Thursday, May 22, 2008

UNO

ANG SAYA KO.
Higit pa ito sa lahat ng nangyari noon sa akin. Kakaibang saya.
Hindi ko alam kung nangyari na ba 'to noon. Hindi ko maalala na naging ganito na ako kasaya dati. Hindi ko matandaan na sa aking nakaraan ay napaiyak na ako sa sobrang tuwa. Wala akong maalala na naramdaman ko na 'to noon - wala.
Wala na akong masabi dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin. Basta, masaya ako.
Haiz. Pasensya. Masyado akong inspirado at masyado akong natutuwa sa mga nangyayari.


Kagabi.
Huling birit na ng dalawang David. Hindi ko pwedeng palampasin 'yon. Syempre nanood ako ng AI.

Masaya ako sa naging performance ni DC. Parang "I'm enjoying the night" ang dating. Pero something's holding back. Hindi ko alam kung ano. Siguro dahil sa kaba o kung ano pa man. Pero masaya parin ako. Totoo, kung ikukumpara kay Archuleta na pang "Big Night" nga ang mga kinanta, parang wala dun sa lebel na 'yon si DC. Pero ewan ko. Kahit nararamdaman ko na parang lamang si Archie kay DC (at kinabahan ako ng dahil don), hindi ko parin maiwasang ngumiti at matuwa habang pinapanood siya. Masaya akong nakikita ang taong hinahangaan ko, habang naririnig ang boses niya.

Pagkatapos ng huling kanta ni DC, napaluha siya. "Aww" ang dating sakin. Nakaramdam ako ng lungkot pero napangiti ako. Naisip ko kasing totoo nga talaga ang caption sa banner ni DC na nakita ko: He's a real man. Tuwing napapaluha siya lagi kong naaalala 'yon. Tsaka isa pa, ang tikas niya kapag napapaluha o naiiyak. Hindi ko alam kung bakit pero ang lakas talaga ng arrive sa akin.

Ok. Konting blah-blah kay Archie. Totoong kinabahan ako kagabi dahil maganda ang pinakita ni Archie. Hindi lang maganda, magaling pa. Oo, magaling siya. At natakot ako sa milyung-milyong dalaga na nahumaling sa mala-anghel at inosenteng dating ni Archie dahil siguradong ubusan ng load at oras ang gugugulin nila para sa pagboto. At baka may mga bulag na nilalang na boboto base lang sa final birit nung dalawa. Asar pa yung tatay ko. Ito ang mga sinabi niya:
1. "Si Archuleta (binigkas pa niya as Arkuleta) na mananalo 'no?"
Nag-shrug lang ako. Pero sa isip ko, "Pa, manahimik ka."
2. "Mas maganda nga boses nito (Archuleta)."
Gustung-gusto ko na talagang sabihin sa kanya na, "Pa, ang plastik mo talaga. Pagkatapos mong ma-LSS sa I'm Alive ni David Cook, matapos mong bitawan ang mga salitang pang-Idol ang boses ni DC, sasabihin mong mas maganda ang boses ni Archie. Langya. Nagpapadala kasi sa comment ni Simon e. Lintek." Pero buti napigilan ko ang sarili ko. Ayokong magkasala. Ayokong mag-away kami ng tatay ko.
3. "Knock out pala. Wala na... wala na si Cook. Talo na... blah-blah-blah-ya-yaddah-yaddah."
Ito talaga ang maluphfet. Nasaktan ako dun kung alam niya lang. Parang sinabi niyang forgettable si DC. Kaya mas lumala ang pagka-asar ko. "Pa, p@kyu." Pero syempre, hindi ko nasabi 'yon. Pero asar talaga. Huminga nalang ako ng malalim at sabay sabi ulit sa sarili na, "Easy ka lang. Relak. Hayaan mo na 'yang tatay mo."

Pagkatapos ng AI, dumiretso ako sa kwarto dala yung unan ko. Hindi ko na maalala kung naiyak ako. Basta hawak ko yung gitara ko. Tinutugtog ko yung intro ng Huling El Bimbo at iisa lang ang nasa utak ko nun - Gusto kong manalo si David Cook. Parang ang selfish ng dating pero wala na akong ibang maisip na salita dahil 'yan naman talaga ang nais ko. Kasabay nun kinakabahan parin ako. Ang OA. Hindi naman kami related pero masyado akong apektado. Oo, apektado ako dahil isa siya sa mga taong hinahangaan ko. Ayokong sinasabi 'to pero sa ngayon (at ewan ko kung hanggang kailan) ay mas mataas ang paghanga ko sa kanya kesa kay Ely na alam naman ng karamihan na madalas kong tawagin na, "Master Ely". At ang isa pa, himala at nalimutan ko na nag-e-exist nga pala si 8**&13.

Hindi ko na sana planong matulog. Dire-diretso na hanggang 8am. Pero nararamdaman kong bumabagsak na ang mga mata ko noong kalagitnaan ng 3am. Kaya kinuha ko na ang dalawang cellphone at nagpa-alarm ng 6:30am. At bago matulog, nagdasal ako. Syempre para kay DC. Hindi ko alam kung hanggang anong oras ang tinagal ng paghikbi at ng dasal ko, basta alam kong nakatulog akong kabado.

Kaninang umaga.
Nagising ako at sabay ang tingin sa orasan. 6:30am. Maya-maya, hindi ko alam kung matapos ng ilang segundo o ng isang minuto, nag-ring na yung dalawang cellphone. Una kong naisip, "Bakit nauna pa ko sa cellphone. Himala. At hindi ako nakakaramdam ng antok e halos tatlong oras lang tulog ko. Bakit? Ano ibig sabihin nito? Panalo na si DC? Haha. Asa ka Ding. Mahirap pangunahan ang mangyayari." at kinabahan na naman ako.

Habang naghihintay sa AI, binuksan ko ang PC at gumawa ng collage. Puro imahe ni Cookie. Hindi masyadong matino dahil rush 'yon at sa paint lang. Basta gusto ko lang gumawa ng wallpaper para sa desktop na puro mukha ni DC. Kasabay non, pinapakinggan ko ang mga kantang pinerform ni David sa season na 'to.

Ayan na. AI na.
Ang saya nito. Natuwa ako dun sa Love Guru part. Nakakadala yung tawa ni DC nung parang shini-shave siya. Talagang lakas din ng tawa ko nun. Nakakatuwa rin nung nasalo ni Archie yung shaving cream. Ang inosente niya. Haiz. Ayoko nang i-elaborate. Panoorin niyo nalang. Basta, masaya. Teka, nung kumanta yung Top12, tapos magkakasama si DC, Jason, at MJ, natawa ako. Ang gwapo ng grupo nila. Haha. Teka, kailangan kong bigyang emphasis si MJ. Na-miss ko siya. Tikas niya kanina.

5-7 minutes bago mag-10am ay magkatabi na ang dalawang David. At maya-maya, sinabi na kung sino ang nanalo - David Cook. Hindi ko na napigilan sarili ko. Napasigaw na ako. "I knew it (nga ba?). Worthy ang pagluhod ko." Hindi ko alam kung na-gets yun ng tatay ko pero obvious naman na masaya ako, sobrang saya.

Nang matapos na, takbo ulit ako sa taas at sabay pasok sa kwarto. Naging emosyonal ako. Napaiyak ako sa sobrang tuwa. Ang saya ko. Dire-diretso ang pagtulo ng luha. At nakita ko pa si Cookie na naiyak (at ang tikas ng eyeliner sa kanya.) kaya mas naiyak ako sa tuwa. He deserves this. He's the true Idol at sabi nga nila, epitome of hotness, sabay "RAWR!" *lols*

Ngayon.
Dahil sa nangyari, may maganda na akong rason para magpakatino at mag-seryoso sa mga pangako ko sa buhay. May mas maganda na akong rason na masasabi sa may hawak ng aking kapalaran na kahit kailan, hindi ko gugustuhing magka-amnesia.

Salamat kay David Cook, at kay Archuleta narin. Hindi ako kakabahan kung hindi dahil sa kanya. Haha. Abnormal. Natuwa pa ako at kinabahan ako. Tsaka magaling din naman siya.

Salamat din kay Lord. Uber ang pasasalamat ko sa kanya.

If I'm dreaming, let me never awake. If I'm awake, let me never sleep.
(Naks. May linya pa galing sa Karate Kid II)

finals


Haiz. Kung pwede ko lang ipaskil dito sa blog lahat ng imahe ni Cook na na-save ko. Lalo na yung mga imahe na mala-EPITOME OF HOTNESS. RAWR!!! talaga ang dating. Kaso tinatamad ako mag-upload e. Mag-search nalang kayo. XD.


"Can I have some of your COOK-ies?"
- Scream ~Timbaland

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer