Sunday, April 20, 2008

"When I first saw him, I froze in amazement. Coz I never knew someone so perfect, would appear right before my eyes."

*Listening to: Always Be My Baby ~ David Cook.*

Sa ngayon ay kumakain ako ng French toast. Na-miss ko 'to kasi yung huling kain ko nito ay nung huling punta ni Nyx at Pia dito sa amin (Hostel pa ang pinanood namin nun). Medyo matagal na. Ilang buwan narin. Nang mapanood ko pa 'to sa PBB parang gusto kong makikain. Haiz. AS IF naman. So, ano mga par`, if ever mabasa niyo 'to, gusto niyo ba ng maraming French toast? Punta lang kayo dito.

(Haha. May naalala ako.)

Sarap talaga kumain. Haiz. Salamat kay Itay at kahit wala akong ginagawang matino dito sa bahay e marami parin siyang ino-offer saking pagkain. Araw-araw may bago. Sana nga e tumaba-taba ako ngayon.

Nakakaasar nga lang nitong mga nakaraang araw. Mula nung Wednesday ata or Thursday laging bitin ang tulog ko. Kasi diba, alam naman natin na kung hindi 3am, mga 6 or 7 ng umaga na ko natutulog. E wala pang tatlong oras magigising na ko. At ang dahilan- dahil sa init. Asar. Gigising ako nang pinagpapawisan at nanlilimahid. Pagkadilat ko pa may nagsasayawang mga lamok sa harap ko. Parang ewan lang. Tapos hindi na ulit ako makakatulog nun. Dire-diretso na kong gising buong araw at matutulog lang ulit kapag 3 or 4am na. Ang saya. Nagiging mala-panda na naman mga mata ko.

Kanina nga lang hindi ko nakayanan ang antok at nakatulog ako. Kaso 2 oras lang. Kung iisipin, 5 oras lang tulog ko ngayon. Kumpara naman sa mga masasayang araw ko dati na 8-12 hrs ang tulog. Haiz.

So, hinihintay kong mag-OL (sa YM) sila Meng at Nyx, at kung may himala, si Pia. May pag-uusapan lang kasi kaming importante. At habang naghihintay ako, itutuloy ko lang ang pagta-type para sa entry na 'to.

"-"-"-"-"-"-"

Wednesday, 4.16.08.
6pm, lipat agad ng channel sa QTV. Syempre, American Idol e. =)

Mariah Carey week kaya mga kanta ni MC ang pinerform nila. Oks naman yung performance nila kaso nakakaantok yung iba (ang sama ko, hehe). Pero pagdating kay David Cook, ponyeta, napatulala ako. Napatulala at muntikan nang mahulog ang lower jaw. Shyet. Ang galing. Ang galing talaga. Wala na kong ibang masabi sa sobrang pagka-amaze ko. Kaya ganto lang ka-simple, ANG GALING. ANG GALING NI DAVID COOK. WOOHOO!!!

Pagkatapos nga nung performance niya e parang gusto ko nang sumali sa fans club niya. At ngayon, LSS ako sa Always Be My Baby. Haiz. Leche, ang ganda e, wala akong magagawa. XD

Thursday, 4.17.08.
6pm, lipat ulit ng channel sa QTV. XD

Si Kristy ang natanggal. Siguro maraming natuwa. Marami na kasi akong nababasa sa mga forums na ayaw nila kay Kristy. Magpapamisa pa nga raw sila sa Quiapo kapag natanggal na siya. Ako naman, wala akong pakialam sa kanya. Nakakaasar nga lang na nauna pa si Michael Johns sa kanya.

After ng AI, dating gawi. Kain, nood ng TV, internet. Sa aking pagiinternet aksidente akong napadpad sa multiply site ng isang banda. Aking nalaman na si 8**&13 ang vocalist. "WEH?!?" ang naging reaksyon ko at diretso ako sa imeem. Sinearch ang mga kanta nila at nang mapakinggan ko, shyet, nalunod ako. Pumikit at hinayaang dumaloy ang buong kanta sa akin. Hinayaan kong hilahin ako paibaba ng awiting aking naririnig at naging emosyonal ako sa mga salitang pumapasok sa akin. Nyaks. Anu ba 'tong mga pinagsasasabi ko. Pero totoo, nalunod ako.

Friday, 4.18.08.
Wala masyadong nangyari. Limang minutong nag-internet at nagnakaw ng dalawang imahe ni 8**&13. Natuwa ako sa mga imahe na 'yon kasi bagong gupit siya. XD Nalunod na naman ako nang makita ko ang mga 'yon.

Alam kong konti lang ang nakaka-relate. Haha.

Saturday, 4.19.08.
Dating gawi lang din. Tulog-gising-kain-nood-internet. Maaga akong nagising. Kaasar, bitin na naman. Pero maganda naman ang simula dahil umagang-umaga, naabutan ko na naman ang mv ng... alam niyo na 'yon.

Kinagabihan nag-internet lang ako . Nagka-chat kami ni Nyx. Napagusapan lang namin yung tungkol sa birthday niya. Basta. Saka ko na ikukwento kung ano 'yon. May isa pa kong naka-chat, si Senpai Juno.

Ngayon lang ulit kami nagkausap. At kagabi, may nasabi lang ako sa kanya na hindi ko pa nasasabi sa iba. Mga pangyayari at kung anu-anong blah-blah na walang ibang nakakaalam. Medyo seryoso ang mga bagay na ito. Oo, kahit sila Meng at Nyx hindi 'yon alam. Wala naman talagang masama kung sasabihin sa kanila kaso kapag na-o-open ko ang topic tungkol doon ay medyo laughtrip lang kami. Puro yung masaya at yung mababaw na parte lang. Hindi ko nasasabi o nakukwento sa kanila na... na idol ko si David Cook. Potek. Anong konek. Kalokohan. Basta. Ayoko nang i-elaborate.

Balik tayo kay Nyx.
Dahil bored na kami, may sinuggest ako sa kanyang mga gawain na for sure ma-e-enjoy niyang gawin. XD Nakulimbat ko lang naman 'to sa internet (sa quoteshaven).
-sikmuraan ang unang taong kasalubong at humingi ng sorry.
-uminom ng pampatulog ngunit labanan ito, magexercise.
-tibagin ang bahay at buuing muli.
-himatayin kunwari sa daan, tiyaking may tao.
-tahiin ang ilong at magpatingin sa doctor.

Natawa lang talaga ako dun sa pangalawa. Haha. Kalokohan.

'To pa...
-papakin ang kape parang milo (nagawa ko na 'to)
-pagaralan ang linggwahe ng mga ipis at kaibiganin.
-punuin ng tubig ang inidoro.
-buksan ang tv at gawing radio.
(araw-araw kong ginagawa.)
-pagkasyahin ang sarili sa ref.
(naisipan pero hindi pa nagagawa)
-magbilang ng buhok
(ito rin kaso, malamang, hindi ko tinapos)
-magtinga gamit ang bbq stick.
(nagawa ko na rin 'to. XD)
-magsibak ng kahoy gamit ang blade.
-maligo ng hangin.
(isa pa 'to)
-sunugin ang bahay at sumigaw ng yehey!
(wala akong planong gawin 'to)

Natawa ulit ako dun sa pangalawa. Naalala ko rin si Pia kasi sabi niya sa friendster profile niya dati, gusto kong maging ipis, isang ganap na ipis. XD

Dun naman sa mga nagawa ko na, natawa lang ako. Matagal ko nang nagawa ang iba dyan, bago ko pa mabasa 'yan. Hindi ko naman alam na gawain ng mga abnormal yung mga nagawa ko. Haha. Pasensya. Well, abnormal naman talaga ko. :))

May mga sinend din ako kay Nyx na jokes. Yung madalas mababasa sa mga quotes sa texts. Laughtrip tuloy kahit korni yung iba.

Madalas akong matawa sa mga school related na jokes. Lalo na yung may kasama pang mura. Kasi diba as if naman masabi 'yon ng teacher sa estudyante, or ng estudyante sa teacher. Haha. Basta. Ganun.

Sa Math Class:
TEACHER: tanong, kung meron akong 1 piraso ng karne at hinati ko ito, ilang piraso na?
MIKE: 2 po ma’am!
TEACHER: kung hinati ko pa pareho?
MIKE: 4 na piraso po!
TEACHER: hinati ko ulit?
MIKE: 8 piraso po.
TEACHER: hinati ko pa?
MIKE: 16 po ma’am!
TEACHER: hinati ko pa?
MIKE: 32 piraso na po!
TEACHER: kung hinati ko ulit?
MIKE: 64 po! (galit)
TEACHER: at hinati ko pa? 2 beses ko pang hinati?
MIKE: Put*ngin* mo ma’am! Giniling na yun! Giniling!

XD. 'To pa...

TEACHER: what do you call a person who keeps on talking even
if people are no longer interested?
STUDENT: a teacher!
TEACHER: Hahaha! Ganun a! T*ngin* niyo! Get 1 whole Manila Paper!
Long quiz back to back!

At 'to pa...

mga bagay na wish mong sabihin ng prof.
-hayaan niyo yung mga late, wala naman tayong gagawin.
-sige class matulog na lang tayo pare-pareho. Katamad!
-t*ngin*! Ang hirap ng lesson! Sino bang punyetang may gawa nito? Wag na nating idiscuss!
-next meeting, we’ll have a quiz, 1 item, 100 points. Essay. Eto question, what is love?
-sige para lahat tayo masayang masaya, pasado na kayong lahat!
-nakakatamad! Sinong may gitara sa inyo? Rakrakan na to!
-okay class dismissed na. hinihintay na ko ng tropa. Inuman na, sama kayo?


May ganyan kaya talaga? Haha. Laughtrip 'yon if ever.

"-"-"-"-"-"-"
Sa ngayon ulit.
Dahil sa teentalker ako (at alam kong konti lang, o baka wala pa ang nakakaalam non), sinubukan ko yung isang quiz.


Take more quizzes like this on Candymag.com


Natuwa ako dun sa "rocking out to heavy guitar riffs" tsaka "can vibrate your heart strings no matter how wild or sappy they get". Haha. Naalala ko si 8**&13. Nagaguhan lang ako sa sarili ko. Nang nabasa ko yung "Miggy Chavez" parang sabi ko, "Teka, sino ba si Miggy Chavez?" then nag-isip ako at aking napagtanto na familiar yung pangalan. At leche, saka ko lang naalala na siya si Miggy Chavez, vocalist ng Chicosci. Langya. Kapag inatake nga naman ng amats.

Ito pang isa. (Hindi na ;to sa teentalk. Sa blogthings na 'to)

You Should Play the Drums

You are often hyper, restless, and full of a little too much zeal.

However, people may be surprised to know that you can focus your energy well.

You are driven and engaged enough to be a great drummer... and you have the stamina to practice for hours.

In fact, when you can channel your energy productively, it only increases!

You are independent and spirited... but also consistent. You can definitely keep the beat.

You work well in a group and contribute heartily - without needing to take the lead.

Your dominant personality characteristic: your aggression

Your secondary personality characteristic: your precision


Well, gusto kong maging bassist pero alam niyo naman na gusto ko rin ng drums. Wahehe. Sana nga totoo 'yan. Tikas nun if ever.

"-"-"-"-"-"-"

Ito ang mga nasa playlist ko:
Always Be My Baby - David Cook
Michelle - Jason Castro
One Look - Kjwan
Sexy Lady - MC Magic (Teka, DJ Kane pala yung nakalagay)
Out Of My League - Stephen Speaks
Heaven Knows - Rick Price

'Yan lang. Paulit-ulit at umiikot lang 'yan. At ngayon, sakto, ABMB na naman ang pinapakinggan ko. Parang nung sa simula lang ng post na 'to 'yan din. Tikas. Haha.

Natatawa lang ako sa tatay ko. 'Pag kinakanta ko yung One Look sumasayaw siya. Haha. XD

"-"-"-"-"-"-"



► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer