Actually hanggang ngayon tinatamad ako mag-post ng bagong entry. Dapat nung 6.18.08 meron akong bagong entry dahil sobrang badtrip ng gabi ko nun. Tapos marami akong naka-chat. Ayun, nawala yung kabadtripan tapos ano... nakalimutan kong may tina-type nga pala akong entry tapos tinamad na kong i-post 'yon.
Hindi ko talaga mapagtanto kung bakit tinatamad ako. Yung gusto ko nang mag-post tapos biglang tatamarin na ko mag-type kapag ready na ko, kapag oks na. Nawawalan ako ng gana. E since matagal-tagal na kong hindi nakakapag-update, 'to, sinisipag na kaunti.
Biyernes, 6.20.08.
Masaya palang may nakakasabay na teacher sa pagpasok. Kasi diretso ka na e. I mean hindi ka na makikipagsiksikan sa mga pampadagdag hassle sa buhay na mga college students sa gate, dire-diretso ka nalang at titignan ka lang ng hinayupak na guard. Saya. Tapos naka-quote sa utak mo, "GIGO kasi kayong mga guard kayo".
Nakasabay ko kasi nun si Mam Serencio - adviser namin, ng III-Entrepreneurship (parang proud na proud ako e 'no). Medyo blah-blah ng kaunti, tapos nang malapit na kami sa lagoon, nasabi niya sakin yung tungkol sa "principal issue". Sinabi niya sakin na aalis na raw si Mam Castolo. Dapat sa November pa raw 'yon pero napaaga. Tapos ang papalit daw ay si... wag ko raw muna ipagsabi. Si Nyx at Maan palang ang nasabihan ko.
Wala ring matinong klase sa araw na 'yan. Wala ring ginawa at tumunganga lang kami nila Meng sa iskul.
Sabado, 6.21.08.
Potek. Nakalimutan ko yung mga nangyari sa araw na 'to. Saka ko na babalikan. O baka hindi ko na mabalikan. Tinatamad nga kasi ako.
Linggo, 6.22.08.
Umepal yung bagyo. Lakas ng hangin. Nakakatangay ng balat. Tapos umulan na. Bumaha. Syempre burado na naman sa mapa ng San Juan yung lugar namin, mababa kasi e. Tapos lagpas-tao na naman yung polluted water. Hindi ko nga alam kung bakit sikat yung mga ibang lugar na hanggang tuhod lang yung baha e. Sila pa raw yung uber nasalanta ng bagyo. 'Langya. So, anong tawag sa lugar namin na umaabot sa almost 8 feet yung tubig-baha?
Wala rin namang akong ibang ginawa kundi basahin ang blog ni Anne Frank, makipag-chat, panoorin yung mga basura sa labas. Sayang nga e. Kasi may lumulutan na Illustrazio bag tsaka Skechers na parang sandals (seryoso 'yan).
Mga 7:30 bumaba narin yung polluted water. Nakapaglinis narin kami. Kaderder nga lang yung banyo namin. Kahit san ka tumingin may iba't ibang lahi at henerasyon ng ipis. Yung dating pa e 'pag pumasok ka, lahat sila naka-freeze tapos parang tinititigan ka. Yung tipong, "Wui, tignan niyo. May bagong dayo". Nyaks.
Tapos wala raw pasok kinabukasan.
Teka, napanood ko yung music vid ng "Imbitasyon". Nakita ko si 8**&13 (at ang lakas parin ng arrive niya). Parang abiso. Ang ibig kong sabihin e... teka. Mamaya ko na i-e-explain.
Lunes, 6.23.08.
Ang ganda ng weather sa araw na 'to. Parang hindi nag-exist si bagyong Frank. Taas ng sikat ng araw. Parang walang sense yung suspension ng klase.
Martes, 6.24.08.
Piyesta ng San Juan/Manila Day. Walang pasok. Maaga akong nagising pero dehin ako nakipagbasaan. Boring makipagbasaan dito sa'min e. Mas masaya kapag dun malapit sa N. Domingo.
Miyerkules, 6.25.08.
May pasok na. May program/despedida(tmba?) party para kay Mam Castolo. Diniclare narin kung sino ang bagong principal - Si Mam Tahil.
Wala masyadong klase. Yung afternoon classes lang yung ano... 'yon.
Nakakaloko ang araw na 'to para sakin. Sinimulan kasi ako ni Evita e. Kung anu-ano tuloy yung trip ko.
Inaantok ako. 'Nuba'yan.
Huwebes, 6.26.08 slash Ngayon.
Huling klase na raw namin kay Ma'am Tahil kanina. Syempre siya na principal e. Kailangan mabawasan yung ibang trabaho. Nyaks. Saya ko pa naman 'pag English, tsaka na-miss ko si Mam Tahil. Dehin kasi boring magturo tsaka kung ano grade mo, yun talaga yun e. 'Wag ka ng umepal dahil yun na talaga. Hindi kagaya ng ibang teacher na... ewan.
Nakakaloko yung PE. Laughtrip na hindi ko maarok. Tapos haggardness. Ang init pa naman nung shirt.
Nung uwian, kinausap kami ni Ate Camposano (alam ko first name, confuse ako sa ispeling). Kino-convince niya kami ni Meng, together with Nyx, na mag-CO. Oks naman makipag-usap sa kanya. Medyo close kami e (weh?). Iskulmeyt ko namin siya dati at siya ang valedictorian ng SJES (SY 04-05). Tsaka kapag may iskul competitions, nakakasabay ko/namin siya sa tsekot. Oo, hindi man kapanipaniwala e madalas akong nag-tou-tour sa iba't ibang iskuls para sa mga contest *yabang mode*. Kaso... hehe. Let bygones be bygones.
So, ako, ewan. Wala namang problema sa pressure ng COCC e. Kaso, parang pag-po-post dito sa blog, kahit gusto ko parang biglang pfft, supot. Hindi sa tinamad ako pero parang ganun. Sinabi ko nga kanina e, "Kaunti nalang e. Oks na. Walang problema. Kailangan ko lang ng inspiration". Pero ang gusto ko talagang sabihin nun e, "Makita ko lang ng live/harap-harapan/personal si 8**&13 e oks na. Kahit itakwil ako ng kapitbahay namin, wala akong pakialam basta mag-c-CO ako."
Ngayon-ngayon-ngayon.
Ano nga bang kinalaman ng taong 'yon sa mga plano ko, lalo na yung tungkol sa pag-c-CO? Anong kinalaman ni 8**&13 at bakit napakalaking epal niya sa desisyon ko?
Well, yung taong 'yan ay isang napakalaking inspirasyon sakin. Kaya nga "Cera ROMERO" e, diba Ephraim? Haiz. E potek, dehin naman kami related diba? Pero ewan ko. Ewan ko talaga. Kasi nung mga panahong gustung-gusto ko talagang mag-CO, siya lang iniisip ko nun e. Nung mga panahon na sinasabi ko sa sarili ko na aayusin ko na 'tong junior life ko, isa siya sa mga inaalayan ko ng urge este ng passion ko. Mula sa arts & literature, sa lahat, hanggang sa music. Lalo na sa music. Bandista si 8**&13 e. Mafo-formulate talaga yung impluse kapag nagsimula na siyang tumugtog. Nakakalunod pa yung boses kapag kumakanta.
So, ayun nga. Ewan ko kung maiintindihan ng pangkaraniwang nilalang ang mga tinype ko. Siguro ang OA ng dating dahil masyado ko siyang pinupuri kahit hindi kami related sa isa't isa pero sa totoo lang e wala pa 'yan sa 0.000001% ng taas ng pagtingin ko sa kanya. I never did worship him. Hindi siya diyos. Pero I respect him (kahit hindi siya karespe-respeto in some/many ways *laughs*) and he inspires me.
Ok. Tama na. Nagugutom na ko e.
Saka nalang ulit. *ugh*
