Sunday, March 23, 2008

Langya.

Hindi ko pa napapanood yung My Sassy Girl.

Hindi ko pa tapos yung Kare Kano,
at ngayon ko palang 'to dino-download.

...at naka-dial up lang ako ngayon.

Langyang PLDT DSL 'yan. Kahit kelan walang tatalo
sa kanila sa pagbibigay ng hassle sa buhay ng mga
mamayang umaasa sa walang kwenta nilang serbisyo.
Hindi ba sila nagtataka kung bakit maraming tumatawag
sa 171, at nagrereklamo kung bakit hindi sila makagamit
ng internet ng maayos? Hindi ba sila nagtataka kung
bakit marami nang lumilipat sa Globe, Bayantel, at
Smart Bro? Langya naman kasi eh.

Yung tatay ko matagal na talaga niyang planong
ipa-terminate 'tong walang kwentang PLDT DSL
na 'to. Ako lang ang di pumapayag kasi mahabang
proseso rin kapag magpapakabit ng bago. Pero
ngayon, kung lagi rin namang ganito eh palitan
nalang. Langya talaga.

Ok. Tapusin na natin 'yan.
Baka bigla akong ipa-
assassinate ng call center
agent na nakausap ko kanina.

(Well, wala namang nangyaring
mala-youtube na dramahan.
Yung "PLDT Murahan", wala
namang ganon.)


@#$!@#$!@#$!@#$!@#$!@#$!

Aking napapansin na dumarami na naman ang mga
asianobelang inimport mula sa Taiwan.

Aking nalaman na yung Hana Kimi (sa Dos) na sinasabi nila
ay yung napapanood ko dati sa isang Taiwanese channel
tuwing madaling araw. Kung hindi yun CTS, CTV ang channel
na 'yon.

Pati yung Devil Beside Me (sa seven), napapanood ko na yun
dati sa... hindi rin ako sigurado kung sa CTS o CTV.

Spokening of Hana Kimi, may Hana Kimi rin pala sa GMA.
Pero inimport sa Japan. Nandun si Oguri Shun kaya manonood
ako (nyaks). Ewan. Bahala na.

Sana ipalabas narin ang Deathnote at NANA. Meron ang
CTV, i-import narin nila. Haiz...

As if naman pwede ang NANA dito sa Pinas.

Geh. Geh. Geh.
Inaatake na naman ako ng
glaucoma eh. Sa susunod nalang.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer