Wednesday, March 19, 2008

but they didn't know how hard it is to be hurt, to be lost in the mist...

Simulan natin sa ngayon.
wooshoo!!!

NGAYON.
Ngayon ang isa pang kahihiyan at ang dulo ng simula, at simula ng dulo
para sa amin (haha. labo.) - ang jazz dance presentation sa PE.

Late ako pumasok kanina at hindi ko pa napa-print yung proposal na
kailangan para dun sa PE (wala naman kasing bukas na computer-an
kanina eh). Pagkarating ng iskul, sinabi ko na sa aking mga ka-grupo
ang problema at kami ni Yari Ka! este ni Kimberly ay lumabas at nag
pa-print. Himala at may bukas ng com shop. Kaso walang tao, si Kuya
lang (wala na talaga akong maisip na ibang pwedeng itawag sa kanya
eh). Pagkakita ko kay Kuya, may naalala akong nilalang na hindi naman
talagang kamukha niya, pero may anggulo na magkahawig sila. Inisip ko
kung sino yun habang kinakausap ni Kimberly si Kuya. Aking naalala si
Buwi Meneses (ewan ko nalang sayo kung dehin mo siya kilala). Sa utak
kong pagod, sinabi kong baka siya nga yun.

Since naka-save as draft yung proposal sa email ko, edi type naman ako.
Habang nagta-type, nagpapatugtog si Kuya. Natuwa ako kasi ang ganda
ng computer na pinagamit niya. Ayoko ng i-explain kasi nakakatamad.
Isipin niyo nalang yung Trojan virus. Yun. Ganun ang dating kanina.
Basta. Ang isa pang kinatuwa ko ay ang ganda ng pinapatugtog niya.
Pamilyar ang yung kanta pero hindi ko maalala kung ano nga bang kanta
'yon. Gusto ko pa sanang tanungin si Kuya kaso kasi nakahihiya. Natapos
ang sumisipol na kantang 'to at sumunod ang Kisapmata. Dahil sa mala-
trojan nga ang PC kanina, minaximize ni Kuya ang window ng WMP sa
PCng gamit namin gamit ang PC niya, gets? Basta. Ganun. Dahil sa ganun
nga ang nangyari, nakita ko na ang title nung kanta ay Bring Me Down.
Then naalala ko na may ganun akong ringtone sa selepono ko. Ayun.

Natuwa naman ako at ngayon, dahil sa tulong ng Limewire, na-download
ko ito ng mapayapa at nasa playlist ko ngayon, at dito narin sa blog. Natuwa
rin ako sa lyrics. Akala ko nung una naduling lang yung tenga ko pero nung
sinearch ko, ganun talaga. Kung ano man ang kinatuwa ko, pakinggan niyo
nalang yung kanta. May isa pa pala akong kinatuwa. May isang part kasi
dun na parang Mulat ang dating, parang Uno lang.

Dahil sa natutuwa ako ngayon sa Rivermaya, at dahil narin sa impluwensya
ni Mr. Migraso...www (Haha. Hanggang third yr 'yan!), pati yung tinugtog
niya sa music ay dinownload ko - Hinahanap-hanap kita. Ang tikas ni Bamboo
dun. Ahoo-ahoo na naman.

Ok. Tapos na natin yan.
Diretso na tayo sa PE.

Yun nga, ang PE. Kulang kami sa oras. Nagpapaganda pa sila Kim Alec
habang ako'y namromroblema sa slacks kong may tanim atang hoodoo.
Langya talaga. Nagloko ang zipper. Yung kapag sinasara na eh walang
nangyayari. Ganun parin, nakabukas. Yun, ganun. Buti nalang may pardible.
Tsaka ang masaya dun, hindi halata yung pardible. Ayos. Handa na kaming
magkalat sa Maharlika.

Oks naman ang performance namin. Mejo nawala kami sa dulo kasi yun
talaga yung part na minadali namin. Tapos, ako, hindi ako nakapag-pretzel.
Kalokohan samantalang ako pa yung nagtuturo kay Hillary nung una kung
pano yung pretzel. Nyaks talaga. Pero oks lang. Tapos na eh. Ahoo ahoo
nalang tayo.

Sa Monday na ang balik namin. Para nalang yun sa clearance.
Spokening of Ahoo-ahoos...

Kahapon.
Golden Age ng Loyalty. Langya. Message muna sa buong Loyalty bago
ang kwento kahapon.

Loyalty, mga walanghiya kong kaklase, kayong lahat. Oo, kayong lahat,
sa masang Loyalty, hindi niyo man mabasa 'to, let's hoodoo the @#$!!!!
Ramdam na ramdam ko na ngayon ang paghihiwalay natin. Mga langyang
kaklase, kung pwede lang sa third yr, tayo parin. Malamang hindi pwede
yun. Basta. Tayo parin ang mananatiling pinaka-TGSH sa year na 'to.
Huwag makikinig sa iba, hindi naman kasi nila alam ang nangyayari satin
eh. Kung alam lang nila ang araw-araw na pamumuhay ng Loyalty, banal
pa silang lahat. Swerte lang tayo at wala tayong record sa guidance. Iba
na kasi ang madiskarte. Basta, Loyalty, magkalayasan man, tayo parin ang
Loyalty.

Ramdam ko talaga ang kapatiran kahapon. Yung intense power mga Par`,
por da pers taym, sa kasaysayan ng mundo ko, ngayon ko lang ata talaga
naramdaman ang kahulugan ng grupo, bayanihan, at ahoo-ahoo. Salamat
sa inyong lahat at na-realize ko na kahit tambak at parusa ang year na 'to,
may mga kaklase pala ako. Mga kaklaseng bangag araw-araw, mga kaklaseng
ang motto ay di bale ng tamad di naman pagod, mga kaklase handang mami-
losopo kung kailangan *toinks*, at mga kaklaseng neutral (parang ako lang),
mga kaklaseng ano at umaano at umano at inano at nang-ano (ang daming ano).
Kung sabi iba, hindi divided ang klase nila, ano pa tayo. Sa iyakan, kalokohan,
tawanan, mga trip, mga isyu, kaso, sikreto, choreo, baby freeze, cramming...
sa lahat, haytek kayong mga langya kayo. Mga talentado at mga madiskarteng
sabog na loyalty, pagpatuloy ang kalokohan pero huwag babaguhin ang
pagseseryoso. Lalo na yung mga lalaki, mga henyo kayo sa numbers, tuloy niyo
yan. Dapat hindi mawawala satin ang maluphfet na intro sa mundo,
SUBUKAN NIYO KAMI.

Bitin. Bitin talaga. Kaso magkaka-iyakan tayo eh.
Ok. Kahapon... kahapon... kahapon... AHOO AHOO AHOO!!!

Dumating ang araw para i-perform ang The Congo. Marami ang hindi pa
nakaka-memo ng Congo, kasama na ko dun. Nagkakawalaan kami sa 2nd page.
Pero dahil sa mga dakilang crammer ang klase namin, geh, tuloy lang ang ikot
ng mundo, tuloy ang sugal ng kapalaran (kanina pa 'yang Rivermaya ah). Praktis
lang kami, mejo magulo parin. Pero oras na eh, kaya kagaya ng kaugalian ng
lahat, bahala na.

Hiraman ng malong. Ang saya ng 2nd year. Pero tuloy parin, wala ng atrasan.
Unang nag-perform ang Honesty. Maayos ang kanila, na kung iisipin ay halos
minadali nalang din nila. Ang gwapo ni Medrano. Haha. Mumbo-jumbo talaga.
Sumunod kami. Kanya-kanya ng pwesto. Malapit ng maghari si Leo (hehe).

uno, dos, tres... THE CONGO

uno, dos, tres... Oh, rare was the revel, and well worth while
that made those glowering witch-men smile.

Sumunod ang Sincerity. Si Victor naman ang mumbo-jumbo. Talagang siya.
Loko talaga.

Natapos nang mag-perform lahat. Sasabihin na ang comments, grade, at
kung anong section ang may pinakamaayos na performance. Inuna ang
Sincerity, sinunod ang Honesty. Marami nang kaklase ang nagsasabi na
save the best for last. Hinuli kami at pagkatapos, sinabi ni Ma'am Del Rosario
na kami nga ang may pinakamaayos na performance. Ahoo-ahoo naman kami.
Sa pagkaka- tanda ko, 95 ang nakuha namin at yung dalawang section
ay nakakuha ng 90.

Ang saya kahapon. Golden Age nga ng Loyalty. Kaso, bitin ang planong
inuman ng klase. Kailangang maghabol para sa PE kinabukasan. Lahat
kami nanlilimahid na pero kailangan talagang magpawis para sa grade,
grade na sabi ng karamihan ay guni-guni lang.

Pumunta kami kina Alyanna at doon nagsimula ang Yari Ka! laughtrip.
Napagdesisyunang kina Ashley ituloy ang praktis. Nag-trike kami.
Wooshoo. Saya. Ang saya namin ni Kim. Ang saya talaga umupo sa likod.
Pero maluphfet si Cabangs, sabit siya. Haha. Ang saya ng mundo.
Experience na naman, lakwatsa na naman.

Pagkarating sa lugar ni Ashley, tinuloy namin ang Yari Ka! laughtrip at
ang praktis. Doon kami nakabuo ng step, mga plano na walang
kasiguraduhan at kung anu-ano pa. After more than 2hrs, dumating ang
kuya ni Ashley kasama si Ate Nicole. Sinabi nila na walang pasok
kinabukasan (ngayon). Masaya na sana kami kaso nasa isip namin
na pwedeng ipatuloy ni Ma'am yung PE. Napagdesisyunan namin na
bumalik sa LHS. Habang palabas ng pinto, nasabi ko na baka ituloy
ko ang plano kong pag-c-CO next year (if ever).

Naglakad kami at sa daan, partners kami ni Kim Alec. Nasabi niya sakin na
plano rin niyang mag-CO. Napagusapan namin ang advantages at
disadvantages ng pag-c-CO. Pero desidido kami. Ako, seryoso ako dun.
Pero kailangan ko munang malaman ang lahat bago ko talaga ituloy. Kung
sa tingin ko naman ay kakayanin ko, edi ituloy. Pati si Kim, ganun din ang
iniisip. Tsaka totoo yung sinabi ni Leo, para may thrill.

Sa aming paglalakad ay nakarating kami ng PUP (mula kina Ashley yun).
Nakasalubong namin si Aika. Sinabi niyang kahit walang pasok kinabukasan
pero tuloy ang PE. Bumalik kami ng LHS para i-confirm. Nyaks. Totoo nga.
So, napaisip kami kung saan kami magpa-praktis. Para wala ng hassle,
pumayag akong sa amin nalang.

Nakarating kami dito sa bahay ng mga 6pm (pagkalipat kasi ng channel
kakasimula palang ng Hana Yori Dango). Then nagsimula nang mag-praktis.
Diretso parin ang Yari Ka! laughtrip at ang ka-epalan ng iba naming ka-grupo.
Bitin ang praktis pero kasi 9pm na. Umuwi na sila bukod kay Ashley.

Naiwan si Ashley dito samin kasi susunduin siya ng tatay niya. Habang
nandito siya, nanoood kami sa youtube ng mga jazz dance performances.
Mga 10:30, dumating na ang tatay ni Ashley. So, nakauwi na siya.

Ako naman, wala. Basta. Lintek. Naalala ko na naman. Ok.
Huwag na nating pag-usapan kung ano man ang nangyari
kagabi.

Noong Lunes.
Maaga ako pumasok. Himala nga eh. Wala lang. Mejo napaaga ang pasok
eh. Ganun talaga minsan.

Walang nangyari sa buhay namin. Walang klase, walang ano, ano, ano.
Piktyur at laughtrip lang with Ma'am Ninna. Si Sir Alvin (tama ba?) nagpa-
survey lang. Tapos Si Ma'am Rivera, sinabi ang grades namin... na sumira
sa araw ng karamihan. Lintsak. Dahil lang sa NAT (na ewan ko kung anong
naitulong sa mga estudyante), lahat nagbagsakan. Ako, bumaba ng 4pts.
Yung isa naman (dehin ko nalang sasabihin kung sino), 87 pero naging 77
dahil lang dun. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na, marunong ka namang
mag-bass eh. Gwapo ka na niyan. Hayaan mo na yung Bio. Pero as if naman
diba. Anong konek ng bass sa Bio. Well, pareho lang silang nagsisimula sa
letter `b`. Yun nga. May mga umiyak din at mga wala lang... kagaya ko.
Pero syempre nanghihinayang parin ako. 4 points din yun. Ang hirap mag-
memo sa Bio eh. May mga gloves of cleto reyes pa dun (Naks. Term ni Leo).
Tapos... may mga iba pang nangyari kaso limot ko na.

Noong Linggo.
Walang magawa. Walang magawa. Walang magawa.
Nag-sagot lang ako ng mga quizzes sa blogthings.com.
Natuwa ako sa resulta ng karamihan. Swak kasi eh.
Wala lang. Nakatutuwa.

Saka ko nalang ilalagay dito yung mga results.

Noong Sabado.
May post ako nung Sabado eh.
So, hindi ko na ikukwento.

Ngayon. Ngayon. Ngayon. Kalagayan ng mundo ngayon.
May isang ewan sa paligid ang gusto kong sabihan ng you're
so close but still a world away. Worlds pa nga ata eh.

Pano ba naman kasi. Ganun na nga yung nangyari tapos ganto
pa tapos gaganun pa. Eh anong gusto niyang mangyari, mag-
ganunan nalang poreber? Hindi na nga magkaganon tapos nang
gaganun pa. Kala naman niya nakakaganon siya. Sows. Gusto
ko sanang sapakin eh kaso baka gumanon eh.

ANO RAW?!?

Basta. Ganun (hala, ganun at ganon na naman). Siguro kapag
hindi gumanon yung dating ganon, mag-c-CO ako. Hehe. Anong
konek.

So, kung sino ka mang ewan ka sa paligid, kapag hindi ka
tumigil sa kakaganon mo, gumanon ka na. Pag tumigil na
kong mang-ganon, pasensyahan tayo.

@#$!@#$!@#$!@#$!

'Nubayan. Naalala ko na naman yung nangyari kagabi. Kasi naman,
nag-drama si Leo. Ikukwento ko na nga eh.

Siguro sa susunod nalang.

@#$!@#$!@#$!@#$!

May isang part dun sa Hinahanap-hanap Kita na parang nagsasabi
saking, Par`,
Malapit na ang March 21 at malapit naring magbakasyon,
baka gusto mong balikan lahat...


sa school, sa flag ceremony
hanngang uwian araw-araw
hinahanap-hanap kita
hinahanap-hanap kita
at kahit na magka-anak kayo
magkatuluyan balang araw
hanaphanapin ka
hanaphanapin ka


Wala naman kasi akong magagawa kung gusto niya ng isang
nilalang na Krakatoa, The Krakatoa of all Krakatoas.

@#$!@#$!@#$!@#$!

Medyo masaya ang simula ng mga nakaraang araw. Lagi kong
naaabutan ang Monobloc sa MTV tuwing umaga. Syempre,
ganun parin. Matikas parin si Ely. Ang tikas talaga lalo na dun
sa outro part.

Madalas ko ring mapanood yung Sugal ng Kapalaran. Kagaya
kanina, nadala na naman ako. Kung ano yung expression ni
Jayson, napapaganon din ako. Teka, March birthday niya diba.

Langya, March 5 pala. Nakalimutan kong batiin. Birthday pala
niya nung mga panahong nag-e-enjoy ako sa panonood ng
Pride & Prejudice. So, belated Happy Birthday nalang sa kanya.
Hehe.

@#$!@#$!@#$!@#$!

Ok. Sa susunod nalang ulit.
K. Bye.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer