ang dami ngang imahe. Tambak tuloy. Yung mga bonggang comment sa fs hindi ko ma-give back. Gusto ko kasi sana bonnga rin ang comment ko sa kanila para fair. Kaso kapag sinisimulan ko nang gumawa, sa sobrang dami ng brushes ko hindi ko alam ang gagamitin kong pang-design. Ayun. Tinatamad ako. Kaya yung iba simpleng text lang ang comment ko. Pero sincere 'yon (naks).

11:06pm na. Natutuwa naman ako dahil dire-diretso ako mag-type ngayon. Kagaya niyang naunang paragraph. Iba-iba nang thoughts 'yan pero sama-sama. Pasensya. Ayoko nang i-edit e. Lumalakas na putukan dito. Rinig na rin sa buong baranggay namin, ang brgy rockwell (aka balong-bato) yung tunog ng pinapalong poste ng Meralco. Martilyo ata gamit nila. Tradisyon na dito 'yan e. Buti hindi bumibigay yung poste. Tikas siguro ng pagkakagawa.

Ayun. 'Dito lang naman ako sa bahay. Gamit ko PC ni Pinsan dahil sira parin ang PC ko. Hindi parin alam ng tatay ko na sira na. Hindi ko sinasabi. Alam kong wala kaming pera ngayon para sa pagpapaayos. Kaya ko naman ang walang PC. May iPod naman para makinig ng music. May TV naman. Tsaka kapag sinabi kong nag-system failure yung PC, masesermonan ako ng dakila kong itay. Kahit 11 months na birhen ang PC ko wala siyang pakialam don. Nag-system failure e. Ibig sabihin hindi na ito birhen. Ewan. Oks lang naman masermonan kaso alam ko na sasabihin niya e kaya saka nalang. Baka mapagod lang siya.

Nasa ibaba siya ngayon at nagpapatugtog (at hindi ko alam na nakikinig siya sa U2). Sila mama, tita, at pinsan ay na kay Baby Johnny. Hindi niyo pa pala siya kilala. Business partner ni mama. Mexicano siya. Juan Hernandez ata pangalan o Fernandez? Hindi ko maalala. Juan lang ang natandaan ko. Nickname niya yung Johnny. Yung "Baby" nickname din niya. Nagsimula raw 'yon sa China e. Hindi ko lang alam. Hemingway, ayun nga. Naandun sila mama. May condo kasi si Ginoong Juan sa may Kalentong. E since walang ibag kakilala si G. Juan dito sa Pinas at ang kanyang mga anak ay nasa Mexico, sinamahan siya nila mama. Dapat nga kasama 'ko kaso si Appa naman ang walang kasama ngayong New Year. Tsaka iniwan ko si Appa nung Noche Buena at Pasko para sa kanya dahil alam kong hindi naman nagce-celebrate ng Christmas si Appa (actually buong pamilya namin).So, sana kahit paano ay masaya siya. Hindi siya emo this Jan1'09.

Speaking of Appa ulit... wala lang. Na-tats lang ako dun sa sinabi ni itay noong Noche Buena.
Ako: Pa, alis daw kami a sabi ni mama.
Appa: Umm (Oo) sige.

After maligo, magbihis, mag-ayos, mag-ano... ano... ano...

Ako: Tinatamad ako. 'Nu ba 'yan. Si mama kasi e. Tatawag pa ng alas kwatro alam namang kagigising lang namin ni Rowie nun.
Appa: Edi huwag ka nang sumama. Dito ka nalang sa'kin.
Ako: E si mama e.

Tapos umakyat ako at dumiretso sa kwarto. Muntikan na 'kong maiyak e. Ayoko kasi talaga siyang iwan. Kaso naawa rin ako kay Ginoong Juan. Ayun. Si Appa ay emo nung noche buena.

11:26pm.
Lumalakas yung palo sa poste. 30 minutes nalang.

Naa-adik na rin ako ngayon sa Pinoy Fear Factor. Pfft. Nagsimula 'yan sa Survivor Phils e. Si Sir Jarin kasi. Hemingway, ayun. Gabi-gabi akong nanonood. At dahil din yun kay @#$$#%$^%&@. Hehe. Tikas ng ngiti niya. 'Langya siya. Tungkol naman kay Manuel, wala akong masabi. Adik siya. Dami niyang alam XD. Siya raw nanalo e. Deserve naman niya. Tsaka yung sinasabi nila na plano ni Manuel na matira ang mga babae at inuubos niya ang mga lalaki, isa yung malaking duh. Kung talagang magaling yung ibang lalaki kahit anong planong gawin ni Manuel tatagal sila. Tapos babae pa nakakasabay nila sa third round tapos natatalo sila. Pfft. Ayoko naring mangialam dahil hindi kami close O_O. Natatawa ko. Bakita kaya XD. Haha.

---

Ngayon ko lang naalala na nakay Aubrey pa yung kopya ko ng Kubeta at yung Veronika Decides to Die ko. Sows. As if namang binabasa niya yung Veronika. Yung Eleven Minutes nga wala pa ata siya sa kalahati e tapos sabi niya natapos niya. Ewan. Sana maibalik niya yung VDTD dahil bigay ni Senpai Juno sakin 'yon. Dahil kaibigan ko si Senpai at talagang libro (na gusto ko pa) ang binigay niya, espesyal 'yon. Kaya kayo, kung gusto niyong magkaroon ng sense ang existence niyo, bigyan niyo narin ako ng libro at buong puso ko kayong ite-treasure. Hehe. Ok, balik tayo sa earth. Yung Kubeta naman, may kopya ako. Tinype ko 'yon kaya naka-save sa USB at yahoomail ko. Kaso Kubeta lang 'yon at yung Jacklyn (tama ba?) ay wala ako. So, sana ibalik ni Aubrey.

11:42pm na. Beatles naman pinapatugtog ni Appa. Kaunting minuto nalang, turn off the lights na. Nakakarinig narin ako ng sirena ng firemen. Bombero. Tama naman diba? Ayun. Pero malayo naman ata ang sunog sa amin. Hehe.

---


Geh-geh-geh.
Sa susunod nalang.
Happy New Year sa lahat.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer