Unang post sa unang araw ng Marso. Wala kasing magawa
kaya medyo masayang mag-type. Dehins nakakatamad.
Under construction pa nga pala 'tong blog. Sinimulan ko 'to
kahapon kaso nung ine-edit ko na yung code medyo nahilo
ako. Medyo may hang-over pa ata ako kahapon dun sa sakit
ng ulo ko. Pero ngayon oks na. Wala ng sakit ng ulo. So, baka
ituloy ko na yung paglalaro ng code nitong blog kong dakila.
Dahil nga sa wala akong magawa, yung desktop wallpaper ko
yung background ko ngayon. Sagittarius yan. Wala lang.
Nakakatuwa lang. Sayang nga eh kasi hindi nakaharap yung...
ano bang pwedeng itawag sa kanya? Basta yung lalaki. Pero
ok lang. Mas historical naman yung dating kapag nakatalikod.
(Parang mali. Hindi talaga historical yung term dun eh. Basta.)
` ` ` ` ` `
Napanood ko kanina yung Blood Diamond. Nyaks. Na-tats naman
ako dun sa istorya. Naiiyak na ko kasi heroic si Leonardo dun
(kahit hindi naman masyado *weee*). Pero matikas parin siya.
Pero mas matikas siya sa Titanic. Gusto ko sanang panoorin
ngayon kaso mahaba eh. Maraming oras ang magagamit eh
marami pa kong gagawing iba. So, siguro, sa susunod nalang.
Dahil nga napapadalas ang panonood ko ng TV ngayon, lalo na
sa HBO, nasaktuhan ko naman yung trailer ng Pride & Prejudice.
Ipapalabas ulit at sa Linggo (bukas) ang simula. Ahoo-ahoo for
me. *evil laughs* Haiz... masaya na naman ang buhay.
![]()
![]()
Ang saya talaga. Wala lang. Hindi naman halatang adik ako jan
sa lintek na Pride & Prejudice na yan. So... hahahahahahahaha.
Pag-pasensyahan niyo nalang muna ako. Isang linggo lang naman
akong ganito tapos ok na. Hehe.
May Stay Alive din nga pala. Matagal naring pinapalabas 'to
kaso hindi ko napapanood eh. So, sa Monday, medyo mag-aabang
ako. Sa Friday naman, ipapalabas yung Take the Lead. Ang saya
talaga.
May nakita rin pala akong isang show, sa ETC ata yun, about
sa dirty dancing. Dirty Dancing nga ata yung title nung show.
Wala lang. Nakakatuwa lang. Syempre, panonoorin ko yun.
Sana nga eh nakakatuwa yung show na yun. Siguro naman
matutuwa ako kasi nung napanood ko yung Dirty Dancing:
Havana Nights ay tuwang-tuwa ako. *lols* Puro nalang "tuwa"
ang tina-type ko. Wala lang. Nakakatuwa lang talaga. In other
words, masaya. Hehe. Ewan. Lintek.
This March din pala ipapalabas yung Elizabethtown. So...
Ephraim, isa itong announcement para sa'yo. Abangan mo
nalang kung kelan ipapalabas. Basta this March yun.
Mga March 18 ata. Tignan mo nalang sa hboasia.com.
Ok? Ok na?
` ` ` ` ` `
Bino-browse ko ngayon ang sched ng HBO this March. May
nakita akong isang movie na ang title ay "DragonDynasty".
Natawa lang ako. Hindi ko alam kung tungkol saan ang
pelikulang 'yon pero sana hindi ito tungkol sa stats.
Hindi ko lang din alam kung naduling ako sa aking nakita.
Ipapalabas din this March ang Click. Yeap, yung kay
Adam Sandler. Sa pagkakatanda ko kasi, ang pelikulang ito
ay for limited showing lang. Yung kagaya ng Aeonflux,
The Little Man, Memoirs of a Geisha, na isang linggo lang
na pinapalabas ng HBO. Hindi ako pwedeng magkamali.
Limited showing lang talaga 'to. Madali akong makalimot ng
equations at solutions pero dun lang naman mahina ang
memory ko. Hindi ko alam pero ipapalabas talaga ulit 'to.
Wala lang. Hindi lang ako makapaniwala. Nyaks. Siguro
nga nakalimutan ko na. Pero hindi parin. Letse. Basta.
So, ito naman ay isang announcement para kay Pia,
at kung sino man ang gustong maiyak (kung naiiyak kayo sa
mga ganto). Ipapalabas this March ang Click.
Pati pala kay Socorro. Announcement din for you, Nyok.
Alam ko namang may hidden desire ka kay Adam Sandler.
Huwag kang magalala, diyosa ka naman diba *lols*.
Haiz... ang sama ko. Well, siya naman ang nagsabi nun.
` ` ` ` ` `
So, puro movies ang topic ngayon. Pasensya kasi medyo
ina-atake na naman ako ng kagustuhan na mag-movie
marathon. Bumabalik ang Sembreak Sickness ko.
` ` ` ` ` `
Naalala ko lang nung Thursday. Pumunta kami ni Leo sa
SM para magpalamig. Dumiretso rin kami sa National
Bookstore. Aming nalaman na legal pala dito sa atin ang
mga Manga na napaka-`educational`.
Yung mga katulad ng Basilisk (bulagaran sa title ah).
Yan ang pagkakatanda kong title ng isa sa mga
Manga na nahalungkat namin, at ang huling Manga na
hinawakan at binuklat ni Leo. Basta, hindi ako sigurado kung yan
nga pero ka-batchmate ng Basilisk ang mga Mangang educational.
Hindi lang kami makapaniwala na nakakapasok dito ang mga
ganyang Manga. Siguro may `istorya` naman yung mga Manga
na yun. Pero hindi rin. Kahit may istorya yun, may istorya din ang
mga graphics. Kakaibang istorya, na kumbaga sa mga salita,
vulgar slang ang mga ito. Gets? Lintek. Nahihirapan ako. Diretsahan
nalang. Minsan lang naman ito pag-usapan. Yun nga. Yung mga
graphics, pwede nang ihanay sa mga hentai. Kitang-kita lahat. Ewan.
Ang nakakatuwa pa ay katabi lang ng Kid's Section na mga libro at
mga coloring books yung mga Manga series na educational. Ikaw,
kung may problema ka sa buhay mo, baka gusto mong bumili nun.
Hanapin mo narin dun yung Icha Icha Paradise.
So, tama na. Ang haba na niyan. Tsaka ayoko nang i-elaborate
pa. Kayo nalang maghanap kung gusto niyong bumili. Madali
niyo namang makikita yun lalo na kung gusto niyo talagang
makakuha ng kopya.
Meron pa pala kaming nakitang libro. Libro na talaga, hindi
Manga. Dalawa yun eh. Mas malupfhet sa 11 Minutes. Submission
ata title nung isa. Ewan. Kung gusto niyo, hanapin niyo nalang din.
Nyaks. Talagang nag-suggest pa ko.
Ngayon ko lang nalaman na marami pala talagang libro at manga
ang mga bookstores.
` ` ` ` ` `
So. May ikukwento pa sana ako kaso nakalimutan ko na.
Sa susunod nalang. Kasi tinatamad na naman akong mag-type.
Geh. Bye.
Saturday, March 1, 2008
Malapit ng mag-March 21.
. .
