Sunday, March 2, 2008

Celestone

Tamad na tamad ako ngayon. Hindi ko alam kung anong
tawag sa kondisyon ko ngayon pero dahil sa binasa ko
ulit ang Veronika Decides to Die, iniisip ko ngayon na
meron akong mental disorder. Lintek. Ewan ko.

Tamad na tamad talaga ako ngayon. Yun bang lahat ng
gawain gusto kong gawin ng nakahiga. Malamang hindi
pwede yun. Alangan namang umakyat at bumaba ako
ng hagdanan ng nakahiga diba. Parang tanga lang.

Medyo masakit din yung ulo ko, sa may occipital part.
Wala rin akong appetite. Kaya nga ngayon lang ako
nakakain ng breakfast/tanghalian/merienda. Haiz...
Naka-schedule na atang mawalan ako ng appetite
tuwing March.

Naaalala ko na naman yang Betamethasone na yan.

So, may nabasa lang ako kanina. Dahil dito mas
nawalan ako ng appetite at parang naging suicidal
mode ako. Kung hindi man suicidal mode, gusto kong
tagain sa likod yung... basta. Siya na yun. Kung ako
sa kanya, tumalon-talon nalang siya kagaya nung
kambing sa oval kesa naman sa... hay nakup.


Tinatamad talaga ako ngayon.
May assignment pa pala sa
English.
Geh, alis na ko.
Sa susunod
nalang ulit.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer