*Currently playing Hinahanap-hanap Kita ~ Rivermaya.
So, magbabakasyon na. Ilang bukas pa ba bago tayo ay magkita?
Ako'y naiinip na. Bawat oras binibilang, sabik na masilayan ka.
Nyaks. Nauwi sa Sembreak.*
Hindi pa sana ako magpo-post ng bagong entry ngayon kaso kasi
may mga bagay na nangyari at nangyayari na nakatutuwa at...
yun na 'yon.
Binasa ko nga pala yung entry ko kahapon at aking nakita ang
mga nakasusulasok na typo. Nyaks. Parang lasing yung nag-type.
Naasar ako kasi emosyonal ang entry ko kahapon tapos puro typo.
So, pagpasensyahan niyo nalang ang mga langyang typo.
Spokening of pag-ta-type, nami-miss ko na yung typewriter ko sa
Keyboarding. Yung 0-center na typewriter na elite na sira yung
backspace. Yung nasa pinakalikod at dulo... haiz. Pati yung libro
na #16. Nakalulungkot. Miss ko na rin ang Speed Test at ang NWAM
ko na laging 100 *yabang mode*. Pagbigyan niyo na kong magyabang.
Nung 1st, last part ng 3rd, at nung 4th grading lang naman 'yon
nangyari. Tsaka si Kier (Beware, beware, walk with Kier. Hehe.) parin
naman ang hari ng Speed Test.
Hemingway, yun na nga. Medyo nakatutuwa ang mga nangyayari ngayon
at ako nama'y handang magkwento at mag-type tungkol sa mga bagay
na ito.
Pero simulan natin sa Kahapon.
@#$!@#$!@#$!@#$!@#$!
Kahapon slash Kagabi.
Na-kwento ko narin kay Leo yung dapat kong i-kwento. Tungkol lang
naman ito sa isang nilalang na... ewan. Nakakairita. Nakasusulasok.
May sinabi ang nilalang na ito sa akin na napaka-negative ang dating
para sakin. Hindi ko ito kinatuwa at ni hindi ako nakaramdam ng flattery.
Ang mga salitang kanyang binitawan ay sagrado at napakababaw para
sabihin sa isang tao na... na... na gwapong katulad ko. Nyaks. Anong
konek. Basta. Kung ano man ang rason niya, mababaw pa ito sa kanal
namin diyan sa labas at sa kanal sa kanto ng C. Leyva (Duh... wala
namang kanal sa kanto ng C. Leyva eh). Pakiramdam ko pa nga nawalan
ako ng dignidad sa mga sinabi niyang 'yon. Ang bigat pero totoo. Hindi
ko alam kung bakit pero ganon talaga ang dating sakin. Wala akong
pakialam kung totoo yun o hindi, pero negative talaga.
Dehins ko siya hinuhusgahan pero siguro, kaya ako nasulasok sa sinabi
niya ay dahil... sige, gagawa nalang ako ng excuse. Baka sabihin niyong
inatake na naman ako ng pagiging pintasera ko. Ihahalintulad ko nalang
ito sa kung ano man ang rason ni Elizabeth sa pagtanggi niya kay
Mr. Collins.
Gusto ko sanang sabihin sa nilalang na 'yon na: Par`, hindi ka ba nagtataka
kung bakit wala kang matinong trabaho ngayon? Hindi ka ba nagtataka kung
bakit mas gwapo pa ko sa'yo? Oo. Maging lalaki man ako, mas gwapo ako
sa'yo. Ingat ka sa mga sinasabi mo kasi... alam mo yun. Ang babaw eh. Ang
babaw talaga. Hindi ko sinasabing wala kang pangarap sa buhay mo pero pag
pasensyahan mo nalang ako kasi bumababa ang tingin ko sa mga taong
katulad mo. Hindi dahil sa katayuan mo sa buhay, naging mababa lang naman
ang tingin ko sayo ng dahil sa mga sinabi mo. Alam mo ba 'yon? Ha? Hindi mo
pa alam? Eh kakasabi ko lang diba? Ano ka ba? Mababaw ka na nga, angats
ka pang ewan ka. Anong gusto mo, sapak? Huwag dito, doon tayo sa kanto.
Hala. Inatake na naman ako ng kakaibang amats.
Lumalabas ang aking 2nd alter ego. Pasensya.
Sige. Mas maayos nalang na version. Siguro, kapag sinabi niya ulit 'yon,
ito nalang ang sasabihin ko sa kanya:
Be careful what you do,
Or Mumbo-Jumbo, God of the Congo,
And all of the other
Gods of the Congo,
Mumbo-Jumbo will hoo-doo you,
Mumbo-Jumbo will hoo-doo you,
Mumbo-Jumbo will hoo-doo you,
Mumbo-Jumbo will hoo-doo you.
Huwag nalang 'yan. Baka ma-involve si Leo eh. *toinks*
So, huwag na nating pag-usapan. Na-a-abnormal na naman kasi ako.
Bigla akong natawa. Hindi ko alam kung bakit. Ituloy natin ang mga
pangyayari kagabi.
Nagblo-bloghopping lang ako kagabi. Dahil sa walang magawa, nagbabasa
lang ako ng mga posts at entry ng iba. Aking nalaman na marami pa palang
tao ang iniisip ang kapakanan ng iba, at mga taong may pakialam pa sa iba.
Nakapunta ako sa blog ng isang wordpress-er. Binasa ko ang mga entries
niya at kahit siya ay isang babaeng may malakas na amats sa araw-araw,
may sense ang mga pinagsasasabi niya. Kahit madalas ang pagmumura niya
at maloko ang dating ng mga entries niya, may sense ito. Hindi kagaya ng
iba na basta makapag-post lang ng bagong entry (parang ako lang ata 'to).
Hindi siya kagaya ng iba na walang patutunguhan ang mga kwento.
Random din siya katulad ko. Pero kahit gano ka-random ang mga kwento,
masusundan mo at makaka-relate ka. Tsaka may pakialam siya sa mga
babasa ng entries niya. Parang ako (weh?). I mean, in a way na, kaya nga
laging mahaba ang entry ko kasi kinukwento ko yung mga detalye. Hindi
yung basta ini-entra ko kaagad yung hot topic of the day. Syempre dapat
may buwelo muna para maka-relate kayo. Hindi naman kasi lahat ng taong
babasa ng mga posts sa isang blog ay alam ang mga nangyayari sa'yo.
Hindi lahat klasemeyt, iskulmeyt, o nakasabay sa jeep. Kung ano man ang
gusto mong sabihin, dapat para sa masa. Ok. Dahil diyan, iboto niyo ako as
SCO 3rdyr rep. Haha. Echos lang mga Par`. Kahit sa bangungot hindi ko
pinangarap na tumakbo diyan. Hanggang pagiging supporter lang ako at
electorate.
Teka. Spokening of pagboto, SCO blahs, at et cetera...
Nangyari ito noong nakaraang Sabado, habang kaming magkaka-grupo
ay nagkakape at pandesal tungkol sa gagawin namin sa PE.
Yari Ka!: Totoo, tumakbo ako. Puwersahan nga lang. Pero kapag nakita niyo
ako sa balota niyo, huwag niyo akong iboboto.
Kami: Ganun...
Ang nasa isip ng iba kong ka-grupo: Ano ulit? Kapag nakita ka namin sa
balota? Paano yun?
(Kung nabasa mo ang entry ko kahapon, kilala mo na kung sino si Yari Ka!)
Seryoso ang meeting noong Sabado. Ako, naintindihan ko naman kung ano
ang sinabi ni Yari Ka! pero dahil sa aking mga ka-grupo na nakapuna nito,
naging hot topic ito tuwing meeting at praktis namin. Hindi ko alam kung
piloto ang dating pero kapag bored na, yan lang ang pinagkakatuwaan namin.
Ang sama pero natatawa talaga kami sa kalokohang 'yan.
Ang dating kasi sa kanila, makikita namin si Yari Ka! sa balota at hindi ang
pangalan niya. Dahil sa malawak ang imahinasyon ng kabataan ngayon, may
hirit si Ashley.
Alam niyo yung sa Bitoy? Yung unano na laging nanggugulat tapos sasabihin
niya, YARI KA! Malay natin, yun pala yung sinasabi ni <1^^83&_+ ... Isipin
niyo yun. Pagkabukas mo ng balota biglang sasabihin sa'yo, YARI KA!
Natawa naman kami sa hirit niya. Tsaka kasi, ang ganda ng pagkaka-
deliver. Tsaka medyo mali nga yung sinabi ni Yari Ka!. Kasi diba, isusulat
ang pangalan ng gusto mong i-boto dun sa papel. So, wala kang makikitang
pangalan dun. Sa pagkakatanda ko kasi, parang ganito ang format:
President:_______________
Vice President:_______________
Secretary:_______________
blah-blahs:_______________
Year Representatives:
_______________
_______________
_______________
Tapos nakasulat sa board yung mga pangalan. So, medyo mali nga. Ewan.
Sa ngayon, laughtrip sa amin ang `Yari Ka!` hindi dahil sa sinabi ni Yari Ka!
(Haha. Parang ang gulo) kundi sa kung paano ito i-deliver o banggitin at kung
paano nga ba nagsimula ang laughtrip na 'yan. Haiz... Syempre, isa 'yan sa
mga huling alaala at huling pangtri-trip namin ngayong iskul yir at bilang
miyembro ng Royale Loyalty.
Nakaka-miss talaga ang mga klasmeyts. Hindi ko maiwasang tumingin sa oras
at isiping, Dapat Social namin ngayon eh or Dapat uwian na namin sa mga
ganitong oras. Ang hirap talaga kapag nakuntento ka na sa mga bagay na
hindi naman permanente.
Sige na nga. Tama na yang mga blah-blahng emosyonal.
Tuloy na natin ang pagkukwento at pagbabasa.
@#$!@#$!@#$!@#$!@#$!
Ngayon.
Nagising ako ng mga 9:30am at naisip kong, English na namin ng mga
ganitong oras. Pero dahil sa mabait akong bata, nakatulog ulit ako sa
may upuan. Nagising ako makalipas ang dalawang oras. Pagkatapos ng
mga 5 segundo mula sa aking pagkakamulat, bigla akong nakarinig ng
malakas na tunog na instrumental at nakita ko ang aking itay na gusto
atang manood (binuksan niya kasi yung TV at DVD player). Maya-maya,
nakita ko ang Il Divo.
Napanood na namin dati 'yon pero trip lang ata ng tatay ko na panoorin
ulit yung concert ng Il Divo. Ako naman, una kong hinanap yung pinaka-
matikas sa kanila (para sa akin). Nung una, hindi ko maalala kung siya
yung French pero siya nga - si Sébastien (Astigin sa pangalan. Dagdag
'yan sa listahan ko ng Future Babies' Name). Hemingway, mangangarap
pa sana ako kaso under siya sa taong 1973. Haha. Itay ko na siya. Hehe.
Nakakatuwa. Akala ko talaga nung una mga 20+ palang. Langya, mala-Ely
Buendia rin pala 'tong nilalang na ito, may youthful beauty. Hehe.
Ang ganda ng mata niya. Parang malalim na ewan. Pati yung expression
kapag kumakanta. Parang si Jayson, nakakadala. Tapos oks yung boses
(malamang, magiging member ba ng Il Divo yan kung hindi). Talentado
rin pala sa instruments. Natuwa ako nung naggitara siya. *Wooshoong*
Nubayan. Sinabi ko ng hindi na ko mangangarap eh.
So, ititigil ko na ang because I'm lost in his eyes (nyak, kornik). Focus
tayo sa buong grupo.
Dati natatawa si Cabangs sakin kapag ginagaya ko yung pagkakakanta
nila ng Unbreak My Heart. Well, nakakatuwa naman talaga eh. I mean,
nakakatuwa naman talaga ako *laughs*. Pero kung seryoso kang makikinig
sa kanila, maganda ang rendition nila. Mapapagaya ka talaga.
Trip ko rin yung I Believe in You, yung kasama nila si Celine Dion. Parang
OST ata yun dati ng isang asianovela sa Dos. Yung parang Eternity ang
dating. Kyut yung babae dun eh (pero mas kyut ako), at matikas yung
bangs ng lalaki. Basta. Yun na 'yon. Hemingway, yun nga. Nakakatuwa
yung kanta na 'yon. Parang ano kasi... wala lang. Search niyo nalang
para mapakinggan niyo. Pati narin yung rylics. Oo, yung RyLics.
(Kay Meng ko ata nabasa yang rylics na yan).
Kaka-search ko lang. Eternal Love pala title nung Taiwanese novela
na yun. Malapit na pala sa Eternity, hindi ko pa naalala. Toinks.
Ganda ng boses ni Celine. Ang taas. Takot pa naman ako sa heights.
Konek?
Natapos ang concert ng Il Divo at natapos na ang pag-focus ko kay
Séb (Naks. Close kami. Nakiki-Séb ako). Since DVD 'yon, hindi lang
Il Divo ang nandun. May ABBA, Andrea Bocelli, at parang documentary
tungkol sa mga legendary rockers in the past 20-30 yrs. Yun ang
sinunod ni Itay (trip din pala ni papa ang headbanging).
Sa panonood ng dokyu na ito, aking nalaman na mas gwapo at mas
matikas ang mga musikero noon. Kaso long hair sila. Pero siguro kasi,
dahil nasa banda nga, mas matikas siguro kapag ganon.
Marami akong nakitang mga banda na ngayon ko lang nalaman na
nag-exist pala. Akin ding nakita na si Gene Simmons ay halos walang
pinagbago sa noon at ngayon. Kasi, kung nakakapanood kayo sa
Channel [V] ng Gene Simmons - Family Jewel (tama ba?), makikita niyo
na maganda ang bahay nila. Haha. Anong konek na naman. Basta.
Ganun. Akin ding nalaman na siya ang bassist ng Kiss. Akala ko kasi nung
una gitarista siya.
At kahit nakita ko na ang imahe ni Jon Bon Jovi nung mas bata pa siya,
ang aking nakita kanina ay hindi ko inaasahan. Mas matikas siya. Langya.
Isa pa 'tong nilalang na 'to. May youthful beauty rin. Nang makita ko
naman ang Extreme, una kong naisip si Shawn Michaels. Haha. Ang ewan.
Ang intro kasi sa kanila ay yung mv ng More Than Words. So, na-i-imagine
ko naman si Shawn Michaels. Haha. Nubayan. Geh na nga, tigil na ko.
Marami pa kong nakita eh. Si Ozzy Osbourne (sp?) at Lita Ford, yung
Nelson (ang ganda nila, este ang gwapo pala), White Lion, etc. Basta,
marami pa sila eh. So, nakatutuwa naman.
@#$!@#$!@#$!@#$!@#$!
Mga 6:30pm tumigil na kaming manood ng DVD at balik na sa normal
settings ang TV. Wala masyadong mapanood kasi Semana Santa na
nga. Puro cable channels lang kami ngayon. Pero ako, puro naman
PC. Plano ko sanang mag-movie marathon kaso hindi na nga pwede
dahil sa nanonood si Itay ngayon. Kung dun naman ako sa kwarto,
ilalagay ko pa dun yung DVD player. Nakatatamad. Pwede naman
dito sa PC kaso, pangit ang location ng PC. Mas maganda manood
ng solo. Kaya computer nalang muna at sound trip.
Dinownload ko yung YM Beta 9.0. Hindi ko alam kung matutuwa ako
o hindi.![]()
Oks na sana eh. Kaso mas maganda ata kung white nalang 'yan.
Hindi gray. Para malinis tignan. Nyaks. O baka mali lang ang pag
kaka-download ko.
(Ang pangit talaga kapag Paint lang. Ang ewan ng dating ng mga pics
na bitmap tapos gagawing jpeg. Hindi smooth ang dating.
Parang ganyan lang ^).
@#$!@#$!@#$!@#$!@#$!
Ngayon ko lang napansin na marami pala akong librong dapat tapusin
nang basahin. Nandito ang Like The Flowing River at Fifth Mountain
ni Emphi, ang makapal na Next ni Araceli, at yung isang libro pa dito.
Gudlak naman kay Emphi, nasa kanya pa yung Eleven Minutes ko.
Mga 3 months lang naman na nasa kanya 'yon. Magbabakasyon na.
Kung hindi niya maibalik, kanya na 'yon. Basta sa akin yung dalawa
pa niyang libro *evil laughs* (245 plus 255 din yun). Actually kaya
ako nag-iipon ay para makabili ng bagong Fifth Mountain para sa
kanya kaso parang wala nang balikan ng libro so, oks lang. Hehe.
Kalokohan.
Spokening of mga libro. May nabasa ako sa Next na kinatuwa ko
(well, lagi naman akong natutuwa sa mga libro).Yung nasa p.455-
Liposuction News: Prime Minister's Fat Sells for $18, 000.
Ginawa kasing sabon yung fats. Yakness. Isipin niyo yun. Haha.
Hindi lang 'yan ang kinatuwa ko. Actually yung buong article. Kasi
ano eh... basahin niyo nalang. Nakakatamad nang magkwento.
@#$!@#$!@#$!@#$!@#$!
So, medyo mahaba na naman 'to.
Tatlong oras na kong nagta-type.
Geh. Sa susunod nalang ulit.
Thursday, March 20, 2008
"Hemingway"
. .
