Ang daming gagawin. Ngayon ko lang na-realize, crammer din
pala ang mga titser ng LHS. Kung kelang bakasyon na saka lang
nila sinasabi yung mga dapat naming ipasa or yung mga projects.
Eksibit.
Sa Lunes na dapat ang eksibit namin (na dapat nung February pa).
Kaso walang napaguusapan. Walang meeting. Walang preparations.
Kahit ata sila Emphi nakalimutan na ang tungkol dun. Ewan talaga
kung tuloy pa. Kung iisipin kasi wala ng magkakainteres na pumunta
dun. Pa-bakasyon na kasi. Buti kung mga pang pro yung mga artworks
namin, siguro may ma-a-amaze pa. Tsaka ang daming projects.
Tinambakan na naman kami. Syempre uunahin ang mga projects
kasi academics yun eh.
Sayang talaga. Pati yung mga play na dapat napuntahan namin,
wala rin. Hindi rin naging active ang JPD. Masaya pa naman sana.
The Congo.
Project namin sa English. Walang problema sa memorization at
sa costume, nasa choreo ang pabigat... o kung ano mang tawag
sa actions na gagawin namin.
May nasimulan na naman kami last Saturday - yung formation.
Kanina, inayos ulit. Napunta ako sa gitna. Then sinabi ni Joan:
Ok, surprise 'to, kayong mga nasa gitna ang gagawa ng karamihan
sa choreo.
Na-surprise nga ako. Kasi... ano... wala lang. Ayoko ng actions.
Kahit magsalita nang magsalita o kahit ipakanta yung Congo oks
lang. Huwag lang actions. Ewan. Wala na eh. Dun na ko pinuwesto.
Ayoko narin namang mag-inarte kasi sa Tuesday na ipeperform
yun. Buti nga sa Tuesday, dapat talaga sa Monday yun.
PA: Mag-interview ng isang entrepreneur.
So kailangan ng steno jan. Nyaks. Interview lang steno kaagad.
Madali naman ang steno *yabang mode na naman* kaso limot
ko na yung mga brief forms at mga derivatives blah-blah.
Yun nga. Kailangan mag-interview ng isang successful entrepreneur.
Dapat umabot ng 8 pages ang project at... at... at... at wala na kong
matandaan. Sa Monday na ang pasahan at wala pa akong naiisip na
pwedeng interview-hin. Actaully meron dito, si Mang Terry. Kaso
kasi, baka hindi naman niya maintindihan yung mga itatanong ko.
Ako: So, paano po ba ang store layout niyo?
Mang Terry: Ha?
Ako: Sige po, iibahin ko nalang ang tanong. Alam niyo po ba ang
grupong may best name?
Mang Terry: Syempre. Ang Team Ang.
Hehe. Tapos na ang quarter pinagyayabang parin ang best name
na 'yan.
Oo nga pala. Sila Nyx na yung iinterview-hin ko. Ang angats naman
talaga. Nakalimutan ko. Teka... ano nga bang itatanong ko? Dehins
ko maalala yung mga pinagsasabi ni Ma'am Ninna eh. Ang alam ko
lang is yung history, mga naging problema sa pagtatayo nung business,
store layout, tsaka yung display. Kaso... panong tanong? HANOBAYAN.
Bio.
Hindi ko alam kung ano yung project sa Bio at sa Monday narin
ipapasa 'yon. Sabi nila, whole class naman daw ang gagawa. Syempre
kami, kagaya ulit dati - magbabayad nalang.
Wala namang problema eh. Basta may project. Yun na 'yon.
'Yan kasi ang nasa isip ng karamihan. Actually ako rin lalo na ngayon
na tambak kami. Kahit magbayad, oks lang. Tsaka yun narin ang
napagkasunduan nila. Since wala ako sa meeting, agree nalang ako.
Maraming naniningil kanina. Hindi lang kanina. Basta this week.
Required daw. Ako naman, since walang alam...
Ha? 12.50? Para saan? Ah... ok.
Ha? Magkano ba? 11 pesos? Teka ah, wala akong barya eh. Ay, meron
pala.
Ha? 2 pesos? Para saan? Ah. Ganun. Cabangs, kulang yung barya ko
eh. 'Kaw nalang muna magbayad.
Meron pa eh. Hindi ko na nga lang matandaan. Walang problema sa
pagbabayad kung kailangan naman talaga. Pampatagal lang ng oras
kung kokontra pa eh.
Dahil sa maraming naniningil, hindi ko na matandaan kung nakapag-
bayad na ko ng para sa Bio o hindi pa. May listahan naman sila eh.
Kung bayad na ko, edi oks na. Kung hindi, edi magbayad. Kung
maniningil ulit, bahala na sila.
PE: Jazz dance blah-blah.
Kagaya nung 2nd grading sa hiphop, sasayaw ulit kami... na naman...
na naman... na naman. Kahihiyan na naman.
Masaya sana ang sayaw na yan kung maaga palang sinabi na samin.
Kaso kanina lang inannounce at sa Wednesday na magpe-perform.
Cramming nga naman.
Naaalala ko pa yung baby freeze ko dati. Overnight lang na praktis
yun. Naks. Talagang proud sa baby freeze with matching battement.
Haha. Battement habang naka-baby freeze. Imaginin niyo, ang tikas.
Parang ewan lang. Haiz...
Wala pang napagmee-meeting-an tungkol sa PE na yan. Ewan namin
kung anong mangyayari. Sana matapos na lahat.
Kanina nga pala nag-practical test sa PE. Na-ewanan ako sa sarili
ko kasi pag yung mga kaklase ko yung nasa harap, ang bilis kong ma-
memo yung mga steps na pinapa-execute sa kanila. Nung ako na yung
nandun, umatake ang schizophrenia at lumabas ang aking alter ego
na si Diding. Haha. Parang Leo at Leonille lang.
Hindi naman ako kabado kanina. Nawala na lahat ng kaba ko nung
tumugtog na kami sa music. Tsaka kasi, iniisip ko na bakit pa ko kakabahan.
Wala ng kaba-kaba para matapos na. Gutom na ko eh. Gusto ko ngang ako
na yung unang tawagin para makakain na. Mga 3:30 na kasi yun at hindi pa
ko kumakain ng lunch at halos wala akong kinain nung umaga dahil halos
6am na ko nagising.
Pansin ko lang, pag gusto kong ako na yung tawagin, lagi ako ng huli.
Pero kapag gusto kong huli ako, ako yung nauuna. Parang sa Music at
Health lang... tsaka ito nga, yung PE.
Spokening of Music.
Akala ko dehin ako papayagan ni Sir sa gitara na gamit ko. Pinayagan naman
ako at ako nama'y nakatugtog... nang hindi maayos. Nawala ako sa strumming
ko. Hindi naman sobrang nawala pero natarantula ako. Pero oks na yun.
At least, tapos na. Sabi pa ng isang adviser, Just keep going and keep pushing
forward today. Persistence will always pay off! Nakanangtoinks.
Pero ano eh... masasabi ko lang sa sarili ko na Mada Mada Dane.
Marami pa kong dapat matutunan.
Haiz... mada mada dane... gusto kong humawak na tennis racket ngayon.
Kanina pauwi.
Ngayon ko lang na-realize na isang malaking kalokohan ang patuloy na
maglakad habang may pulikat ang paa. Nyaks. Dalawang paa pa. Ewan ko
kung sobrang pagod yun or wateber. Buti medyo nawala nung nasa
kalagitnaan na kami ng Teresa ni Nyx.
May nakasabay rin ako sa dyip (sa Cubao raw siya bababa). Wala lang.
May itsura si kuya... teka. Palitan natin yung term. Tatlong tao lang
kasi ang tinatawag kong Kuya eh. Nilalang nalang. Ok. Ulitin natin.
May itsura ang nilalang na aking nakasabay. Hindi ko masabing matikas
siya pero dahil sa kamay niya, sige, pagbibigyan ko na. Matikas siya.
Matikas siya kasi ang ganda ng kamay niya. Ahoo-ahoo for him. Langyang
'yan. Kalalaking nilalang ang ganda ng kamay. Parang Koreano lang
(parang Jang Geun Suk lang). Ang tikas talaga. Ang tikas ng pagkaka-
molda ng kamay niya (Wow. Clay?).
Kung mababasa man niya 'to, dapat siyang matuwa. Minsan lang ako
magbigay ng compliment. Hindi naman sa perfectionist ako... pintasera
lang. Toinks. Hehe. Loko lang. Pero totoo yun. Nasa lahi na namin yun
at nakatanim na sa bawat dila namin. Mabait lang talaga ako ngayon
kaya naiiwasan ko na. Weh?!?
TO BE CONTINUED...
(Kelan nga ba ako nagtuloy ng mga ganito?
So, huwag narin tayong masyadong mag-expect
dahil baka sa Monday na ang neks entry. Pero
sa tingin ko itutuloy ko 'to dahil bitin ang kwento
ko. Pero kapag inatake ako ng katamaran, sa
Monday na nga lang.)
Kung may typo ako pagpasensyahan niyo na.
May epilepsy kamay ko ngayon eh. Basta. Hirap
i-explain. Parang kagaya nung kay Nyx, may
sariling nervous system yung kamay niya.
Parang yung sa Hostel kaya hindi siya makapasa
sa board exam. Hehe. Basta.
Saturday, March 15, 2008
Mi corazon es para ti...
. .
