Sunday, June 29, 2008

That's Not My Name.

Ngayon, 6.29.08.
Currently watching The Notebook. Dehin ko 'to napanood kagabi. Tapos hindi ko pa nasimulan kanina. Late ako ng 10 minutes. Pero oks lang.


Sabi ng nakararami isa raw 'to sa pinaka-romantic na napanood nila. Yung iba ayaw kasi "istorya lang naman 'yan ng dalawang taksil." Ewan. Hindi ko pa kasi nababasa yung libro e tsaka hindi ko pa talaga napapanood. Since Nicholas Sparks ang author nung libro, interesado akong panoorin. Tsaka I love Rachel McAdams. Versatile actress kasi siya e.

Kanina napanood ko ng kaunti yung laban ni Pacquiao. Tinamad kasi akong panoorin nang mabasa ko na sa Y! News kung sino ang nanalo. Spoiler. Pero congrats kay Manny. Knockout ba naman ang ending ng laban e.

Sabado, 6.28.08.
Wala naman masyadong nangyari.

Nagising ako ng 1pm. Umalis si itay ng 1:30pm. Pumunta siya ng Makati. Nasa ospital yung lola ko e. Dapat sasama ako kaso sabi ni itay 'wag na raw. Oks lang naman sakin.

Boring sa bahay. Nakatulala lang ako sa kung saan-saan. Nanood ng kung anu-ano. Kumain ng pwedeng makain. Bandang ala-sais nakatulog ako. Nagising ako ng 8pm. Wala parin si Itay. Mag-i-internet na sana ako nang naalala kong dapat tawagan si mama. Tinawagan ko muna. Sumimpleng sermon si mama. Asar. Kasalanan ba naming nauubos din yung load niya kahit kami na yung tumatawag sa kanya.

*Hindi ko akalain na ganito pala yung ano sa The Notebook. Potek. Gumaganon.*

After calling mama, nag-net na ko. Kaunting ganun. Ganyan. Blah-blah. Tapos naka-chat ko si Leo. Tinanong niya sakin kung sino ba si 8**&13, kung ano nang mangyayari sa COCC decision ko. Ewan. Alam kong intricate at random ako mag-explain pero kung babasahin namang mabuti yung chat conversation namin e maiintindihan din naman 'yon ng kahit na sino.

Hindi ko matandaan kung anong oras dumating si papa pero siguro mga 9:30pm na 'yon. Natapos din akong mag-net ng 11pm.

Biyernes, 6.27.08.
Masaya kasi Friday. Badtrip kasi Friday.

May short quiz sa Filipino tungkol sa Hinilawod. Isa lang mali ko kaya badtrip. Nagkamali pa ko. Hindi ko nga alam kung mali nga ba talaga ako kasi lahat ng sagot ko, lahat ng ni-review ko ay nakabase sa libro. Yun ang sinabi ni Mam. Mas maganda kung galing sa libro. E kung ipakita ko kaya sa kanya yung libro, itatama ba niya yung "Hantique" na sagot ko? Baka hindi na rin. Ewan.

Actually yung Hinilawod lang talaga yung binasa ko e. Kasi yung Biag ni Lam-ang, nung grade 6 na-discuss na yun sa klase namin. Ang kailangan ko lang i-refresh sa utak ko ay yung mga pangalan.

Sa Geom naman, meron ding test. Asar yung iskor ko sa test 1. Hindi naman talaga ako nakapag-review e. Ang huling review ko sa Geom ay Friday last week pa (June 20). Kaya kahit mahilig ako sa identification style na test, wala. Walang nangyari. Nagka-random-random na sa utak ko yung mga ni-review ko.

Sa may test 2 naman, ok lang. Hindi ako sigurado kung tama yung mga ginuhit ko pero yun talaga ang naisip kong iguhit base sa mga descriptions/whatever. Kaso hindi ko nagawa yung #10 (Angle UST measures 95 degrees). Nag-check na kasi ng sagot. Kung ihahabol ko 'yon baka sabihin pang nandaya ako. 'Langya. 2 points din 'yon.

Tapos, sa IT, na-discuss yung part na paglalagay ng user account ba 'yon. Edi dun sa PC na gamit namin ni Nyx, gumawa kami ng account. Sabi ko incognito nalang yung user name. Tapos maya-maya nilagyan niya ng password. Hindi ko alam kung ano yung password pero alam ko nilagyan niya. Then sinabi ni Mam na bawal maglagay ng password sa mga PC. Hindi naman kami yung tinutukoy niya pero yun nga, sinabi niyang bawal lagyan ng pword ang PC. Ewan ko kung tinanggal ni Nyx yung password. Siya naman kasi may hawak lagi sa keyboard and mouse. Nakatulala lang ako sa monitor kapag ine-execute niya yung mga sinasabi ni Mam na dapat gawin. Kahit si Emphi nakatulala lang din. Basta, bahala si Nyx sa buhay niya kapag nagtanong si Ma'am Via kung sino ang naglagay ng password, if ever na hindi pa niya yun inaalis.

Nag-test din kami sa Chem. Isa na namang kabadtripan. 'Wag nang magtanong kung anong iskor ko dahil karimarimarim ang nakuha ko. Pero alam ko namang katangahan ko ang dahilan kung bakit naging ganon, kung bakit nakakasulasok na iskor ang nakuha ko.

Masaya ang scientific notation. Oks pa ko don. Kaso, ewan ko kung bakit pa nag-exist ang significant figures. Nung mga panahon pa naman na tinuturo 'yon ni Mam Rivera, lumilipad ang utak ko. Nakatingin ako sa board, sa kanya, pero iba ang iniisip ko. Kaya ayun, hinulaan ko ang significant figures. At may isa pang katangahan. Dun sa fourth part nung test, ayon sa directions ay i-round off sa nearest tenths yung sagot. Ang rumegister sa utak ko na "tenths" ay two-digit number. Siguro kasi may hangover pa ko sa BMI sa PE. Ewan. Ayun nga, lahat ng sagot ko naka-round off sa nearest hundredths. May sagot pa nga dun na .8 na, ginawa ko pang .80 dahil nga two-digit number ang nasa utak ko. Stupid. Napakalaking estyupid.

Nag-overstay ulit kami sa iskul. Kaya nga masaya kapag Friday kasi nakakapag-overstay kami ng mapayapa dahil walang pasok kinabukasan. Ayun. Maraming nangyari na nakakatuwa. May mga "he's driving another girl", may nawasak na cellphone, may kumanta, nag-level up, nagutom ako, at naubos ang pera.

Nung Friday din, hindi ko alam kung anong ka-abnormalan ang meron sakin. Basta mga after break 'to. Nagsimula siguro nung Prac Arts. Ewan ko kung dahil sa sobrang init, o dahil kulang na ang oxygen sa paligid habang ako ay kinukulangan sa carbon dioxide, o talagang haggardness lang.

Basta lagi akong humihinga ng malalim. Tsaka kahit malalim na yung paghinga ko, kulang parin. Bawat hinga ko ganun. Tapos lalabas ako ng classroom. Pagkalabas, oks naman. Normal ang paghinga ko. Basta 'pag nasa loob ako ng classroom, laging ganun. Kagaya nung Chem, gusto ko sanang bigla nalang tumayo tapos lumabas. Ang hirap mag-test nang humihinga ng malalim.

Idol ata ng lungs ko si Chivas e. Hyperventilation? Ewan.

Ngayon ulit.
Nabitin ako sa The Notebook. Bitin talaga. Siguro mas masaya yung libro.

Tsaka nagugutom na ko. Haiz. Kanina pa ko nagt-type. Gusto ko ng fries with tomato ketchup. O kaya pop corn dipped in butter. Potek. As if. Haiz. Wala naman akong pambili.

Geh. Saka nalang ulit. Babasahin ko pa yung blog ni Anne Frank.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer