Hindi ko man gusto mag-post ngayon, wala na eh. Gusto ko narin eh. Haha. Labo. Gusto ko lang naman mag-post ngayon para palaganapin ang sayang nararanasan ko. Alam kong hindi kayo makaka-relate dahil hindi ko masyadong iku-kwento at i-e-elaborate ang mga nangyayari pero malay niyo, dakilang henyo kayo at baka maintindihan niyo rin ako. Siguro hindi ko nalang gagawing komplikado ang pagku-kwento para kahit pano ay hindi liparin ang mga utak niyo.
Matagal na itong nagsimula. Mula pa nung nagbalik-loob ako sa panonood ng TV. Mula nung napapadalas ang panonood ko ng MTV para mapanood ang mv ng Monobloc, at para makita ang katikasan ni Ely, mula pa noong napanood ko ang mv ng bandang... hehe. Yun na 'yon.
Nang mapanood ko ang mv na 'yon, natuwa lang ako nung una. Hindi ko pa masyadong pinapansin ang ibang bagay na aking nakita. Napadalas ang minsan at mas natuwa ako, at natuwa, at natuwa, at natuwa, at syempre... natuwa. Well, alam niyo namang lagi akong natutuwa. Pero kakaiba ang pagkatuwa ko kapag napapanood ko ang mv ng bandang "Yun na 'Yon". Hanggang dumating sa punto na kapag napapanood ko ang mv nila'y naka-focus nalang ako sa iisang tao. Haha. Lintek. Aking napansin na lagi nalang akong naka-focus sa pagmumukha ng nilalang na 'yon. Isang nilalalang na may hawak na 6-string instrument (Potek. Hindi naman obvious na gitara 'yan).
So, yun nga. Sa ngayon, ewan ko. Hindi naman matindi ang amats ko sa kanya dahil kahit pano ay nakikita kong mas gwapo ako sa kanya pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na matuwa 'pag nakikita ang pagmumukha niyang ano. Ewan. Wala akong maisip na description. Sa ngayon din, nadadamay si Toni Mae sa adiksyon ko sa kanya (wala na naman akong maisip kaya "adiksyon" nalang). Sabi ko kasi kay Meng, hanap siya ng pictures ng nilalang na 'yon. Haha. Pati si Toni Meng sinabit sa kalokohan ko. At may isa pang nakakalokong pangyayari na nagsasabing ako nga ay isang adik SA NGAYON.
Ganito kasi 'yon. Dahil sa nalaman ko sa aking sarili na ako'y na-a-adik sa isang nilalang, at dahil sa adik nga, syempre babalik-balikan mo yung kung ano man ang drugs na gamit mo. Haha. Ang pangit ng pagkakasabi ko. Basta, ganun. Babalik-balikan mo at hahamakin mo ang lahat makatira ka lang ulit. Ganun lang naman ako kahapon. Syempre hindi sa drugs, anuba. Dun nga sa nilalang na 'yon.
Teka. Ang emo ng mundo paligid samantalang ang saya-saya ko.
Pano ba naman kasi, Heaven Knows ang tumutugtog ngayon sa
iTunes... hindi pala. Naka WMP lang pala ako ngayon.
*why does it hurt me so...
maybe my love will come
back someday,
only heaven knows...*
Ok. Balik tayo sa mundo. So, yun nga. Isang epekto ng aking adiksyon ay ang pag-aabang sa MTV ng kanilang mv ng kantang 1\^1+4+1*\. Talagang habang nag-iinternet eh nag-aabang ako. Habang kumakain, habang nakikipag-chat, habang kausap si Inay sa phone, sa lahat ng ginagawa ko. Nag-aabang talaga ako. Kaya kapag nililipat ni Itay ang channel, halos masapak ko ang monitor sa asar ko at sabay sasabihing, May iniintay ako eh. Lipat naman nang lipat 'to. Pero hinahayaan ko nalang din si Itay dahil yun nga, teritoryo ko na nga ang kompyuter, aangkinin ko pa ang TV na tanging pinagkakaabalahan ni Itay. Tsaka baka mamaya bigla akong palayasin eh. Mahirap na. Kaya ako, mananahimik nalang din. Pero kapag tulog si Itay, lipat agad sa MTV.
Nag-aabang lang talaga ako. Nag-abang at nag-abang. Naglilipat din naman ako ng channel pero kapag hindi ko trip yung kanta. At sa aking pag-iintay at pag-aabang, wala akong napala. Ilang beses ko nang napanood at nakita ang matikas na si Ely at ang mv ng Monobloc. Ilang beses narin akong nadala sa expression ng mukha ni Jayson sa mv nila ng Sugal ng Kapalaran... pero wala pa rin akong naaabutang mv ng 1\^1+4+1*\. Nakahanap na ko ng pictures ng nilalang na aking kinaaadikan pero wala parin ang iniintay kong mv nila. Pinaubaya ko nalang muna ang remote control at ang TV sa aking Itay. Wala na kasing kwenta ang mga nakikita kong music videos.
Tulugan time na. Syempre ako hindi pa matutulog. Patay na ang kompyuter at ako na ang may hawak ng remote. Tulog na si Itay at ako'y malaya nang makakagamit at makakapag-abang. Sa aking pagiintay, wala pa rin. Lintsak. Natapos na ang MYX Daily Top Ten at ilang count downs na ang napanood ko, wala paring 1\^1+4+1*\. Natapos na ang Games Uplate Live, wala pa rin. Natapos na rin ang The Hitcher sa HBO, hindi ko parin nasisilayan ang nilalang na aking inaabangan. 2:35am na at ayokong abutin ako ng 3am. Inaatake kasi ako ng exorcism. Haha. Papatayin ko na sana ang TV pero sabi rin ng aking utak na, Teka. Konti pa. Kahit hanggang 2:45, intay ka lang. So, ako, intay lang. Pinalabas ang Director's Cut ng Kamikazee at medyo nag-emote ako. Pero hindi parin nawawala sa sistema ko na may iniintay ako. Pagkatapos ng Director's Cut ay commercial muna. Medyo naglipat ako ng channel at pagkabalik ko... VOILA. Ayun na. Pinalabas na. Bwahahahahahahahaha. At syempre, tuwang-tuwa naman ako sa galak at galak na galak sa tuwa. It's really worth the wait (tama ba?) ika nga ng nakararami. Nang makita ko ang pagmumukha ng nilalang na 'yon ay nawala ang pagkainis ko. Pati ang maga ng mata ko dahil sa antok ay nawala. Lintsak. Ang saya tuloy ng tulog ko. Nanaginip pa ko. Kaso hindi ko na maalala.
Nagising ako ng 2:30pm. Unang pumasok sa isip ko ang mag-abang ulit sa MTV. Haha. At ngayon, nag-aabang nga ako. Pero hindi na ko makakapagpuyat dahil pupunta akong iskul bukas para sa card at ibibigay narin ata ang clearance sa aming dakilang adviser.
Sa ngayon, si Toni Mae lang ang nakakaalam kung sino man ang nilalang na pinapantasya ko at aking kinaaadikan. Wala rin akong planong sabihin sa iba. Pero hindi, nasabi ko narin pala kina Pia at Nyx. Pero sa tingin ko hindi naman nila kilala eh. Pero alam ni Pia yung banda. Haha. Well, wala na akong pakialam. Mas maganda nga kung malaman ni Pia para alam niya ang rason kung bakit bigla nalang akong natatawa.
Haiz. Gusto ko talagang ipaskil ang imahe niya dito kaso hindi ko kaya. Haha. Kaya nga si Toni Mae ang pinapa-search ko ng pics ay dahil sa hindi ko magawang tignan ang mga imahe niya kapag ako ang nagse-search. Lintsak. Ganyan talaga ako ka-abnormal eh. Pasensya. *sabay kanta ng Torpedo*
Siguro, ganto nalang. 'Pag nagkita kami, kakantahan ko nalang siya ng Balisong at i-e-emphasize ang so come on up to me and close the door. Haha. Etsos. Lintek. Abnormal talaga.

So, mga Par`. Hanggang dito nalang dahil alam kong wala rin namang
kwenta ang entry ko ngayon. Gusto ko lang mailabas ang tuwang
kinatutuwa ko (Ha? Ano raw?). Para sa mga klasmeyt at iskulmeyt,
kita nalang tayo bukas. Para sa mga kalaguyo... potek. Wala namang
kalaguyo. Haha. Geh. Sa susunod nalang ulit.