Dapat naka-focus lang sa isang tao ang entry na 'to. Kaso nakita ko na almost 2 weeks na pala akong walang bagong entry, kaya 'to, gagawa ulit ako ng nobela. Mag-u-update lang ng konti.
Ginanahan lang ako gumawa ng entry ngayon dahil kay Pia. Haiz. Miss ko na yung par` ko na yun. Tagal na naming dehin nagkikita. 3 months na. Ang dami kong gustong ikwento sa kanya, gustong sabihin, gustong ipakita, gustong i-share, basta lahat ng ginagawa namin dati. Miss ko na. Yung mga trip, mga bentang kornik jokes, mga praising, mga... 'yon.
After 2 months, nakapag-usap narin kami. Kaso, chat nga lang. So, ayun nga, kagabi OL siya. Natuwa naman ako. Matagal-tagal na rin 'yon. Sayang nga kasi halos isang oras lang kaming nagka-chat. Kaunting topic lang napagusapan tapos, isa pang sayang, wala sila Toni Meng. Edi sana makakapag-praise na kami.
Miss ko na talaga si Par`ng Pia. Ni hindi ko pa nga nakukwento sa kanya yung tungkol sa "R" ng "CdLBR", at kung gaano kataas ang paghanga ko kay "R" na 'yan; yung mga panahong gustung-gusto ko talagang mag-CO; kung paano ako na-inspire kay David Cook sa malamig at seductive niyang arrive at boses; yung mga panahong natuliro ako dahil muli kong nakita si Ano; kung gaano ako natuwa nang malaman kong tutugtog ulit ng magkakasama ang mga miyembro ng Eraserheads; yung mga pangyayaring alam kong lume-level up sa pag-darna ng kalokohan dahil laughtrip talaga, na alam kong ma-e-enjoy naming magkakasama. Marami pa. Maraming-marami pa. At kahit kailan, hindi ko gugustuhin na maging theme song ng barkadahan namin ang Minsan ng Eraserheads (though I love how Ely sang the part, "dahil ngayon tayo ay nilimot ng kahapon").
Thursday, 07.10.2008.
Nagpasa ako ng form para sa pag-c-CO. Nang mga panahong 'yan, bitin na bitin talaga ako. Bitin ako sa rason, bitin sa inspirasyon, bitin sa urge, bitin sa encouragement, bitin sa lahat. Hindi sa napilitan akong mag-CO pero yun nga, bitin. At hindi lang pala basta bitin, kulang. Kulang na kulang. Wala pa talaga sa kalahati.
Kagaya nga ng sinabi ko kay Leo, gusto ko ng taong panghahawakan ko ng salita. Yung kapag tinamad na ko sa pag-c-CO, hindi parin ako susuko kasi may binitawan akong salita sa taong 'yon na gagawin ko yun para sa kanya. Kaya nga gusto ko yung taong malakas ang impak sakin, yung maimpluwensya, yung na-i-inspire talaga ako. Kaya nga sabi ko rin, makita ko lang ng live at personal si 8**&13, kahit ipa-memorize sakin sa loob ng 5 minuto ang lahat ng commands, gagawin ko. Harap... ra. Nyaks. Katamad mag-explain. Basta, ganun.
Kaso, yun nga. Wala akong inspirasyon, walang ganon, ganyan, ganito, bitin, bitin lahat. Ni hindi pa ko mabigyan ng matinong rason para sumali ako sa COCC. Sabi ni Leo, "Military Secrecy. Mag-CO ka para malaman mo," e langya naiintindihan ko naman yun e. Kaso kahit man lang personal na rason walang maibigay. Masyadong finocus ang utak sa hinayupak na motto #2. Na-badtrip tuloy ako ng gabing may confe kami non. Lintek. Ayoko nang balikan. Baka sabihin pa ni Leo e tinanim ko yung sama ng loob ko noong gabing 'yon. Hindi ako ganun kababaw Leo. *lols*
Friday, 07.11.2008.
Ito ang araw kung kailan ko sinimulan ang pag-c-CO. Ngayon ko lang din naalala na isang taon na ang nakakaraan mula nung una kong nakasabay si Fine Arts sa dyip (kasabay ko rin si Maan non at nagkatitigan lang kami nang makita naming sumakay si Fine Arts). Hindi ko akalain na after a year e gagawin ko rin ang kalokohang pinasok ni Fine Arts, na ewan ko kung nabigyan ng compensation.
Maaga akong pumasok, at maaga rin akong nagpawis. Mainit sa headquarters. Uber. Tapos yung katabi ko pa sa kaliwa kung magpawis ang braso aakalain mong dinaluyan ng asido ang sweat glands.
BAWAL NA MAG-BLAH-BLAH NG IBA PANG PANGYAYARI. Ang masasabi ko lang, sunud-sunod na quiz ang binagsak ko at sa Geom lang ako nasiyahan (at langya, 15 items pa ang mali ko don. Kadiring iskor). Tulala kasi ako non. Malalim ang iniisip. Random at patung-patong at patung-patong at random at patung-patong ang mga bagay na nasa isip ko. Nun ngang nag-recite ako ng "demography" sa PA eh pilit na memorization 'yon. Habang nagre-recite ako at nakatingin kay Ma'am Dizon, tino-torture ng iba't ibang kaisipan ang utak ko. Siguro inaakala nila na kaya ako hindi tumatawa o nagre-reak sa mga bentang kornik jokes ng mga kaklase ko ay dahil sa dinidibdib ko ang pag-c-CO. Hindi ganun. Hindi ako nagre-reak dahil nga sa mga thoughts na hindi ko maiwasang hindi isipin. Kung tungkol saan, 'wag nang magtanong.
Gabi na kami nakauwi. At dahil dito, na-badtrip ang tatay ko. Nag-sermon ng kung anu-ano. Ang pinaka-idea ng sermon niya - tigilan ko na ang pag-c-CO. Nang matapos siya sa mga yadda niya, naiyak nalang ako. Hindi ko alam kung bakit. Pero pumasok sa sistema ko na, "Ayoko pang umalis. Oo, nahihirapan ako pero hindi ngayon. Hindi ngayon at ayoko pang umalis." Kung ayaw niyong maniwala, mamatay na kayo dahil seryosoako dyan. Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko e. Nang matapos ang sermon ni Itay saka ko lang na-appreciate kung ano ang mga kagaguhang pinagawa at ginawa ko nang dahil sa COCC na 'yan. Kaso, iba na ang sermon ni Itay. Kapag kinontra ko 'yon at nagpatuloy ako sa pag-c-CO, wala na akong bahay na uuwian. Baka pagkababa ko palang ng kanto nandun na lahat ng gamit ko. Ayun, no choice. Kailangan kong umalis.
Kinagabihan nag-OL ako. Sinabi ko kay Meng at Leo ang drama ng tatay ko. Naintindihan (nga ba?) naman nila. Ayun.
11pm. Nanood ako ng MTV. Napanood ko ang music vid ng... 'yon at nakita si 8**&13. Hindi ko maiwasang isipin na, "Bakit ngayon pa? Bakit ngayon lang? Wala na e."
Saturday, 07.12.2008.
Pupunta sana ako sa iskul para makapagpaalam ng pormal sa mga officers ng CAT-1. Kaso pagkadilat ko 9am na. Langya. Nasira ang diskarte nang dahil sa pagpupuyat ko. Ayoko na rin namang pumunta. Aking napagdesisyunang sa Lunes nalang magpaalam sa kanila.
Bandang hapon, nanood ulit ako ng MTV. Napanood ko na naman ang music vid ng... 'yon at nakita si 8**&13. Wala na. Kanta nalang ako, "I'm gonna ride this plane out of your life again. I wish that I could stay but you argue. More than this I wish you could've seen my face in backseat staring out the window..."
Monday, 07.14.2008.
Plano ko sanang pumasok ng maaga. Yung pasok-CO. Kaso bumalik sa dating settings ang system ko. Bumagal ulit ako kumilos. Ayun, nakaalis ako ng bahay ng 6:20am.
Ang aga-aga, medyo traffic na. Hassle talaga dito sa Pinas. Magpapa-print pa ko nung sa IT.
Pagkarating sa Teresa, naghanap ng pa-printan na pwede ang de color. Ayun, nakapagpa-print naman. Kaso 7am na. Akala ko late na ko pero buti hindi pa. Nang magkita kami ni Meng, dumiretso na kami patungong hq at sabay na kaming nagpaalam sa mga officers.
Medyo may program na nangyari. Ayun. Nagsama-sama kaming mga QUITTERS (kung maligaya kayong gamitin ang term na 'yan para samin, no prob. Ako, I'm proud of it *evil laughs*) at medyo nagkakwentuhan kami ni Alano. Mga ka-ewanan lang naman 'yon tungkol sa naging buhay namin as COCC Trainees.
Sa araw na 'to, ang pinakamasayang welcome note na natanggap ko ay galing kay Maan:
"Na-miss ko ang tawa mo." Naks.
Wednesday, 07.16.2008.
Swerte ko sa dyip. Ako lang naman ang nag-iisang babae at ang mga nakasabay ko ay mga Cebuano at Ilonggo na trabahador. Hindi naman sa pag-a-ano kaso makikita mo naman sa kanila e. Tsaka umagang-umaga amoy-pawis. Luphfet. Mukha namang harmless ang mga nilalang na nakasabay ko kaso OP ako. Na-pa-paranoid narin ako. Iniisip ko na inarkila nila yung dyip. Abnormal.
Ok. Kaya ko naman nalaman na Cebuano at Ilonggo sila ay dahil sa mga salitang ginamit (malamang) at sa punto o yung way ng pagsasalita. Hindi talaga ako nakakaintindi pero alam ko ang mga punto nila. Lalo na yung Ilonggo. Magkaron ka ba naman ng tatay na galing Roxas City e.
Bumagyo. Suspended ang klase. Burado na naman ang lugar namin sa mapa. Ubos ang dagdag sana sa ipon ko na bente dahil binayad ko don sa mga mambabangka. Uso samin 'yan kapag lubog sa polluted water ang baranggay namin.
Nakatulog ako ng 12:30pm. Hindi ako makapaniwalang nagising ako ng almost 6pm. Haha. Burnout? Ewan.
Thursday, 07.17.2008.
Wala naman masyadong nangyari except sa reporting sa BCS. Aaminin ko, I am guilty for not making any visual aids (tama ba?) para sa report ko kaso, binasa ko naman 'yon. Binasa at inintindi. Nagkamali lang ng pagkakaintindi dun sa "seventy". Basta. Ewan. Nang tinanong ni Ma'am kung ginawa ba namin yung report 10mins before the time, sasagot sana ako ng, "Ma'am, kami ni Ira, nung Tuesday na-discuss na namin sa isa't isa yung ire-report namin. Ewan lang namin sa kanila". Kaso buong grupo ang tinanong at sa "buong grupo" na 'yon kasama ako. Ayoko mang-iwan sa ere. Tsaka hindi nga ako nakagawa ng visual aid diba. Baka kuwestyunin pa ko ni Ma'am non. Hindi lang naman ako gumawa ng visual aid dahil simple lang naman yung report ko. Kaya nga nagsulat nalang ako sa board e. Malay ko bang kailangan dibdibin at kailangan kong magsayang ng papel sa report na i-e-elaborate ko lang naman dahil kayang-kaya nang intindihin ng mga kaklase ko ang tungkol don. Ok. Fine. Kasalanan ko. Masyadong mataas ang tingin ko sa mga kaklase ko. Geh. Bawi nalang neks taym.
Ngayon, 07.18.2008.
Wala naman masyadong nangyari. Ewan ko kung may hangover pa ko sa aking buhay-cocc-trainee dahil alam kong mababa na naman ang makukuha kong iskor sa Filipino. Haiz. Ewan.
Now Playing: Ang Pusa Mo ~ Pedicab.