Thursday, May 29, 2008

Update-update-update.

May 20, 2008

Pumunta kami ni Nyx sa iskul para magpagod mag-update ng ID.

Ang daming tao sa LHS. Enrollment ata ng college students nung araw na 'yon. Malas lang namin kasi nasaktuhan namin ang enrollment nila kaya ayun, bukod sa nakakairita kasi maraming tao, hindi kami nakapagtanong sa LHS ng iba pang impormasyon tungkol sa ID. Kaya paikut-ikot at pabalik-balik kami sa OSS (yun ba 'yon?) at PAO (sp?). Buti nakasalubong namin sila Jona at Carla. Sinabi nila samin kung saan magbabayad para sa pesteng ID. Ayun, nakapagbayad naman kami. Pati pala sila Kim Alec nakasalubong namin.

Pagkatapos maglibot sa PUP, wala rin. Sa pasukan na raw yung ID processing. Langya naman kasi. Kung hindi gumagana yung kung ano mang makina ang ginagamit para sa paggawa ng ID, itapon na dahil wala rin naman palang kwenta. O kung nanghihinayang, sana mabilis ang pagkukumpuni dun sa makina. Tsaka ewan ko kung bakit kailangan na makipagsabayan ng LHS students sa mga estudyante ng college. Hindi naman sa dapat kaming unahin o dapat meron kaming special attention bla-blah pero kasi pwede namang sa LHS nalang din namin kunin yung ID diba. Kahit sa pasukan pa makukuha 'yan basta sa LHS lang umiikot ang mga requirements.

May 21, 2008.
Alam niyo na kung anong nangyari sa araw na 'yan.

May 22, 2008.
Ito rin. Nasa last entry ko narin 'yan.

After bla-blah days...

May 25, 2008.
Pinanuod ko ulit sa QTV yung Finals ng AI. Natawa at natuwa na naman ako.

May 26, 2008.
300 sa HBO. Hindi ko napanood nung 25 dahil nga sa AI Finale.

May 28, 2008.
Birthday ni Kuya. Dapat 26yrsold na siya ngayon. Tama naman diba, 2008-1982=26? Ayun. Haiz.

Enrollment. 3K ang lang ang dala ko. May financial crisis kasi kami at hindi pa ako nakakapila para sa NFA rice (*laughs* kailan ba ko lumabas ng bahay?). Napilitan pa nga ang tatay ko nang ibinigay niya sakin 'yon. May 28 na kasi at dalawa ang ibig sabihin ng "sa katapusan ng buwan" - bagong sweldo, merong padala; yung isa, ubos na ang pera - at nandyan kami. Tsaka hindi pa naman talaga katapusan e. "Kamalasan ng buwan" lang.

Tandaan, P3000 lang ang dala ko.

Dumating kami ni Nyx sa iskul ng 10am. Nakita ko yung iba pauwi na. Maaga atang nagsimula. Nang makarating kami sa LHS, nakasalubong namin si Lezlee at Rita. Swerte namin dahil clueless kami ni Nyx kung san pupunta at ayun, sabi nila sa AVR daw muna. After naming pumunta sa AVR, nagbayad na kami ng para sa orgs (P230). Pagkatapos, dumiretso na kami sa kabilang room para sa libro.

Goodluck sa libro. Walo lang naman ang libro namin pero nang makita ko ang total price, P2752.90. May matira man akong pera pamasahe nalang 'yon. E dehin pa nga ako nakakapagbayad ng para sa tuition(P380) e. Kaya ang ginawa ko, hindi muna ako bumili ng isang libro.

Natapos kami ng 11:30am. Magbabayad na sana kami sa cashier ng para sa tuition fee ng sinabi ni Nyx na nasaktuhan namin ang kamalasan. Loko lang. Hindi niya sinabi 'yon. Ang sabi niya, huwag nalang din muna kami pumunta dahil oras na raw ng katamaran at pagtulog break. 1pm pa ang resume ng serbisyo.

Naandun lang kami sa plantbox ng Loyalty at nakaupo. Ako, nag-iisip ng paraan o himala para makauwi ng hindi nag-1-123. Wala na kong nagawa kundi tawagan ang tatay ko at papuntahin siya sa iskul. After 20mins dumating siya. Medyo solb na. Nakapag-enroll na kami at nabili ko na rin yung isa pang libro.

Umuwi narin kami. Sa daan nakasalubong ko yung dati kong klasmeyt - si Ralph. Wala masyadong pinagbago. Tumangkad lang. At langya, hindi namansin. Hindi ko rin naman siya binati pero siguradong nakita niya ko. Tsaka kaya nga ako nag-second look dahil akala ko naduling lang ako nung una. Ewan. Wala narin namang akong pakialam sa kanya.

Kinagabihan.
OL ako. Naka-chat ko si Leo. Nag-e-emo siya. Basta. Yun na 'yown.

Nanood ako ng Ellen sa 2nd Avenue. Bakit? Wala lang. Nag-guest si David Cook e. *dies*

Maya-maya medyo nakatulog ako. Pagkagising ko nag-OL agad ako. At VOILA, OL si Pia. Medyo nagkakwentuhan kami kaso nawala siya e. Bitin tuloy.

Ngayon.
Wala naman. Normal na araw lang. Nag-cover lang ng libro, nanood ng TV, kumain, internet, download, blah-blah.

Listening to: First Time Ever I Saw Your Face - David Cook.
PS. Una kong narinig 'yang "yo face" kay Celine Dion. Hindi tuloy ako makapaniwala na si DC ay makakakanta rin niyan.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer