Thursday, May 15, 2008

shake yer head.

Masyado akong masaya ngayon. Huwag nang magtanong kung bakit.
SHYE dot dot dot T.

Hindi ko alam kung anong ka-abnormalan meron ako pero nag-e-enjoy ako sa pagka-bored ko. Teka, ang gulo ata nun. Basta, na-e-enjoy ko ang boring kong bakasyon ngayon. Kahit batung-bato na ko hindi ko alam kung bakit parang ok parin sakin. Siguro kasi nasanay narin ako. Kahit naman nung may pasok pa ganto na e. Tsaka masaya ngayon kasi ang galing slash tikas slash gwapo ni David Cook. Pfft! Mamaya na yung tungkol dyan.

Wala akong magawa kapag nag-i-internet kundi maging dakilang Teentalker. Sa isang window, Creative Corner. Mga anim na tabs para sa iba't ibang istorya. Sa isang window naman, TV Talk at Music Mayhem. Isang tab para sa AI thread at isa rin para sa DC thread. Yung ibang tab, nakalaan na sa mga imahe ni DC. Bukod sa teentalk, wala na akong ibang ginawa kundi mag-download. Puro kanta, pictures, wallpapers, icons, etc. Basta ma-tripan ko o maisipan kong i-DL.

Kapag hindi naman naka-OL, edit lang ng pics. Walang kwenta ang naka-install na photoshop dito sa PC kaya iba gamit ko. Tsaka kaunting edit lang. Basta mas maging maganda sa paningin ko, basta mas maganda ang effects (naks. gumaganon!), basta matripan ko. Kaya ayun, paiba-iba ako ng desktop background. Sa ngayon, ito:

ds

Talagang may "Lovebabe & Sexy Love". XD

Si Manx tsaka Lobo 'yan. Hindi sila lovers pero kung hindi naman iisipin ang relasyon nilang dalawa, at kung ibabase lang sa imahe na 'yan, pwede na rin (*lols* Ang gulo nun ah). At dahil trip ko ang tawagan sa She's Dating the Gangster na SL's Athena at LB's Kenjie, ayan, nilagay ko dyan. Cheesy na kung cheesy. Korni na kung korni. Natuwa ako e. Paki niyo.

*Nyaks. May sapi parin ako ni JR*

Nagamit ko na 'yan sa friendster ko pero hindi ko naman talaga gustong ilagay 'yan dun e. Ginamit ko lang 'yan as fster background kasi kapag ginamit ko dito sa PC, bibigyang malisya 'yan ng tatay ko. Asar yun e. Kaso, hindi na ko nakatiis kaya pinagpalit ko na. Yung dati kong desktop bg na Cebu (gitara ni Manx) ay ang fster bg ko ngayon.

Kanina.
After 2 weeks, nakapagusap narin kami ni Nyx. Kaso sa YM lang. Pero oks narin. Natuwa parin ako. Si Pia nga chatbox lang e. Tsaka kasi siya nalang talaga yung dehin ko pa nakakausap after nung out-of-town-swimming-blah-blah niya. Haiz. I miss them. Hindi ko alam kung kelan pa ulit kami makakapag-praise.

Kanina rin ka-chat ko si Jervin. Nanggulo lang ang walanghiya.

DC


Leche. Ako pa yung TANGEKS. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na, "Ogag. Ako pa ngayon yung mali? Magkakamali pa ba ko eh si David Cook 'yan. Shyet ka. Leche. Pano kasi mangmang kang lols ka. Hindi mo alam ang nangyayari sa mundo ngayon. Isang napakatalentadong nilalang hindi mo kilala. Sang galaxy ka galing?!?" Pero diba, iniiwasan ko na nga 'yang mga badwords na 'yan (kaya pala nilagay ko parin dito eh 'no). Kung pwedeng sa isip ko lang, sa isip ko lang. Tsaka kung pwedeng hindi ko na maisip, hindi na talaga. Kaso naasar lang ako kanina. Masyado kasi siyang sigurado sa mga pinagsasasabi niya e.

DC1


Pero natapos naman ang usapan sa medyo matinong ending. Hindi na siya nag-reply after nung sinabi kong i-search nalang niya. Tsaka ang totoo, hindi ko naman nakuha 'yan pic sa site ng AI. Sa Teentalk ko kinulimbat 'yan. Avatar ng isang nilalang na talaga namang proud na proud kay DC. Nyaks. Sorry ate kung walang credit! >_<

Kanina ulit.
Kaninang umaga, mga 11:30am, nag-internet na agad ako para malaman kung sino ang top 2 finalists ng AI. Hindi na ako makapagintay hanggang 6pm eh.

At ang masaya sa nabasa kong balita, isa si DC sa finalists. At ang nakakatuwa pa ay si David Archuleta yung isa. Ganda diba? So, David vs. David ang drama ngayon. I'm expecting this narin. Pareho talaga silang magaling at may nice personality. They deserve it. Pero syempre, David Cook ako. *drools*

Parehong David, parehong kaliwete (Shyet. Ito ang pinakamatikas sa kanilang dalawa e), at parehong under sa December. Goodluck sa kanilang dalawa. Ahoo-ahoo for them. XD

Ok. Tama na. Masyado na 'kong natutuwa.

Ngayon.
Ok. Hanggang dito nalang muna. Nangungulimbat pa ko ng imahe ni ano eh... oo, ni DC, tsaka ni ano... siya.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer