Tuesday, December 23, 2008

Limited.

Nawalan ako ng gana magkwento. Nube'yan.
Sige, subukan ko.

---

May libro nga pala akong binabasa ngayon. Yung Po-on ni F. Sionil Jose. Actually matagal nang pinahiram sakin 'to ni Maan. Wala pang Eraserheads Reunion Concert na sakin na yung libro. Ngayong December ko lang talaga sinimulang basahin.

Nage-enjoy naman ako. Nakakatuwa rin kasi e. Haiz. Kaso feeling ko ang tagal kong magbasa. Tipong 15 minutes per page. Ang lalim kasi nung english e. Kahit si Pinsan Rowie na bihasa sa literature ay natutulala sa mga words na ginamit. Oks lang. Naiintindihan ko parin naman yung istorya. Kaya pa naman ng utak ko. Natutuwa rin ako kay Istak.

---

Astigin nga pala yung bandfest. Syempre sinusuportahan ko ang Bandalism. Tsaka syempre yung DT4 (tama ba?) tsaka ARR. Galing ng ARR. Pang-NU. Pwede na silang makipagsabayan sa mga banda ngayon, at sa mga banda noon.

Galing din ni Senpai Juno. Kagaya ng sinabi ko sa kanya, muntikan na kong mag-suicide dahil sa solo introduction niya at intro palang 'yon. Haiz. Kung iisipin yakang-yaka niyang higitan si Michael Angelo Batio. Tsaka ngayon ko lang napagtanto na talagang nagpapa-humble lang siya kapag sinasabi niyang hindi pa siya magaling. Kung hindi siya magaling, ano 'ko? Pero nakakainspire parin naman. Sana nga kagaya ng sinabi niya, sana maging maluphfet akong bahista. Tapos makakaharap ko si Buddy. Saya nun. Or lead guitarist narin. Or drummer. Oks na 'ko kung matugtog ko lahat XD. Kelan naman kaya?

---

Nagbabasa lang ako ng blog ng iba nang biga kong maalala si Fine Arts. Wala lang. Naalala ko lang. Tapos bumalik lahat ng first year memories. Ilang buwan nalang 4th year na ko. Ilang buwan nalang 2nd anniversary na ng February 15. Ewan.

---





Geh-geh-geh.
Mag-u-upload pa ko ng pics e.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer