Monday, April 28, 2008

...at kay nipis ng lahat dahil wala ka.

Medyo matagal na pala akong hindi nakakapag-post. Haiz. Katamad e. Siguro medyo maikli lang yung entry ngayon.

American Idol.
Simulan natin sa performance. Last week, hindi masyadong nakakatuwa ang performance ng mga finalists. Pero nakita naman na may mga nag-standout pero after nung show, mabibitin ka talaga.

Nung tanggalan naman, nasa bottom 2 ang dalawang finalist na may pinakamatino at pinakamaayos na performance- si Carly at Syesha. Asar lang kasi si Carly ang nakakuha ng pinakamababang bilang ng boto. Malamang, siya ang natanggal. Isang napakalaking kalokohan. Ganda pa naman ng performance niya. Akala ko rin si Syesha na yung matatanggal.

Haiz. Hindi ba pwedeng si Brooke nalang? Ano bang meron sa kanya samantalang hindi ganun kaganda ang naging performance niya. Bukod sa nakalimutan niya ang lyric at umulit siya (buti nga sa bandang simula palang 'yon), hindi ko mapagtanto kung bakit masyado niyang dinibdib yung kanta. Parang masyado kasing emosyonal yung dating. Tsaka lagi nalang siyang ganun. Consistent nga siya. Consistent in a way na lagi nalang siyang ganun, walang pagbabago.

RANDOMNESS.
Tungkol naman dun sa birthday ni Nyx, belated hapibertdey, Par. Pasensya narin kasi dehin ako nakasama sa inuman natin *lols* XD. Si 8**&13 kasi e, hindi raw siya makatulog kung di kami magkatabi XD. Hehe, loko lang. Basta, alam mo na yung rason at alam naman nating maraming epal sa mundo. Sa susunod talaga par, bawi ako. =D

So, sa tingin ko naman eh nag-enjoy ang tatlo kong par sa kanilang pinuntahan, kung san man 'yon. Actually nag-e-expect ako ng balita na may isang van na na-hold-up sa kalagitnaan ng highway, o nahulog sa bangin, o tinangay ng hangin nang may sumipol na bata pero buti naman eh wala. Haha. Gagu talaga e 'no. :))

Pero mga par, yun nga, if may oras pa kayo ngayong bakasyon, kung sawa na kayo sa conference sa YM, inuman uliti tayo. Kahit dyan lang sa 7/11. Hehe. O kaya, pa-cheese burger kayo. Saya yun. :))

Oo nga pala, mapapadalas na raw ang pag-o-OL ni Pia sa YM. Sana nga. Haiz.

Nitong mga nakaraang araw, at siguro hanggang ngayon.
Medyo futuristic parin ako. Lagi ko paring naiisip ang mga bagay-bagay na pwedeng mangyari, at gusto kong mangyari. Medyo seryoso ang bagay na ito at gaya nga ng sinabi ko dati, si Senpai Juno lang ang napagsabihan ko ng tungkol dito. Sa ngayon, si Pia lang ang pinakamatinong nilalang na pwede kong mapagsabihan ng aking mga futuristic blah-blah bukod kay Senpai Juno. Siya lang kasi ang makakaintindi ng mga 'yon at siya lang ang magse-seryoso sa mga pwede kong maikuwento.

Tungkol naman sa ibang tao, wala naman. Patuloy parin ang paghanga ko kay 8**&13. Pero lilinawin ko lang, paghanga na parang kay Ely ang dating. Alam na ni Pia 'yon, at ng iba pa. Pero totoo, isa siya sa mga gwapo sa mundo. Mas matikas pa siya ngayon. Naka-3 by 5 eh XD. Gets? Hindi? Ok. Kung hindi mo man maintindihan e wala na kong pakialam. Apat na tao lang naman ang nakakakilala kay 8**&13.

Tungkol naman sa ibang bagay, wala rin naman. Nanonood lang ako kagabi ng PBB at aking nalaman na nominated si Robi. Sows. Guardians pala ang nag-nominate sa kanya. Haiz. Hindi ko talaga napanood yung parte ng mga guardians (yung sila na yung nag-no-nominate) pero kung ano man ang rason nila sa pag-nominate kay Robi, pasensya sila dahil ubusan ng load ang mangyayari. DUH~. Kung sa mga housemates nga si Nicole lang ang nag-nominate kay Robi (at 1pt lang ang binigay niya), ibig sabihin oks siya sa mga kasama niya. Tsaka kaya lang naman nagbigay ng 1pt si Nikki (nakakadiri slash nakakasuka slash nakakasulasok slash karimarimarim na nickname) dahil sa rason na, "sa tingin ko naman walang mag-no-nominate sa kanya". Haiz. Ponyeta. Nag-nominate pa siya. Paano nga ba siya magno-nominate ng iba eh hindi na niya nakikita ang mga housemates niya. Hindi na niya nakikita kasi masyado na siyang bulag at umiikot nalang ang mundo niya sa pakikipaglandian kay Josef. Isa na namang napakalaking DUH~. Pareho silang may commitment sa labas ng bahay pero patuloy ang kalokohan nila. Kung alam lang ni Nikki at Josef na marami ng tao ang bumababa ang tingin sa kanila.

Eniwey, hindi naman ako bumuboto sa mga ganyan kaya kayong mga Robilievers, bahala na kayo. Haha. Sabay ganun eh 'no. Basta, naniniwala ako sa mga polls na nagsasabi at nagpapakita na si Robi ang gusto nilang maging Big Winner. Kung si Robi man ang ma-evict, wala na. Maglandian nalang tayong lahat. Haha XD. Tama na nga. Baka bigla akong ipa-assassinate ng mga Josefilites at supporters ng nakakadiring Yonic loveteam.

Sa ngayon.
Wala naman talaga akong masyadong ginagawa. Puro internet, nakaw ng imahe ni 8**&13 (lalo na yung naka- "3x5" na siya), download ng mga kanta/icons/fonts, edit lang ng mga imahe (madalas mga ball-jointed dolls), puro keyboards, puro gitara, puro kain. Medyo may gagawin lang akong eksperiment dito sa PC namin. Kaya ano, ano nga ba yun... basta. Geh. Sa susunod nalang ulit. XD

Now watching: Final Destination 3.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer