Nakakamanhid naman yung gamit kong gitara ngayon.
Sakit sa daliri. Kahit tumigil ako ng 5 minutes, kapag
tumugtog ulit ako, sakit na naman.
Pano nga ba hindi sasakit eh mahigit isang oras na kong
nagpa-praktis.
Hindi kasi nylon eh. Nyaks.
Miss ko na si Felidae. Miss
ko na ang nylon strings niya.
Nagtataka ako nung una kung bakit
mas mahal ang gitarang may nylon na
string kesa sa metal. Ngayon alam
ko na kung bakit. Mas masaya ang
nylon. Toinks. Anong konek.
Sabi kasi nila, 'pag classiscal daw,
mahal talaga. Gusto ko sanang sabihin,
"Weh... di nga..."
Hehe.
Ambot.
Kailangan ko lang praktisin ng konti
ang mga kantang pinagpipilian ko.
Kapag oks na... edi oks na.
Ngayon ko lang din nalaman na marami
palang nagkalat na Cebu sa paligid. Hindi
lang sa Lumanog. Marami ring British
Embassy. Mas madalas akong makakita
nun kesa sa Cebu. Hindi pa nga lang ako
nakakakita ng Cutud. Ang tikas naman kung
may binebentang ganun.
May nakita akong bass guitar na masaya
sanang bilin kaso hindi pa naman ako
expert sa gitara. So, hanggang tingin muna
ako. Ilang beses ko nang nakita ang bass
guitar na 'yon at natutuwa naman ako dito.
Kaso hindi bagay sa kanya ang Czandro. Babae
kasi siya eh. Hehe. Czandra nalang. =))
Alexandra... naks. (bulgaran na ng pangalan ah).
Hala.
Hindi pa ko nagrereview para bukas.
Geh.
Thursday, March 13, 2008
...at kay nipis ng lahat kapag wala ka
. .
