Thursday, April 3, 2008

Kakyutan slash Kalokohan all over.

Walang magawa. Lintek. Boring. Gusto kong lumayas ng bahay kaso wala naman akong kasama. Gudlak sakin. At ang mas nakakaiyak, wala akong pera. Sinurrender ko nga ang lahat ng aking natitirang ipon (yabang ko eh P93 nalang naman 'yon) sa aking Itay upang makapagpabili ng internet card. Lintsak naman kasi. Ewan ko kung kelan mag-i-inquire si papa para sa DSL. Saka lang ata mangyayari 'yon kapag dumating na si mama. Sows. So, kelan naman 'yon? Sa May pa? Eh hindi ko na kaya ang bagal ng connection. Iyak-tawa nalang ako kapag natapos nang mag-load yung mga page at mga flash, etc. Haiz. Mas boring tuloy. Buti nga yung mga pictures medyo may pag-asa eh. Medyo mabilis ang pag-load. Pero nakakaiyak parin. Tsaka laging bitin ang session. Maya-maya, tatawag yung tita ko. Maya-maya, tatawag kay mama. Maya-maya, ubos na ang internet card. Bitin talaga.

Tapos walang pera pambili ng bagong internet card. Lintsak. Eh mas malaki pa ang gastos namin kapag naka-net card ako eh. Isipin nalang kasi natin, sa loob ng 2 araw, ubos sa akin ang 20-hour internet card na nagkakahalagang 100php. Ilang araw ang meron sa isang buwan? 31 diba tapos i-divide natin sa 2. Sabihin nating 15, then i-times natin sa 100. So, lalabas na 1500. 'Yan, 'yan ang gastos kapag naka-internet card. Sabihin natin P1000 sa loob ng isang buwan ang magagastos namin para sa net card. Eh kung ikukumpara naman 'yan sa bill namin buwan-buwan sa DSL eh lalabas na mas mahal pa 'yan. At ang mas nakakasulasok na katotohanan, gumagastos kami ng libo para sa mabagal na connection. Eh kung naka-dsl, mas maaatim mo pang gumastos kasi oks ka naman sa serbisyo kasi mabilis. Ibukod mo nalang dun yung mga sitwasyong kagaya ng na
ngyari samin na 3 araw na eh hindi parin ako maka-connect ng mapayapa. Haiz. Maga na yung mata mo kakaantay sa dino-download mo, wala parin. 20% palang ang natatapos. Gudlak nga naman talaga. Lalo na ngayong bakasyon na superrrrr booooorrrriiiinnnngggg. Since hindi naman ako naglalalabas ng bahay namin at lagi lang ako nandito, nakatulala sa monitor, kinakailangan ng daily supply ng internet card. Mas malaking gastos.

May alternative na paraan kung iisipin. Kung gusto ko talaga ng mabilis na pag-su-surf eh pwede nga naman akong mag-internet nalang sa labas. Kagaya ng isang com shop dito sa amin, may promo na 50php for 3 hours. Medyo tipid diba. Kaso nga lang, alangan namang araw-arawin ko yung ganun. Tsaka isa pa, hindi ako sanay mag-computer sa labas. Hindi ako sanay sa maraming tao. Wala naman akong pinupuntahang porno site pero ayokong may nakakakita ng ginagawa ko (Kaya nga asar ako sa lokasyon ng PC ko eh. Nasa sala, kitang-kita ng tatay ko mga kalokohan ko kapag nanonood siya ng TV. Nababasa niya ang murahan sa YM Conference lalo na kapag malaki ang size ng font na gamit namin). Ayoko rin ng maingay dahil nasanay ako na ako lang ang may karapatang mag-ingay. Tsaka kj sa comshop kasi hindi ako makakapaggitara habang nag-iinternet at nagse-sear
ch ng mga chords. Hindi rin ako makakakain at hindi ko pwedeng itaas ang mga paa ko. Hindi ko magagawa ang mga bagay na komportable kong ginagawa dito sa bahay habang nag-iinternet. Kaya kj. Tsaka kahit mura ang renta gastos parin yun.

blah-blah-blah-blah-blah-blah...

Kagabi nga pala.
May na-realize lang ako. Na-realize ko na ang aking sitwasyon ay mala-Memoirs of a Geisha. Gusto ko kasi maging geisha eh. Haha. Lintek. Hindi 'yon. Kasi diba sa Memoirs of a Geisha, ginusto ni Sayuri na maging kiseang, este geisha para mapalapit kay Chairman. Kasi kung iisipin nga naman, magkaiba ang mundo nila. Bigating nilalang si Chairman samantalang siya ay isang hamak na serving girl lang (Ano n
ga bang tagalog niyan? Narinig ko lang 'yan dun eh. Sabi kasi, parang, "Don't kneel. You're not a serving girl anymore..."). Sa ganung kalagayan, paano nga ba siya mapapalapit sa taong matagal na niyang hinahangaan? So, ayun. Kinarir niya ang pagiging geisha, na sa tingin ko na-enjoy naman niya. Kaso, dumating nga lang sa punto na sinabi ni Sayuri na, "I want a life that is mine". Eniweys, walang konek ang mga linya nila sa sitwasyon ko. Ang na-relate ko lang naman ay yung thought na... paano ko nga ba i-e-explain? Basta. Yung parang ang dating eh kailangan kong mag-set ng goal o ng kung ano pa man para mapalapit sa taong hinahangaan ko. Yung goal na may kinalaman sa mundo niya, o basta magkikita kaming dalawa at makakahalubilo ko siya.

Lintsak. Sino nga ba ang nilalang na 'yan at parang napakalaking
kalokohan
ang pina-plano ko?

Hindi ko muna sasagutin 'yan. Lintek. Magkaiba parin kami ni Sayuri. Kasi hindi lang niya basta hinahangaan si Chairman. Malakas ang amats niya dito. TL siya kay Chairman. Eh ako, wala akong amats sa kanya, kung sino man siya. Hindi. Mali. May amats pala ako sa kanya pero hindi ako TL sa kanya. Isa siyang magandang eksampol, inspirasyon, at pantasya (Talagang pantasya? Geh, ilagay ko narin ang "nasa") para s
a mga pangarap ko sa buhay pero hindi ako nagka-labnat ng dahil sa kanya. Yung ganun ba. So isang malaking kalokohan ang gumawa ng plano para mapalapit sa kanya. Pero yung naiisip kong plano (talagang `plano` yung term, parang gagawin ko talaga eh 'no) ay walang maidudulot na masama sa akin. Actually isa yun sa mga pangarap ko sa buhay- ang makapagpaiyak ng bass guitar at double bass (Haha. Saya ko naman. Baka ma-op ako kapag katabi ko na yung double bass. Laki nun eh) at maging pinakamaluphfet na bahista sa kasaysayan ng Andromeda Universe. Yung tipong nagba-baby freeze ako habang nag-ba-bass. Haha. Lintek. Imposible na lahat ng mga pinagsasasabi ko (imposible talaga kasi yung dalawa mong kamay ang pinaka-pang-stand mo habang naka-baby freeze. So, paano makakapag-bass?). Pero yun nga, ang maging bassist. Haiz. Kelan naman kaya 'yan. Eniweys ulit, isa yung malupit na goal sa buhay. Bassist na ko, close pa kami. Saya nun. Araw-araw akong ngiting aso kapag nangyari 'yon.

Ok. Balik tayo sa mundo. Kaya naman ako nakarating sa punto na nasabi ko na you're so close but still a world away ay dahil narin sa aking mga nakita at napanood. Kung kilala niyo lang ang nilalang na 'yon, bigatin siya. As in bigatin. Mataba kasi siya eh. Lakambini Bottom kumbaga. Haha. Etsos lang. Ibig kong sabihin, bigatin siya. Malayo na ang narating niya at marami pang mararating. Marami ng napatunayan sa buhay at nasaksihan at nakita at nagawa at naisakripisyo at ewan. Samantalang ako, nagbibilang palang ng pera pa
ra pamasahe sa aking patutunguhan, at ang mas malala ng kaunti, hindi pa ako sigurado sa pupuntahan ko at marami pang desisyong gagawin. Haiz. So, sa ngayon wala akong magawa kundi mag-pray. Ok. Mag-pray tayo (Haha. Naalala ko si Pinsan Rowie. Lintsak na 'yan. Yun kasi ang alternative niya sa "gudlak naman sakin"). Eniweys na naman, yun nga. Kung kilala niyo man siya, isa siyang maluphfet na nilalang. 'Wag niyo nang ikumpara ang sarili niyo sa kanya dahil manliliit lang kayo. Hindi naman sobrang panliliit. Isipin niyo nalang ako na may katabing double bass. Yun. Ganun lang naman. Pero kung loko kayong katulad ko, hindi niyo kailangang manliit. Sabihin niyo lang na, "SOWS. Mas gwapo pa ko jan eh... kahit wala akong alam", yun! Solb na ang pagka-op niyo. Oo, sa ngayon, nanjan palang ako. 'Yan palang ang nasasabi ko, mas gwapo ako sa kanya... kahit hindi naman. Pero hindi. Maghanda-handa na siya dahil pagkatungtong ko ng sweet 16, mas gwapo na talaga ako sa kanya. Teka, paano nga ba siya maghahanda eh dehin niya ko kilala. Haiz. So, kailangan kong maging kiseang, este geisha. Nubayan.

Ok. Itigil na natin 'to dahil nanliliit na ko. Yung panliliit na kagaya ng kay Yukino towards Souichiro. Yung ganun. Ok. Itigil na talaga natin dahil hindi niyo naman kilala si Yukino at Souichiro... except nga lang kung alam niyo ang Kare Kano aka His & Her Circumstances.

blah-blah-blah-blah-blah-blah...

Kanina nga pala dahil sa walang magawa, hinalungkat ko mga pics na naka-save dito sa PC. Nakita ko ang mga imahe ng aking pamangkin at ako'y natuwa. Mana kasi sakin eh. Hangkyut.

ahem

Naalala ko lang din yung sinabi ni Itay nang makita niya ang kanyang apo, "Pinagtatawanan mo 'yang pamangkin mo eh ganyan ka rin non. Malapad din noo mo tsaka hibla-hibla ang buhok. Pati yung mata mo ganyan din. Kapag bagong gising pupungay-pungay din."

ahem1
(Inedit ko talaga 'yan para maging blurry ang dating then naka-focus lang sa mukha niya. Hehe.)
Gusto ko sanang sabihin nun, "Pa, pupungay-pungay ang mata ko pero hindi ako mukhang bangag". Haha.

ahem
(Tuwang-tuwa eh 'no.)

Nang makita ko pa ang ibang imahe ay aking napagtanto na mukha maganda ang buhay nila sa Saudi. Lintsak. Ang yaman. Parang hotel ang kwarto nila Kuya Zaldy. At kung makikita niyo naman ang pamangkin ko, hehe. Mukhang laging bagong ligo.

ahem

Haiz. 'Pag nakikita ko 'tong mga imahe niya eh parang gusto ko nang magka-anak. Haha. As if. Syempre hindi pa pwede yun (Katorse palang ako... DUH naman.)

ahem

Hangkyut diba? Well, mana sakin eh. Haha. Wooshoo. Hangin!!!

ahem

Hindi. Ganyan lang talaga ang lahi namin.

Photobucket

Ayan. So... ano. Hehe. Na-kyutan lang naman ako sa pamangkin ko. Sana 'pag umuwi dito sila Kuya Zaldy at 'pag dumalaw samin eh dalhin niya ang pamangkin ko. Tsaka hindi pa nakikita ng lolo ang apo niya.

Haiz. Inggit ako. Gusto ko naring bigyan ng apo si Itay. Haha. Kakaibang amats ng pagka-ilusyonada ang umaatake sakin ngayon. Gusto na raw bang magka-anak. Natawa lang ako sa sinabi ng tatay ko dati sa isa naming pamili prend, "Hindi naman problemang makita ko ng maaga ang susunod na henerasyon ko sa kanya eh (sa akin). Basta lang maganda ang mga grades niya."

Haha. So, imposible talagang mabigyan ng apo si itay dahil ewan ko kung kelan pa gaganda ulit ang mga grado ko. Siguro babalik akong elementary para jan. Pangalawa, syempre titigil ako sa studies kung sakaling mapaaga ang lahat. So paano niya makikitang maganda ang grades ko? Nukaba itay. Gusto mo pa ring dagdagan ang kahihiyan ko 'pag nagkataon. Alangan namang pumasok ako sa iskul na ganun ang sitwasyon. Yak. Tsaka isa pa, wala akong katipan at wala pa akong planong magkaron.

Patawa talaga 'tong si papa. Totoo lahat at seryoso niyang sinabi 'yan. Hindi 'yan kasali sa listahan ng mga guni-guni ko. Loko rin si Itay eh. Alam naman niyang ambisyosa ang anak niya tapos nagbibigay siya ng consent sa mga ganyang bagay. Dami ko pang gustong gawin eh. Ang lagi ko lang reaksyon kapag sinasabi niya 'yan, "Weh... Nukaya'yon. DUH ka naman pa eh. As in all caps D-U-H." Haha. Pakitanggal nalang yung "DUH". Hindi yun kasama sa reaksyon ko.

Sa mga napapaisip jan kung paano ako nagkaron ng pamangkin... Well... ahem. Pamangkin ko talaga 'yan. Madalas kong sabihin na only child ako pero may kapatid po akong tatlo sa labas. Oo na. Sige na. Sasakyan ko na ang mga piloto jan. Ayaw kasi nila pumasok eh. Pasensya. So, yun nga. Si Kuya Zaldy ang panganay at ang kyut na nilalang na inyong nakita ay ang kanyang anak. Yung isa ko pang ate (si Ate Len) ay may anak narin pero wala pa kaming imahe ng anak niya. So, ayun.

Yung tatlo kong kapatid ay lahat may trabaho na't sariling mga pamilya. Si Kuya Zaldy, nasa Saudi at si Ate Len, nasa South Korea. 30+ na nga ata si Kuya Zaldy eh. Isipin niyo yung agwat ng mga edad namin. 14 palang ako eh. Haha. Astig. Ang tikas talaga ng tatay ko. 44yrsold kasi siya nang pinanganak ako. Haha. Isipin niyo lang ang naiisip ko. Haha. Ewan. 'Wag na nga.

blah-blah-blah-blah-blah-blah...

So, bukas nalang ulit. 12:35am na kasi.
Ehehe. Mga imahe naman ni Pinsan ang
ipo-post ko. Message lang kay Leo, 'wag
mong asahan ang mga imahe ni Pinsan
Rowie na pang-FHM. Wala nga dito yung
mga pics na 'yon dahil lahat ay nasa PC
niya. At sa ngayon, sira ang computer
niya. Kung gusto mo siyang makita eh
hanapin mo nalang sa friendster ko. Kaso,
'pag nakita mo siya eh baka magsisi ka.
Haha. Sama ko.

Geh. Sa susunod nalang mga Par`.
Mag-aabang pa ko sa MTV eh.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer