Abiso ng pusong bulag na humahanga: Walang kwenta ang entry na 'to. Pero kung gusto mong malaman kung ano ang mga nakakasulasok na bagay sa isip ko, geh, go. Malaya kang basahin ang sumusunod na saloobin.
Naaasar ako. Bakit? Wala lang. Gusto ko lang maasar. Hehe. Gag-o. Gumawa ng sariling problema.
Kasi ano e... haiz. Hirap i-explain. Hindi naman kasi talaga kaasar-asar kaso medyo napapaisip ako. Ito kasi 'yon, during the weekends, wala akong ibang ginawa sa net kundi mag-search at mangulimbat ng imahe ni R slash 8**&13 slash Ginoong Ang Ganda Mo.
Hindi ko akalain na ang tikas niya dati. Akshali hanggang ngayon naman e, at kahit pa siguro hanggang sa bukas at makailang bukas pa. Tsaka may glasses siya dati. Tikas. Tapos, syempre, kahit dati pa ay hindi na siya nagpapagupit. Hindi niya ata alam ang 3by5. Pero medyo oks pa yun. Kasi kahit mahaba yung saktong haba lang naman. Hindi kagaya nung mga panahong ano, nakaka-insecure dahil mas maganda pa siya sakin (*laughs* hindi lang naman ako ang nagsabi non). Pero mas oks nung summer this year. Talagang haircut na. Kaso, ewan ko lang ngayon. Ok. Tama na. Puro haircut na ang topic. Balik tayo sa "asar-blah-blah".
Ayun nga, nagse-search lang naman ako nang may nakita akong isang imahe nila ng buong banda tapos medyo ano yung expression ng mukha niya. Yung kumbaga lahat nakangiti, siya medyo nakakunot yung noo, sumisila ang kanyang tingin at... at... at may naalala akong someone na ganun ang expression noong mga panahong nagkakatitigan kami. Sows. Halata naman ata kung sino yung someone e. Sino pa ba ang mahilig makipagtitigan sakin?
Binalewala ko 'yon at nag-focus ako sa kaisipang, "Ang gwapo mo. Shyet ka. Bakit ka ganyan." Pagdating ng Lunes, nabigyan ako ng 1 oras para makapag-internet. Wala akong ibang ginawa kundi magpunta sa multiply site na related sa banda/sa kanya at nangulimbat ng imahe. Na-windang lang ako dun sa isa.
Kung titignan yung imahe, halatang magsisimula palang ang tugtugan. Nakatali ang pang-shampoo ad niyang buhok. Hawak ang kanyang malupfhet na gitara at sideview ang anggulo. So, profile niya ang nakikita ko. Nang una ko talagang makita 'yon, "shyet" na naman ang nasabi ko. Dun sa imahe na 'yon, talagang kamukha niya si Ano - si someone, whatever-whoeverheis. At sa imahe na 'yon, kuhang-kuha ni 8**&13 ang profile ni Ano. Lalo na yung sa mata. Yung tingin, yung talas ng tingin pareho. Isama pa yung kilay don. Nyakness. Karimarimarim.
Dahil don, kapag tinitignan ko na yung ibang imahe niya, lagi ko nang na-i-imagine si Ano. Hindi naman totally imagine pero pumapasok agad sa isip ko na, "Magkamukha talaga sila." tapos ihahabol ko sa utak ko, "GIGO! Hindi sila magkamukha. Nag-ha-hallucinate ka lang." Lintsak. Ewan. Kaya yun. Naasar ako. Puno pa naman ang Bandista folder ko ng imahe ni 8**&13.
Ang babaw 'no? Pasensya a. Big deal sakin yun e.
Now Playing: Invitation ~ Kjwan.
(Shyet. Sira na kinabukasan ko nito.)
