Friday, May 2, 2008

Ang daming parenthesis, ang daming lols, ang daming "XD". Komplikado, random, intricate, ano pa ba?

Bakit ba ang init? Lintek. Kakaligo ko palang pinagpapawisan na ko ng sobra. Hindi ko tuloy alam kung basa ba yung buhok ko dahil naligo ako o basa dahil sa pawis ko. Yakness. Nanlilimahid ako pero babad na ko sa apat na electric fan. At ang masaya at mas nakakapanglimahid ay madaling araw na. 2:30am. DUH-HUH~.

Ok. Itutuloy ko nalang bukas. Draft muna 'to.

EDIT-EDIT-EDIT.

Yahoo! Mail.

Chineck ko na ang mga mail/msgs ko dahil nakakairita na yung araw-araw na alert msg na "You have 999,666,999 gazillion unread messages" tuwing mag si-sign in ako sa Y!Msngr. Ayoko rin kasi ng natatambakan dahil nangyari na sa akin 'yon dati (dahil member ako ng Y!Grps ng 4 na banda) at inabot ako noon ng kalahating araw bago ko na-delete lahat ng nasa inbox ko. Isama na rin natin yung mga spam.

Natawa lang ako dun sa mga ibang mail kasi kalokohan. Dahil maaga akong nag-internet ngayon, mga 9am, maaga rin akong natawa sabay sabi ng, "Mga LOL". May mga nagpapadala kasi sakin ng mga mail na galing pa sa Burkina Faso. Para sa mga mangmang at angats (pasensya, mayabang ako ngayon), ang Burkina Faso ay isang bansa sa western Africa. Ok, balik tayo sa mga kalokohang mail. "Magkakaibang tao" ang nagpadala pero kung babasahin ang mensahe (na mali-mali ang grammar at spelling) ay iisa lang naman ang drama - Business deal blah-blah. May kontrata daw at nanghihingi ng pera ang mga gag-o. At iisa lang din ang ending nila. Keep that transaction daw as my top secret. Potek. Teka, may isa pa pala. Nanalo daw ako sa isang British lottery.
£1.5 ang prize. Ano mga par, i-claim ko na ba? Haha. XD.

Mga lintek. Siguro kung makatanggap ako ng ganito mas maniniwala pa ko:

Si 8**&13 'to. Pwede ba tayong magkita mamayang gabi? Teka. Hindi ko na talaga mahihintay eh. Kahit hindi pormal dito ko nalang sasabihin. Mahal kita, Czaine. Pero kita parin tayo mamaya. Mga 11pm. Marami pa kong gustong sabihin. Dun lang ako sa taas (Aurora Blvd). Hintayin kita.

Haha. Ilusyonada mode. Syet. Pasensya. XD. Pfft, dumulas. Dahil kay JR napamura ako ng di oras. Haha. Makasalanan na naman ako. Kelan nga bang hindi?

Shake Yer Head - An Eraserheads Retrospective.
Nag-iinternet ako kagabi. Hinihintay si Pia na mag-OL sa YM habang nagbabasa ng isang istorya galing sa Creative Corner sa Teentalk, yung Loving Darkness. At Shyet. Mahal ko na si JR. Wahehe. Ok. Mamaya na 'yan. Balik tayo sa Planet Earth. Kahit nadadala ako sa istorya ng Loving Darkness ay hindi ko nakakalimutan na kailangan kong makipag-digmaan sa tatay ko para ilipat ang channel sa MYX.

Habang nagbabasa ako, tingin ako nang tingin sa oras...

9:30... 10:30... 11... 11:15... 11:30... 11:45... 11:50... 11:55... 11:59... 12.

Nakita ko at alam kong 12am na. Pero dahil ang tikas ni JR, este ang ganda ng istorya eh diretso lang ako sa pagbabasa. Maya-maya, 12:10 na. Hindi ko na nagawang makipag-agawan ng remote control kay papa. Kumaripas ako ng takbo papunta sa kwarto at binuksan ang TV. Mano-mano, wala ng gamit ng remote. Ayun. Nakaabot naman ako sa MYXPosed. Sayang nga lang kasi yung kalahati ng "Circus part" ang naabutan ko. Hindi ko nasimulan sa UltraElectroMagneticPop.

Siguro mga after 10mins natapos narin. Langya. Nabitin ako. Pero enjoy. Ang saya balikan nung mga kanta ng Eraserheads eh. Pati yung mga mv nila. Ang malupfhet, Fill Her pa yung kanta sa closing.

Tsaka may isa pa pala. Natuwa rin ako sa Huling El Bimbo. Medyo nasabayan ko ng tugtog kasi nasa kwarto yung gitara eh. Pareho lang naman ang chords na tinugtog ko (G-A7-C-G) sa nakita ko dati kina Pia. Yun din naman kasi ang sabi ni Rita at Kuya CJ. Pero hindi "down-up-up-down-up-up-down" ang pattern ng strumming. Kung tatanungin ako, hindi ko alam kung anong ginawa ko. Basta sinabayan ko lang yung kanta. Tsaka hindi uso sakin yung ganyan e. Pasensya. Masyado kasing kontrolado. Ewan. Basta. Ganun. Robotic.

Nyeta. Na-possess ata ako ni JR. Hindi ko mapigilan magbigay ng negative blah-blahs.

.::Loving Darkness::.
Tagal na panahon din. Ang tagal ko nang hindi nagbabasa ng mga istorya sa Creative Corner sa Teentalk. Siguro ang huli kong nabasa dun ay yung Sequel ng Simple Kate. Maganda rin ang 'yan kaso sayang dehin ko natapos basahin. At dahil sa ngayong bakasyon ay gusto kong balikan ang mga pinagkakaabalahan ko dati, naisipan ko ulit dumalaw sa Creative Corner.

Mahirap pumili ng babasahin. Pero nag-focus ako dun sa mga istoryang 40+ na ang pages, may 1000+ na views at 1000+ na replies kasi ang ibig sabihin nun, maganda ang istorya. So, ikaw, hindi ka ma-di-disappoint. Hehe. At sa mga naka-lista doon, na-ispatan ko ang Loving Darkness. Meron itong 70+ pages, ilang libong views, at ilang libong replies. Ok, may babasahin na ko.

Sinimulan ko talaga ang pagbabasa noong Lunes pero yung unang post palang ni Ate Jonaxx (siya yung author) ang nabasa ko. Kahapon ko tinuloy. Ang totoo parang na-ewanan ako sa simula kasi gumagamit siya ng iba't ibang kulay ng font para makilala ang characters. Eh dahil sa matagal na nga akong hindi nagbabasa ng mga ganyan, parang hindi na ata ako sanay. Kaya naguguluhan ako. Nakakalimutan ko na kapag red, si Kenjie 'yon. Yung dark green, si Jini, yung blue naman kay JR. Pero dahil sa na-tripan ko narin naman ang istorya, nasanay narin ako sa color coding. At ngayon, tapos ko nang basahin hanggang sa pinaka-latest na update nung istorya at kagaya ng nakararami, naghihintay ako sa susunod na mangyayari. XD

May mga parte din sa istorya na nawiwindang ako. Una, nang kumanta si Jini nang magkasama sila ni King. Natawa rin naman ako at muntikanang masapak ang monitor. One Look lang naman kasi ang kinanta ni Jini. Parang namemersonal yung istorya. Si 8**&13 kasi ang naiisip ko nang mga panahon na 'yon lagi naman tapos ganun. Pero natawa talaga ako. Tapos, yung pangalawa naman ay yung rumampa sila. Nag-post kasi ng pictures ng mga characters yung author. Ang totoo sa simula palang ng istorya, na-i-imagine ko na si Kibum kay Kenjie at si Geun-suk kay JR kaya nang makita ko ang mga imahe na ginamit ng author, SWAK! YOWN! SAKTO! Natawa na naman ako. Natawa ako kasi sila nga. Si Kim Kibum kay Kenjie at Geun-suk kay JR. Ahahay. Saya ng mundo. Ewan ko pero pareho ata kami minsan ng takbo ng utak ni Ate Jonaxx.

Kaya ko naman nasabi na, Na-possess ata ako ni JR ay dahil si JR ay medyo badboy ang imahe sa istorya. Pero bagay sa kanya ang kantang Torpedo (ayan na naman, E'heads na naman). Ayoko na talagang i-elaborate ang characters dahil masyado silang marami. Basahin niyo nalang din yung istorya. Ang magsabing korni 'yon, mamatay na. Huwag kayong hangal. Pati sarili niyo niloloko niyo. Hindi maiiwasan ang kilig-factor-moments.

Gitara.
Hindi ko alam pero once na pumasok ako sa kwarto namin, yung gitara ko agad ang hahawakan ko. Sabay bukas ng TV, tapos yung elektrikpan naman. Kahit nakikinig akong mabuti sa pinapanood ko, hindi ko napapansin bigla nalang akong nag-s-strum, nag-p-plucking (hindi pa ko masyadong marunong. Manahimik ang mga henyo dyan), o kapag may nagustuhan akong kanta sa isang music channel, sasabayan ko kahit hindi ko naman alam yung chords. May isang kanta lang na medyo focused ako sa ngayon - Say It Again ~ Marie Digby (She reminds me of Adrian's mom. Magkamukha sila.)

Kung hindi niyo pa napanood ang mv nito, acoustic lang. At kung makikita niyo, basic chords lang naman ang gamit niya. Ewan ko kung duling ako, i-tama niyo nalang ako pero G-D-Em-C ata. Kaya yun. Tuwing maaabutan ko sa MYX o sa MTV o sa Channel V, sinasabayan ko. Dinownload ko narin yung kanta para makabisado ko yung lyrics. At sa sitwasyon ni Jini at JR, sa kanilang pagmamahalan (Yak. Lols), laging umiihip sa utak ko ang kantang 'to.

"Say it again for me
Coz I love the way it feels
when you are telling me that I'm
the only one who blows your mind..."

Sa ngayon, pati ang tatay ko nagbalik-loob sa pagtugtog ng gitara. Hehe. Sa kanya si Felidae at akin yung isa, yung ginamit ko nung periodicals sa Music. Akin na yun ngayon eh XD. Pero wala pang pangalan at ewan ko kung mabibigyan ko pa.

At sa ngayon ulit, sa aking pagtugtog ay mas hinahangaan ko si 8**&13. At ewan ko kung kelan ko siya makakasabay sa mga riffs niyang maluluphfet, ewan ko kung kelan kami magsasabay mag-headbanging, ewan ko kung kelan ko siya makikita ng live na tinutugtog ang gitara niya with that matikas na expression sa mukha at may arrive na pang-romansa. :)) Natawa ako dun a. Pero totoo naman kasi. Kung makikita niyo lang kung gano kainit ang performance ng banda nila. XD. Ayoko na. Sinasapian naman ako ngayon ni Jini.

Mga PAR` at iba pa.
Miss ko na talaga sila. Kaya nga na-ewanan ako nung dehins ako nakapag-OL nung Wednesday. Sabi ko kasi kay Pia mag-o-OL ako ng Miyerkules. Baka kasi nag-OL nga siya at naghintay sa wala. Ayoko pa naman ng may naghihintay sa akin dahil ayoko ring pinaghihintay ako. Nyaks. Sana nga eh mag-OL siya ngayon.

Kagabi rin naman OL si Leo. Nakapag-chat kami pero ilang minuto lang. Tinanong niya ko tungkol sa pag-c-CO. Tinanong niya ko kung itutuloy ko pa ba o hindi na. Sabi ko itutuloy ko. Gusto ko rin naman kasi. Tsaka kahit sabihin ko yun sa tatay ko, alam ko na isasagot nun... "Ikaw, gusto mo ba? Bahala ka." At kahit sabihin ko pa yun kay mama, hindi yun makakakontra. Nasa China siya e. Anong magagawa niya? Duh-huh~. Haha. Sama ko. Pero totoo, hindi na yun makakakontra. Tsaka sa tingin ko naman papayagan din ako nun eh. At alam ko narin naman ang sasabihin niya, "Sige. Basta kung parang na-pre-pressure ka na eh umalis ka nalang".

Haiz. Wala akong pakialam sa pressure. Hindi naman sa minamaliit ko ang pag-c-CO pero hindi ko pa nasusubukan eh. Pano ko malalaman kung pwede ako dyan o hindi. Malalaman ko naman siguro kung hindi ko yaka diba. Tsaka alam ko ang mga limitasyon sa mga bagay-bagay. Kaso nga lang, madalas eh wala akong pakialam sa limitasyon na 'yan. Hehe. Pero depende narin naman 'yon. Depende sa mga mangyayari. Depende sa lahat.


blah-blah-blah-blah-blah-blah...

Saka na nga pala ako magbibigay ng comment tungkol sa American Idol. Basta, magaling si David Cook at siya na ang mananalo. Haha. Saya. Sayang, walang studio recording yung "All I Really Need Is You". Yung "I'm Alive" lang ang na-DL ko. Ganda pa naman ng pagkakakanta niya. Haiz. Jaw-dropping na naman ang performance niya.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer