Sunday, March 30, 2008

Haha.

Tagal ko na palang walang bagong post. Nakakatamad kasing
gumamit ng computer 'pag naka-dial-up eh. Sa ngayon kasi,
wala kaming DSL. Pinatanggal na talaga, then magpapakabit
ng bago. Globe ata. Ewan ko lang.

Hindi ko parin tapos yung Kare Kano. Nasa kalahati palang ako
ng Chapter 14 at Chapter 15. Ang bagal kasi mag-load ng bawat
page. 4 na minuto samantalang sa DSL eh wala pang 10 segundo
'yon.

Sows. Pano ba hindi magiging mabagal eh 28.8kbps ba naman
ang speed ng connection mo (kung "speed" pa nga bang matatawag
'yan).

@#$!@#$!@#$!@#$!@#$!@#$!

Last Week.
Nagsimula akong manood ng PBB Teen Plus. Nakakatuwa naman sila kaso puro mukha. I mean, puro istura. Wala pa masyadong pinapakitang talent at knowledge. Siguro kasi first week palang at marami pang mangyayari. So, kailangan nating mag-abang. Sana nga lang deserve talaga nila yung pagpasok sa loob. Kasi parang mas masaya pa yung naunang batch/edition kesa sa ngayon. Masaya in a way na may sense sila.

Ok. Tama na. Baka masabi ko lahat eh baka sabihin niyo pang pintasera na naman ako.

So, last week din ang botohan para sa SCO. Nalaman narin ang mga nanalo at anim sa mga binoto ko ang pasok. Wells, congrats kay Toni Meng at kahit wala siya sa araw ng kampanya ay nanalo parin siya bilang isang 3rd yr rep. Congrats din kay Vice (naks). Ahoo-ahoo for Larah.

Nagsimula naman ang pirmahan ng clearance noong Wednesday. Kamalasan kasi sumakto pa na nagkasakit ako. Lumala yung sakit ko dahil sa lamig ng aircon sa Bulwagan. Doon kasi ang venue ng recognition blah-blahs. Napamura na naman ako ng mga panahon na 'yon.

Basta. Ang hirap ng sitwasyon ko ng mga panahon na 'yon. Magkakasama kaming tatlo (ako, pia, nyx) pero gudlak naman, ako ang pinakamalapit ng mamatay samin. Simpleng ihip ng hangin nga lang eh gusto ko ng magtago sa ilalim ng sampung comforter, aircon pa kaya. After nung program, nagsimula narin kaming magpapirma.

May gusto pa sana akong ilagay na nangyari kaso baka mabadtrip lang ako. Tsaka nasabi ko na yung tungkol don kay Pia.

Kinabukasan, Thursday, tuloy ang pirmahan ng clearance at buti natapos ko. Kaso yung sakit ko hindi pa tapos. Actually hanggang ngayon hindi parin. Pero oks lang. Nakakahinga pa naman ako. So, yun nga. Nang matapos ko ang pagpapapirma ng clearance, syempre medyo petiks na ko. Nung bandang hapon, nag-CR ako.Pagkalabas ko, nakasalubong ko si FA at inamin niya saking member siya ng federation. Haha. Loko lang. Pero sana nga mangyari 'yon. Eniweys, kaya ko lang nabanggit ngayon ay dahil sa bagong hairstyle niya. Ewan ko kung nag-hallucinate lang ako last Thursday, o kung naduling lang ako, o kung totoo ba talaga ang nakita ko. Hindi talaga ako sigurado kasi near-sighted po ako at hindi ko siya masyadong tinignan dahil tinatamad na kong tignan siya at naka-focus ang utak ko nung mga panahong 'yon sa sakit ng ulo at katawan na dinaranas ko. Hemingway, yoon nga. Bago ang hairstyle ng lintek. Gusto ko lang sabihin na sana lagi siyang nagpapagupit para kahit every month lang eh magmukha naman siyang normal na tao at hindi mukhang sunog-baga sa kanto.

Nung araw din na 'yon ay nagkaroon ng sulatang dedication. Kadramahan at kakornihan kaso kasi yun ang trip ni Meng at Pia kaya nagsulat nalang din ako para sa kanila. Mas sineryoso ko lang ng konti yung kay Pia kasi nga magtra-transfer na siya diba. So... hehe. Ayoko nang i-elaborate pa dahil baka masapak ako ni Pia 'pag nilagay ko dito ang paunang bati ko sa kanya dun sa sulat.

After ng sulatan, pumunta na kami sa oval. So, dating gawi, tumambay kami don at nagkwentuhan, at nangtrip ng kambing, at nangtrip sa isa't isa. Bago kami nun umuwi, nagkaroon ng lip reading kalokohan. Si Leo ang pasimuno at huhulaan namin ang mga pinagsasasabi niya. Laughtrip kasi ang lalayo ng mga hula namin sa sinasabi niya. Minsan naman, unang beses palang nahuhulaan na namin. Natawa lang kami dun sa ano... teka, pano ko ba sasabihin 'to. Haha. Natatawa kasi ulit ako eh. Ganito kasi 'yon, isang pangalan ang pinahulaan ni Leo at ang hula ni Pia...

Leo: \1<<1>@71&*<
Pia: Akala ko kilikili macho.

Haha. Laughtrip 'tong babaeng 'to. Patawa talaga. Well. Kaya naman ako mas natawa kasi ano. Yun na 'yon. Dinedemonyo na naman ako. Nubayan. Haha. Basta. Kung kilala niyo lang kung sino ang pinahulaan ni Leo, malalaman niyo na ang dahilan kung bakit tuwang-tuwa ako na ang pangalan niya ay napagkamalang kilikili macho.

Mga 6pm, umuwi narin kami. Syempre, dahil parehong Cubao na jeep ang sasakyan, sabay kami ni Leo. Unang pasahero kami at sa jeep na nasakyan namin medyo hiphop ang trip. Oks lang. Wala kaming pakialam. Maya-maya, may sumakay na dalawang lalaki. Yung isa, sa kabilang side umupo (sa side ni Leo. Actually medyo magkatabi sila)
then yung isa tumabi sakin, este sa side ko naman umupo (Haha. Feelingera). Pero actually magkatabi rin talaga kami. Nakita ko lang yung naka-print sa shirt niya at natuwa ako. Hindi ko alam kung bakit. Ito lang naman 'yon: College of Computer Management and Information Technology. Hindi ko talaga alam kung bakit ako natuwa. Siguro dahil narin sa abnormal ako. Siguro ganun nga.

Dumami ang pasahero at maya-maya, may mga sumakay na mga kalbong nilalang with all those baggy clothes and blings. Kaya rin siguro dun sumakay sa jeep na 'yon dahil sa puro mala-Crank That ang mga kanta. Ako naman, hindi ko narin pinansin at sabay tingin nalang sa labas, as usual, at nag-iisip ng malalim. Dumarami parin ang pasahero at unti-unting sumisikip. Yung katabi ko naman eh karir na karir ang pagsiksik sakin. Pero oks lang. Karir na karir ko rin naman eh. Haha. Pero hindi masyadong heaven dahil kahit may itsura ang katabi ko, at kahit natuwa ako sa shirt niya, may iba parin akong gustong katabi na kahit kelan eh hindi ko na nakatabi ulit. Ang nilalang na 'yon ang best pasaherong naka- tabi ko ever in may layp. Parang 15 minutes with Jayson Fernandez ang sitwasyon ko nun sa jeep. Eniweys, yun nga. Diretso ang byahe at karir parin ng katabi ko at ako ang sitwasyon. Masyado na kasi akong na-bu-bump(ano tagalog nito?) na if I know sinasadya niya (Haha.Feelingera talaga). Pasalamat siya at natuwa ako sa shirt niya. Maya-maya rin ay nagbayad na ko at feeling ko, ako palang ang nagbabayad nung mga pana hon na 'yon. Then, dumating na sa aking destinasyon, kailangan ko ng bumaba.

Pagkarating ko ng bahay naandun si Wilsea, pinsan ko. Hindi lang ako makapaniwala na pumunta pa siya dito sa bahay para lang sa Friendster. Oo. Para lang dun. Well, lagi naman. Nagpapatulong kasi siya sa account niya. Kaso, nung mga panahon pa namang 'yon ay gusto kong mahiga, kumain, magpahangin, humilata, manood, mag-relak, at magpahinga dahil narin sa hindi parin maganda ang pakiramdam ko. Sinisipon ako, may ubo, ay antok na antok. Pero dahil sa mabait ako, geh, naging mabait ako ng konti at tinapos ko ang trabahong dapat gawin- Ang i-edit ang Friendster niya. Ang totoo, dinedemonyo narin ako ng mga panahon na 'yon. Nasa utak ko na, Lintek. Papalitan mo lang naman ang e-mail tsaka password mo ah, hindi mo magawa? Sows. Nag-friendster ka pa. Leche. Ang dami talagang tanga ngayon. Pero dahil sa kahit pano ay nasa katinuan pa ko, lahat ng kademonyohan ay nasa utak ko lang. Pinapa- litan din niya ang background niya. At ang background niyang 'yon ay pina-edit pa niya sakin. Nagpagawa pa siya ng comment na gif pic. Haiz. Eh sa bagal ng connection eh nakakatamad mag-upload ng picture sa photobucket. Sa dami ng pinagawa niya sakin, at sa bagal mag-load ng internet, inabot siya ng 8:30 dito samin. At habang siya'y nakatulala sa monitor, ako'y dakilang naggigitara, naghihintay ng himala. Wells, natapos ko
naman. At yun nga, umuwi narin siya ng bandang 8:30pm.

Pagkauwi ni Wilsea, syempre nag-celebrate naman ako dahil makakapagpahinga na ko at makakakain dahil tom jones na tom jones na talaga ako. At kung ano pa man ang sumunod na nangyari, hindi ko na maalala.

@#$!@#$!@#$!@#$!@#$!@#$!

Sa ngayon...
Ang alam ko lang ay napapadalas ang panonood ko ng ETC shows. Napapadalas ang panonood ko ng Gossip Girl, Tyra Banks Show, Project Runway, Dirty Dancing, at... at... nakalimutan ko yung isa. Napapadalas din ang panonood ko sa HBO at wala akong ibang mapanood kundi Music & Lyrics. Natawa ako dun sa mala-Indian version ng intro ni Cora. Yung hot and steamy raw. Haha. Wala lang.

Sa ngayon lang talaga, hindi ko alam kung ma-bo-bore ako o matutuwa. Wala kasing magawa dito sa bahay at boring nang mag-internet. Hindi rin ako makapanood ng DVD. Gustuhin ko mang umalis eh wala naman akong kasama. Tinatamad yung tatay ko eh. Siya lang naman kasi yung nakakasama ko sa lakaran. Gusto ko mang mag-lakwatsa, wala akong mako-kontak na klasmeyt. Haiz. Gusto ko na talagang magpunta ng Hong Kong. Gusto ko ulit bumalik sa
Hard Rock. Tapos kasama sila Pia, Meng, Nyx, at Leo. Since kumpleto kami, we will praise the band. Or the guitars hanging up there. Or yung mga mannequin, or yung San Mig beer. Langya. Sayang experience nun. Kung pwede lang talaga. Mga lintsak kasi eh. Magpagawa na kayo ng passport niyo. Hindi na kasi kailangan ng Visa sa Hong Kong eh. Pwede kayong mag-stay dun for 2 weeks ng walang Visa. O diba, ang gastos niyo lang eh plane ticket. Kaso, yun nga. Mahal parin. Tapos pag kumain tayo sa Outback Steakhouse syempre kayo magbabayad ng kakainin niyo. Eh medyo mahal dun eh. Haiz. As if mangyayari. Sana nga mangyari. Kasi masaya talaga dun eh. Tsaka saya mang-trip ng intsik. Mura-murahin mo man oks lang. Hindi ka naman maiintindihan eh. Pero masyado namang masama 'yon. Siguro pintasan mo nalang. Sabihin mo, "Ang baho niyo. Alam niyo naman sigurong nag-eexist ang deodorant sa mundo diba?" Well. Haha. Kung ayaw mo niyan, sabihin mo nalang, "WOOO!!! LAKAS!!!" Haha. Sama ko. Totoo namam kasi. Kakain ka sa mamahaling restaurant (hindi lang sa OutbackSteakhouse) tapos ang mag-se-serve ng pagkain may kakaibang spices na nakatanim sa sarili niya. Ewan.

@#$!@#$!@#$!@#$!@#$!@#$!


So. Medyo mahaba na 'to. Sa susunod nalang ulit.
Tsaka magblo-bloghop pa ko eh. Tapos may ka-
chat pa ko. Tapos ano... kakain pa. Tapos... basta.
Geh.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer