Saturday, July 5, 2008

Ilang bukas pa ba?

Currently enjoying some Jolly Crispy fries at isang sundae. Bumabait si Pinsan Rowie. Mahilig na siyang manlibre ngayon. May pera e. Hehe. Syempre ako nama'y sinasamantala ang pagkakataon. Adik ako sa fries e.

So, napagtanto ko na sa Lunes na ata ang simula ng COCC trainees. Ako, wala. Wala nang nangyari sakin. Hindi ko alam. Alanganin kasi ang mga nangyayari.

Huwebes, 07.03.08.
A month after 8**&13's birthday. Maraming nangyari.

Sa iskul, maraming blah-blah. Ayoko nang ikwento dahil emo moments ang mga naganap na pangyayari at wala akong karapatang i-blog 'yon. Bahala na si Par'ng Siya kung ipapaskil niya 'yon sa blog niya. Basta, ang masasabi ko lang ay "It's nice to see a real man crying, for he is never afraid to show his emotions."

Naks, "man" na siya. *laughs*

Tsaka naiyak din ako (tsaka si Meng) nun e. Pasensya kasi hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na mapa-aww kapag lalaki na ang umiyak. Lalo na kung sincere at seryoso siya sa emosyon at sa nararamdaman niya.

Gabi ng araw na 'to nagkaron kami ng YM Conference. As usual, walang sense at random ang topic. Kaso dahil sa confe na 'to ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na medyo mag-"against all odds" dahil inuunti-unti na talaga ako ng mga kagaguhan ni ano na hindi ko alam kung napapansin ba niya. Hindi ko alam kung nararamdaman ba ni ano na nakakagag-o na siya ng kapwa niya.

Ayoko na talagang pansinin ang pagiging gag-o ni ano dahil backstabbing ang dating. Kaso, installment nga ang kagaguhan niya. Uunti-unitiin ka. Tsaka kahit parang dial-up ang pasensya mo sa sobrang tagal maka-absorb ng kagaguhan, matatapos at matatapos parin ang pagdo-download. Ako naman, hindi pa tapos sa pagdo-download. Dahil bago pa ko makarating ng 99%, dini-disconnect ko na. Kaso, kahit ayoko nang mag-connect, masyadong haytek ang kagaguhan ni ano at sinisimulan na naman niyang mag-connect ng kagaguhan sakin. Hindi lang sakin, sa nakararami rin.

Sa mga kagaguhan tuloy na nangyayari, hindi ko mapigilan na ma-miss si Pia. Pareho kasi kaming nakakaramdam ng kagaguhan ni ano. Pareho kaming nagpipigil na makapagsalita ng masama o makagawa ng ikasasama ng loob ni ano. Sensitive kasi masyado si ano. Uber sensitive to the point na insenstive na siya para sa iba (kaya nga nakakagag-o diba).

Ayoko naring i-elaborate pa ang issue na 'to. Sumasakit lang ulo ko. Basahin niyo nalang yung pinakahuling comment ko kay Rita sa friendster, o yung entry ni Pia sa blog niya tungkol sa isang "henyo" para sa karagdagang impormasyon.

Toni Mae, iikot mo nalang. Iikot nalang natin para hindi na tayo maapektuhan ng mga kagaguhan.

Biyernes, 07.04.08.
First Friday of the month kaya may mass at fellowship. May hangover pa rin ko ng kagaguhan kaya pagkarating ng klasrum, snob. Hindi ko agad inapproach si ano. Alam kong mararamdaman niya na iniiwasan ko siya pero sa umagang 'yon, wala akong pakialam. Taas ng pride niya, letse. Ano siya, boss? Lahat ng tao sa kanya lalapit kahit siya yung may kailangan? Ponyeta.

Dahil don, napagdesisyunan kong after nalang ng mass siya kausapin ng medyo matino. Kailangan ko siyang kausapin dahil hanggang ngayon ay hindi pa kami nakakagawa ng saktong formula para ipamukha sa kanya na henyo siya. Kailangan kong kalimutan ang amats ko para hindi masama ang loob ko habang nakikipaggaguhan nakikipagusap sa kanya. Kailangan kong lokohin ang sarili ko para lang hindi siya ang maloko ko. Ayokong maging plastik kaya kailangan kong mag-disconnect.

Nagpatuloy ang buhay. Ako lang ang Entrepreneur sa room ng Bookkeeping. 'Langya yung dalawang bookkeepers na 'yon. Kapal ng amok magkwentuhan ng mga bagay-bagay na out of this world sa harap ko. Haiz. Hindi ko alam kung bakit at paano nagkaroon ng karapatan mang-OP ang mga empleyado sa boss nila.

Hindi naman ako na-OP sa topic nila kaso, putek, yung usapan ay yung tipong hindi ka pwedeng sumabat. Ang totoo, pwede akong umepal kung gugustuhin ko kaso ginagalang ko ang conversation nila kaya ayokong humirit. Mga bagong recruit ng kagaguhan. Hindi sa kinukumpara ko ang sarili ko sa ibang tao pero kasi hindi ako nang-o-OP. Hindi ko alam kung bakit hindi 'yon matutunan ng iba.

Maya-maya natapos din yung mass. Marami na namang epal sa earth. Umingay na naman ang paligid. Medyo kinausap ko na si ano pero hindi ko siya inapproach directly. Ewan. Hindi kasi ako umattend sa fellowship kaya na-refresh yung sama ng loob ko.

Uwian. Nagsimula na naman ang mga kagaguhan. Kaya sabi ko kay Toni Mae, "Meng, iikot mo nalang." Tapos after niyang gawin tatawa kami.

Nagpunta kami sa oval. Sinariwa namin ang polluted na hangin at kinain ang baon ni Toni Mae. Kaunting kwentuhan at maya-maya umuwi narin kami. Medyo umaambon na kasi. Si Leo at si ako lang ang may dala ng payong.

Pagkawui, kain lang. Hindi na ko nakapag-OL dahil gamit ni Pinsan Rowie yung internet. Maya-maya bagsak ako sa kama. Nakatulog.

Nagising ako ng 10:30 at napagtantong hindi pa nakakapagpalit ng blouse. Walang hilamos, walang teethbrush, walang urinate, at medyo may abdominal cramps. Yun ang kumumpleto sa YAKNESS. Hindi naman masyadong masakit but enough para tamarin akong kumilos. Kaso, nandidiri na ko sa sarili ko kaya kahit malamig yung tubig at medyo tulog pa ang system ko, kailangan kong maglinis ng katawan.

Kumain na naman ako at syempre nagpuyat. Na-miss kong matulog ng 4-5am. Hehe. Kaso hindi ko rin kinaya. Pagod e. Kaya 2:30 nakatulog na ko.

Bago ako matulog syempre nood muna ng tv. Napanood ko sa MYX Premiere yung bagong music vid ng Rivermaya. Sleep title nung kanta. Natuwa naman ako. Acoustic kasi yung kanta at nagustuhan ko naman. Parang Fill Her ng Eraserheads ang dating. At ang pinakanakakatuwa sa lahat, ang tikas ng profile ni Jayson. Ahoo-ahoo for him.

Sabado, 07.05.08.
Maaga akong nagising. May kaunting abdominal cramps parin. Umalis si itay para dalawin ulit yung lola ko. Nag-internet nung umaga at maya-maya, nagutom. Kumain, nanood ng TV. Bandang hapon naglaba ako (ngayon lang 'yan) ng aking mga... yun na 'yon. Dahil sa nakatungo ako para lahat ng bigat nasa ulo ko at maya-maya nararamdaman kong sasabog na ang cranium ko. Tumigil muna ako at pinabayaan sa sulok ang mga labahin. Balik ako sa harap ng TV at after 30 seconds, nilipat ko yung channel sa MTV. Pagkalipat, "SSSHHHYET!" at nagsisi ako sa katangahan ko. Nasa utak ko na, "dapat nilipat ko na agad yung channel e." Bakit nga ba? Wala naman. Nakita ko lang si 8**&13. Pagkatapos ng music vid, pumasok sa isip ko na, "Bakit ngayon lang? Wala na e."

Maya-maya, tinapos ko na yung labahin ko. Nagpahinga, nanood ulit ng TV, tinawagan si inay, at muling nag-internet.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer