Wednesday, April 2, 2008

Bitin at walang kwentang post (pang 98th post ko palang ata 'to).

WALA LANG.

Currently watching American Idol. Kakatapos lang ng performance ni… sino ba ‘to? Si Jason. Jason nga ata ang pangalan niya. Basta. Lintek. Siya na yun. So, yun nga. Si Jason… wala lang. Nakakatuwa yung mata niya. I luuurrrvvvveee those eyes. Ahoo-ahoo for him. Ang ganda ng mata niya. And he got lashes. Alam naman ng nakararami na weakness ko ang mahabang eyelashes, lalo na kapag lalaki. So, yun nga. Uulitin ko lang, at uulitin ko ulit, at huling ulit ko na – Ang ganda ng mata niya. Lintek. I’m lost in his eyes na naman ang sitwasyon ko. Pero kahit maganda ang mata niya, inaabangan ko parin si 8**&13. Haha.

Message para kay Toni Meng.
Kaka-download ko lang ng *\3 7**<… and I’m mesmerized by his eyes. Haha. Sows. Malala na ang adiksyon ko. Ako pa yung nagsasabi na, Ayokong marinig yung pangalan ng nilalang na ‘yon. Ayokong marinig ang mga kanta nila. Ayoko ng kahit anong bagay na tungkol sa kanya. Pero lintsak, ako pa yung nagdo-download at umaawit ng mga kanta nila. Kung hindi ba naman talaga ako abnormal. *evil laughs* So. Itigil na muna natin ang kwentong kalokohan tungkol sa mga nilalang na aking hinahangaan. Masyado na kong nalulunod sa saya eh. Baka bigla akong makarating ng langit niyan.

Kanina nga pala ang kuhaan ng card. Nakauwi na ko’t lahat. Nakapag-internet, nakakain at tumawa’t inantok pero hanggan ngayon hindi ko parin pinapakita kay Itay ang card ko. Hindi pa ko ready sa sermon niya eh. Tsaka baka mamaya biglang putulin yung linya ng telepono. Wala na kong pera para makapag-internet sa labas. Binigay ko lahat kay Itay nang magpabili ako ng internet card. Haiz… Hirap talaga ng walang DSL. Teka, anong konek sa card? Basta. Ganun.

Siguro bukas ko nalang ipapakita kay Itay, o mamaya bago matulog para bangungutin. Kasi kapag umaga ko pinakita sa kanya ako ang babangungutin eh. Haha. Wala lang.




GEH. To Be Tuloy.
Magse-search muna ako ng mga imahe ni 8**&13.
Ay, hindi. Tatawagan ko pa pala muna si Inay, at saka
na ko ulit magse-search.


@#$!@#$!@#$!@#$!@#$!@#$!

EDITED.

Wala lang. Gusto ko lang i-edit 'tong entry na 'to bago pa matapos ang araw ng ika-2 ng Abril. Ang ewan lang talaga ng mga nangyayari. Na-e-ewanan talaga ako eh. Pero kung iisipin naman, normal lang ang lahat. Ako lang ata talaga ang abnormal. Lintsak. Abnormal na nga talaga ako.

*
NP: Right Here Waiting.
Tikas ng intro. Parang gusto ko tuloy
mag-keyboards muna bago ituloy ang
post na 'to
*

Kalokohan talaga dahil parang emo ako ngayon. Kanina lang tuwang-tuwa ako dahil kung anu-anong iskandal ang sinend sakin ni Toni Meng pero ngayon, ewan ko kung ano nga bang nangyari. Hindi ko ma-describe eh. Basta gusto kong mag-emote at magpaka-emo ngayon. Hindi naman ako suicidal, wala yun sa sistema ko. Pero yun nga, parang bigla akong nakaramdam ng Potek. May kulang eh. Yung ganun ba. Haiz.

blah-blah-blah-blah-blah-blah...

Nagbabasa lang ako kani-kanina ng mga quotable quotes galing Pride & Prejudice. Natuwa naman ako sa mga nabasa ko. Kung may isang katulad lang ni Mr. Darcy ang nabubuhay ngayon at makakapagsabi ng mga linyang 'to, lintsak, kahit walang DSLR Cam na ibibigay sakin, pakakasalan ko na.

In vain I have struggled. It will not do. My feelings will not be repressed. You must allow me to tell you how ardently I admire and love you.

You are too generous to trifle with me. If your feelings are still what they were last April, tell me so at once. My affections and wishes are unchanged, but one word from you will silence me on this subject for ever.

Naknangtots. Ang tikas nung huling linya, "...but one word from you will silence me on this subject for ever". Nakakatuwa naman. Wala lang. Ang lupfhet ng arrive eh. Parang ewan. Dehin ko ma-explain. Haiz.

Kung nahahabaan kayo jan eh pwede niyo namang sabihin na,
I love you. Most ardently. Siguro naman eh bebenta na 'yan kahit ganyan kaikli. Haha. Ang saya talaga ng mundo... pero weirdo parin. Nyaks.

Sa pagbabasa ko ng mga quotable quotes, wala pa ring tatalo sa mga linya galing sa By The River Piedra I Sat Down and Wept. Kakaiba parin ang arrive ng mga ito at... at... at... at nakaka-tats. Siguro kasi minsan narin akong nag-agree sa nabasa ko sa libro na 'yon- Love stories are all the same. Teka, ewan ko kung 'yan nga ba yung exact na nakalagay dun pero alam ko ganyan. Basta. Basahin niyo nalang. Kung bibili kayo, geh, basahin niyo, at huwag kalimutang ibigay sa akin pagkatapos. Haha. Talagang may ganun. Kasi naman, kung may pera lang ako ngayon, bumili na ko ng sariling kopya ko nung libro. Para maya't maya ko babalikan ang kadramahan na minsan ko nang naging inspirasyon sa pag-aalay sa walang kasiguraduhan. Haiz. Malabo na naman ang mga pinagsasasabi ko. Dehin na naman kayo maka-relate.


blah-blah-blah-blah-blah-blah...

Geh. Tulog na ko mga Par`.
Bukas nalang ulit... o kung
kelan man ulit. Basta. Sa
susunod nalang ulit. XD

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer