Ang sama talaga ng pakiramdam ko. Ang bigat ng ulo ko.
Nilalamig pa ko. Pag umaakyat at bumababa ako ng hagdan,
nagchi-chill yung mga maskels ko. Tapos, yung lamig, parang
nasa loob lang ng katawan ko. Lintek. Hindi pa ko makakain
ng maayos kasi parang wala akong appetite. Pero gusto ko
na talagang kumain para at least, may energy. Nung nagising
nga ako kanina nakakainis. Hindi ka ba maiinis nun, eh kaya
ka nga natulog para kahit pano, maging ok ka... pero anong
nangyari? Mas lumala. Mas sumakit yung ulo ko.
Teka, parang nasusuka ako. Bumabalik yung mga pagkain
sa esophagus ko. Ewan... Hai nakup naman.
(Pansinin niyo lang, ang lakas pa ng loob kong mag-computer
eh nadidisaster na nga yung immune system ko. Hehe. Saya
ng buhay. Taken for granted ang health... `wag tumulad sa
akin.)
So, yung sombrero nga pala ni Toni Mae, pati yung sapatos
niyang matikas (Pony kasi. Hehe), ay nasa akin. Hehe. Dahil
sa wala nga atang pasok bukas, sa Monday ko na maisasauli
'tong mga gamit niya. *weeeeee*
` ` ` ` ` `
Bitin talaga kanina. Kasi kahit hindi ko maintindihan yung
pinapanood namin, interesado ako sa istorya. The Beautiful
Mind yung palabas at nakakatuwa kasi masyadong haytek
yung utak nung bida (sino nga pala yun?). Kung ganun lang
din ang utak ko, wala na kong problema sa numbers.
` ` ` ` ` `
Nahilo pa si Pia kanina. Namutla talaga. Napaka-careless pa
niya kanina. Hawak niya yung drinks habang naglalakad pero
hindi niya ata napansin na natatapunan na kami ng iced tea.
Natawa kami ni Nyx. Hindi dahil sa hindi kami worried sa
kanya. Natawa kami kasi, yun nga. Basta. Iba yung dating ng
pagka-careless niya. So, nag-volunteer naman ako na hawakan
muna yung drinks niya. Siya naman, sa sobrang hilo at panghihina,
dire-diretso sa clinic. Kami, sa labas lang dahil nga sa may pagkain
kami. Sabi pa ni Pia, diretso upo na raw siya dun sa loob. Wala
ng pakialam. Oo nga naman. Hilo ka na eh. Kinakaya mo lang
para `wag kang mag-collapse tapos hindi ka pa ba uupo.
Sabi nga namin sa kanya na kainin niya na muna yung burger
na binili namin kasi ang iniisip namin, gutom lang talaga yun.
Kaso hindi raw siya gutom. Siguro hindi nalang din niya napansin
yung gutom niya.
Tsaka ang isa pang nakadagdag dun ay yung init, biglang lamig,
tapos init na naman. Yung ganun ba. Sinuot pa niya yung salamin
niya kanina. Baka nabigla kasi sanay din naman ata talaga siyang
hindi suot yung salamin niya.
Actually kaya nga masakit ang ulo ko kasi sinuot ko rin yung
glasses niya kanina. Naranasan ko na 'to dati nung mga ilang
minuto kong suot yung salamin ni Toni Mae. Tanga ko kasi.
Alam ko namang dehin pwede sakin, sinuot ko pa. Haiz...
` ` ` ` ` `
Since nasa clinic nga kami, hindi namin nakita ang pagkakagulo
ng mga nag-ra-rally. Hindi namin nakita si Lozada. Pero naririnig
namin yung mga hiyawan nila.
Ang saya talaga sa PUP. Ang daming events.
` ` ` ` ` `
Dahil nga sa pasaway ako at nag-iinternet ngayon, syempre,
binuksan ko ang aking dakilang prenster.
Hindi talaga ako naniniwala sa mga horoscope pero natutuwa
ako sa binibigay na horoscope ng friendster kasi laging swak
sa mga nangyayari sa akin, at madalas, kung ano ang
nakalagay dun, yun nga ang nangyayari.
So, ito ang sabi ng horoscope ko sa ngayon:
The Bottom Line:
Adding more romance to your life does not require the
presence of another person.
In Detail:
You should start working on the idea of romance today
-- if you're missing romance in your life right now, add some!
Another person is not necessary to achieve this, you know.
You can romance yourself! Take yourself out, treat yourself
to a spa day, or buy yourself flowers. If you have someone in
your life, be sure to do what you can to make them feel
special. Let them know how much they mean to you
-- after all, they can't read your mind!
So... anong ibig sabihin niyan? Anong "they can't read your
mind!" ang sinasabi ng lintek na horoscope? At take note ah,
special someone daw yung lintek na yun. Hai nakup. Patawa rin
'to eh 'no. Gusto atang masapak. Nang-aasar. Sakit na nga
ng ulo ko, sama na ng pakiramdam ko, ganyan pa.
So, may conference ngayon. At pinipigilan kong masuka.
So, alis na muna ako.
Wala nga palang pasok bukas. Magdiriwang tayo.
Walang music. Hehe. Geh. Til neks taym mga Par`.
Thursday, February 28, 2008
sakit ng ulo ko, ang bigat ng pakiramdam ko, nilalamig, giniginaw, nanghihina. @#$! talaga.
. .
