Wednesday, March 12, 2008

Kung alangan sa tukso ng ulan, hindi mapapawi ang init ng labi sa bawat hakbang

Tapos na ang NAT.

Ang sakit sa ulo na NAT.

Madali lang naman eh... madaling manghula.

Nyaks.


>>>
8:30am kami nagsimula.
May nakalaang isang oras
sa bawat subject.


Nakakatuwa yung sa Filipino. Ang drama nung mga selection,
lalo na yung unang-una. Parang emo na suicidal na pinagkaitan
ng tadhana. Meron ding tungkol sa mga pelikula ni Sharon at sa
mga Pinay na tumatangkilik dito. Yung sinabi sa selection ay
kagaya rin ng sinabi ni... ni Sir Jun ata yun- na kaya martir ang

mga Pinay at laging api, dahil narin sa mga pinapanood nila, dahil
sa istorya ng mga 'to.

Bukod sa tadtad ng teksto ang Filipino, ang lalalim pa ng mga
salitang ginamit. Malalim pa sa combined force ng Marianas Trench
at ng kanal sa amin, buti nasagutan ko naman yung mga tanong nang
maayos. Sana nga.

Pangalawa yung Math. Medyo kinarir ko ang pagso-solve sa simula.
Naisip ko kasing mahaba pa ang oras. May 50mins pang natitira.
Nasa kalagitnaan na ko nang biglang sinabi ni Sir Torres (sp?) na
dapat 11am tapos na kami sa first part nung test (fil-mat-eng).

Goodluck naman talaga, 10am na nung nasa kalagitnaan palang ako
ng Math (mga #27, ganun). Eh 60 items yun. Syempre puro compu-
tations yun... kulang talaga sa oras. Akala ata ni Sir nagsimula kami
ng 8am. Nyaks.

So, naisip ko na madali lang naman ang English *yabang* kaya
tatapusin ko ang Math hanggang 10:30 at yung natitirang 30mins
ay nakalaan na sa English.

Inabot ako ng 10:35 sa Math pero dire-diretso na ko sa English.
Oks naman ang English. Hindi madali, hindi rin mahirap. Common
sense lang yung ibang tanong, then yung iba kailangan talagang pag-
isipan.


Natapos ko ang test 3 minutes bago mag-11am. Lumabas ako ng room
at tinignan kung sino ang makakasabay ko sa break(30mins). Nakita
ko si Pia, then si Leo. Hindi namin nakasabay si Nyx.

Diretso kami sa North Wing, donut lang ang kinain namin. Gusto sana
naming mag-heavy meal kaso bitin ang oras sa break. After nun, bumalik
na ko sa room. Mejo marami narin ang nandun na at nagsasagot ng 2nd
part ng test (Science-Araling Panlipunan).


Puro meiosis at mitosis yung sa Bio. Yun pa naman yung topic na,
siguro para sa mga nakikinig ay madali, pero para sakin na tulala
sa mga panahong dini-discuss yun, wala akong magawa kundi alalahanin
ang mga tinuro sa amin na lumabas lang din sa kabilang tenga ko. Ang
saya manghula. Sa sobrang saya eh inis na inis ako dahil ang sakit sa ulo
ng mga sago na kailangan i-shade. May mga tanong din na tungkol sa
autotrophs, heterotrophs. Karamihan pa naman ng tungkol dun hinangin
na sa utak ko.

Sa AP naman, may mga tanong na tipong galing talaga sa libro. Basta

may specific na sagot. Karamihan naman sa mga tanong ay kinakailangan
ng common sense. Madali lang din kung tutuusin pero masakit sa ulo,
nakakangalay (kasi ang tagal na naming naka-tungo), at ang bigat na ng
frontal part ng skull ko kaya nakakatamad nang basahin ang mga tanong
na parang teksto sa haba pero iisa lang naman ang tanong...
Ano ang implikasyon nito sa blah-blah blah...
Ano ang epekto ng mga ito sa blah-blah-blah...
Tapos magsha-shade ka ulit ng mga sago. Kahit gusto kong manghula
nalang ng sagot eh ayokong gawin kasi iniisip ko, manghuhula pa ba ko eh ang dadali na ng mga tanong. Kung pagti-tiyagaan ko 'tong basahin edi mataas pa ang makukuha kong iskor... kahit may fracture na ang utak ko.

1:30pm pa talaga dapat matatapos ang test pero 12:30 palang ay tapos ko
na 'to. Ang sakit narin kasi sa ulo kaya minadali ko na. Pero binasa ko
naman ng maayos yung mga tanong. Sana nga lang tama ang nalagyan
ko ng shade. Baka kasi sa sobrang pagmamadali ko ibang sago ang
na-shade-an ko.

` ` ` ` ` `
Matapos ang NAT, dapat inspired parin tayo para makapag-review
na maayos para sa Periodicals at para makakuha ng magandang iskor.

Sino nga bang hindi ma-i-inspire?
ahoo
Naks.
(Ang tikas. Kahit mukhang bored. =D)
monobloc

Sumama ka na,
`Wag kang mawawala
Pagkat ngayong gabi'y puno ng alaala...


Nakaka-adik yung Monobloc...
lalo na yung video.
Ahoo-ahoo talaga.

` ` ` ` ` `
Medyo tumambay muna kami sa oval (ako, pia, nyx). Mga 15 minutes
kami dun. May napagusapan lang kami na naging dahilan ng pagsalungat
ko sa sarili kong mga salita. Hindi ko napigilan ang matawa kasi nakakatawa
naman talaga. Pero kung iisipin, habang tumatawa ako parang kinakalimutan
ko rin isa-isa ang mga salitang hindi ko man pinangako, pero alam kong sinabi
ko. Ang mas maluphfet dun, may testigo. May nasabihan ako ng mga salitang
iyon.

Magka-chat kami ni Mr. Migraso(...owww) noong gabi ng March5 at
na-open ko sa kanya ang isang sitwasyong kinabahala ko. Noong gabing
magka-chat kami ay nasabi ko na sa kanya na...


kaya nga kapag nakikisali ako sa mga pan33p natin sa kanya
nakokonsensya
ako eh. kasi what if sa side niya wala naman
siyang sinasabi against me behind
my back pero ako,
pinagtatawanan ko pa siya. yung ganun.
(Kung mali man ang grammar eh pagpasensyahan niyo na. Usapang
seryoso 'yan. Emosyon ang importante at kung nagkakaintindihan
kami, hindi ang grammar o spelling.)

Mula nung nasabi ko 'yan, iniiwasan ko na talagang maki-ride sa mga
pantri-trip sa kanya. Kaso kasi... natatawa talaga ako eh. Ang ganda
pa naman mag-deliver ni Pia ng expression, pati si Leo (minsan).
Muntikan na nga akong magpagulung-gulong sa putikan ng oval kanina
nung sinabi ni Pia na... yun na 'yon.

Magka-chat kami ni Pia ngayon. Nyaks. Natawa na naman ako.

Ganun lang talaga ako madalas. Kapag sinabi ko, sinusubukan ko talagang
gawin. Yan ang paraan ko ng pagiging ninja. Nyaks. Ano raw? Pero kasi,
kung para naman sa ikabubuti ng nakararami eh bakit hindi ko gagawin.
Wala naman sigurong mangyayaring masama.

Gusto kong humingi ng pasensya sa sarili ko at sa taong napagtritripan namin.
Pasensya sa akin dahil hindi ko nagagawa ang mga salitang binitawan ko.
Pasensya sa kanya dahil malawak lang talaga ang imahinasyon namin at kung
anu-ano ang nasasabi namin tungkol sa kanya.

Sa ngayon naman, hindi ko rin masisisi ang aking mga Par` kung nakakapagsalita
man sila ng kung anu-ano tungkol sa kambing na tumatalon dahil sa sobrang
saya (Ha? Anong konek?). May mali rin naman kasi yung kambing na tumatalon
dahil sa sobrang saya. Kagaya ng nasabi ko sa post ko nung badtrip ako,
insensitive ang mga tao. Hindi nila alam na nakaka-offend na yung mga
pinagsasasabi nila, lalo na kapag hindi sinasadya. Hindi muna kasi isipin
kung anong magiging epekto ng gagawin nila.

Ok. Tama na.
Naaalala ko na
naman yung nangyari
nung gabing nabadtrip ako.
Baka mamaya eh mapamura na
naman ako. Ayoko na nga eh. *tgsh*

` ` ` ` ` `
Periodicals na bukas. Malas ng 2nd year. Tambak sa mga
rereviewhin. Pero oks lang. Crammer naman ang mga
nilalang na 'to (parang di ako kasama dun eh 'no).


Hindi ko pa tapos yung project sa Social. 4 na Nationalists
pa yung hahagilapin ko. Wala pa kong nagagawa sa project
sa PA. Kailangan pa kasing mag-interview ng isang dakilang
entrepreneur (daming `e`). Hindi ko parin masyadong memo
yung 2nd page ng The Congo. Ang daming gagawin. 'Nubayan.

Geh.
Sa susunod nalang.
Bye.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer