Wala pa ring DSL. Desidido na talaga ang aking itay na patanggal
ang langyang dsl na 'to. Wala rin naman kasing kwenta ang ser-
bisyo eh. Pero yung mga panahon na wala kang napapakinabangan
ay babayaran mo parin. Parang ewan lang.
Ako, hindi naman ako ganun ka-badtrip sa PLDT (hindi naman halata
sa entry ko kahapon. Haha). I mean, oo, naiinis ako kasi hassle talaga
dahil kailangan eh. Pero hindi naman ako masyadong nagsasalita ng
kung ano pa man sa kanila (except sa langya at hassle nga sila). Pero
dehins ko narin masisisi ang ibang tao na talagang namumura na sila.
Pera at oras kasi yung nasasayang.
Hemingway, halos kakauwi ko lang. Wala rin namang ginawa sa iskul
ngayon kundi makinig sa mga may sense at walang sense na pinagsa-
sabi ng mga tumatakbo para sa SCO. Pagkatapos nun, tambay nalang
kami. Wala ring ginawa. Mga apat na oras kaming nakatunganga. Ako
hindi pa ko nagpa-pirma para sa clearance namin. Tinamad kasi ako
eh. Tsaka si Pia lang ang kasama ko. Parang nangaasar naman ang
dating ko nun. Nawala kasi yung Registration Card niya (na kailangan
talaga para sa clearance). So, if ever, ako nagpapapirma, siya wala lang.
Basta. Ganun. Tapos ang sakit pa ng ulo ko, o parang inaantok lang ako.
Siguro nga. Pero ayokong matulog eh. Nyaks.
Geh. Tapusin kong i-download ang manga
episodes ng Kare Kano. Ok. Sa susunod
nalang ako magkukwento ng medyo may
sense kapag oks na ang connection.
Pero baka matagalan pa yun kasi ipapatanggal
na nga ni Papa yung sa PLDT. So mag-i-inquire
kami sa iba.
Pero hindi rin. Siguro kapag nakapag-internet ako
sa comshop, mag-u-update ako ng matinong post.
Geh.
*nagpapatugtog ng Narda ang kapitbahay namin
pero ang rume-register na lyrics sa utak ko ay yung
sa Director's Cut. Abnormal.*
Monday, March 24, 2008
basta't tuluy-tuloy, init ng 'yong apoy...
. .
