Post ko sana kahapon na hindi ko tinuloy kasi tinamad ako.
Ang daming nangyayari ngayon... emotionally.
Random kasi iba-iba yung nangyayari. Pero
iisa lang ang pinaka-theme. Ewan. Parang
`his and her circumstances` ang dating.
Tsaka iba't ibang tao ang involve. Mga ka-
close at mga hindi.
Sa ngayon.
Naaasar ako. Asar na naman. Lagi nalang. Wala na.
Sana pala hindi nalang "Easy ka lang. Relak." ang
nakalagay sa pic header ko. Dapat ang nilagay ko
jan, "Ano, tapos ka na?"Dapat pala yan nalang
kung maaasar lang ako araw-araw.
BAKIT BA NAPAKA-INSENSITIVE NG MGA TAO?
Gusto kong murahin isa-isa yung mga tao jan na
malakas mambadtrip lalo na yung kapag hindi nila
sinasadya. Napaka-careless kasi sa mga pinagsasasabi.
Hindi man lang isipin kung anong magiging reaksyon ng
iba kapag sinabi nila yun. Kaso, kahit gusto ko silang
murahin eh ayoko na. Sa ngayon lang talaga, pigil ako.
Lalo na yung isang epalogue. Nyaks. Kung available lang yung
Stay Alive na video game sa mundo ngayon, siya ang ilalagay
kong character dun. Kung pwede lang talaga.
Sana magtigil na 'yang mga yan dahil hindi sila nakakatuwa.
Hindi ko alam kung galit ako ngayon kasi hindi ko alam ang
definition ng salitang "galit". Ang alam ko lang asar ako dahil
badtrip silang lahat. Minsan na nga lang... basta. Nakup.
Gusto ko nang basagin yung monitor. Kaso wala kaming
pera eh. Huwag nalang. Dumagdag pa yung bass ng kantang
pinapakinggan ko ngayon. Bumibilis na naman ang kalakaran
ng circulatory system ko.
Sana walang magbago sakin. Yung kagaya dati na kapag
naasar ngayon, kinabukasan wala na. Parang walang
nangyari. Ganun parin naman ako. Pero dahil sa maraming
badtrip ngayon sa mundo, patungpatong na ang pagka-badtrip
ko. Sana mawala lahat. Sana mawala kasi ayokong dumating
sa point na iiwasan ko sila. Lahat kasi ng nakakabadtrip jan
sa tabi-tabi ay importante sakin bukod nga lang dun sa
epalogue na pakialamero na napakalaking badtrip na nabanggit
ko sa entry ko nung Thursday.
Hainakup. Hainakup talaga. Hainakup na naman.
Kailangang tandaan ang mga limitasyon. Nyaks.
Randomness. Pasensya. Mas lumalala ang pagka-
random ko 'pag ganito ang sitwasyon. Lalo na ngayon,
hindi ko alam ang pwede kong gawin o alternatives
para hindi na ko mabadtrip. Pero kakaiba ang pagka-
badtrip ko ngayon. Yung gusto kong umiyak na ang
bigat lahat. Hindi kaya ng With a Smile ang nararamdaman
ko. Kahit ang Careless Whisper walang magawa. Pati ang
Spolarium, hindi ako madala ngayon sa ibang dimension.
Kahit makipagkwentuhan ako ngayon kay Felidae, wala rin.
Kahit basahin ko ng paulit-ulit yung p.131-133 sa Veronika
Decides to Die, kahit yung last pages ng 11 Minutes, at kahit
ang minamahal kong By The River Piedra I Sat Down and
Wept, walang epek sa ngayon. Wala talaga. Kasi gusto ko na
talagang maiyak na hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
` ` ` ` ` `
Kaninang umaga, matapos maligo binilisan ko papuntang
kwarto dahil gusto kong mapanood ang Take The Lead
(kahit napanood ko na kagabi, at ng ilang libong beses pa
nung nakaraan). Habang naglilipat ng channel nang mano-
mano (dahil sa walang battery ang remote control),
nasaktuhan ko sa isang channel ang trailer ng
The Other Boleyn Girl.
Napatigil ako sa paglilipat ng channel at natuwa ako kasi nakita
ko si Natalie Portman, ang babaeng kung naging lalaki man ako
ay makikipagsapalaran ako sa Kanluran para lang maligawan siya.
Pati si Scarlett Johansson nandun. Nakatutuwa. Tsaka ang
ganda ng settings nung film. Mga 15th-16th century pa ata. Ang
saya. Parang Pride&Prejudice pero medyo modern na yung P&P
eh (modern na yun ng lagay na yun). Mga aristrocrat at nobility
blah-blahs. Nakakatuwa talaga. Gusto ko sanang mapanood,
kaso kailan naman kaya... at kung mapapanood ko nga ba talaga.
Natapos ang trailer ng The Other Boleyn Girl at bumalik ako sa
normal na kapaligiran. Dumiretso na ko sa paglilipat ng channel
at buti, naabutan ko pa sa part na nagsayaw ng tango si Morgan
at Mr. Dulaine. Tuwing napapanood ko yung part na yun parang
gusto kong matuto ng tango. Napaka... ang passionate kasi nung
sayaw eh. May istorya yung bawat steps, yung bawat galaw,
tapos kapag magaling talaga yung dancers, mararamdaman mo
na comfortable sila sa isa't isa, and how they want to be in each
other`s arms (Tama ba? Linya lang ni Javier yan sa Dirty Dancing
eh. Yan lang yung natandaan ko).
Teka, Linggo bukas diba? So, sa ETC (hindi ko matandaan kung
dun nga ba), aabangan ko yungDirty Dancing. Mga 9pm ata yun.
Basta, gabi.
Bigla ko tuloy naisip yung Rhumba. Isa pang sensual na sayaw.
Kung napanood niyo na yung Dance With Me, ahoo-ahoo ang
Rhumba dun. Basta. Passionate din kumbaga. Haiz. Akala ko dati
gusto ko lang mag-CO, ngayon pati ballroon dancer. Nyaks.
Hindi naman, pero kung kaya ko lang ang tango at rhumba,
masaya na ko. Haha. Ano raw?
Anu ba yan. Bumalik yung pagka-badtrip ko kanina. Bumibilis
na naman ang kalakaran ng circulatory system ko. Nilalamig
ako pero ang init ng kamay ko. Yung init na parang may
kuryente. Kailangan ko ng tubig. Ayoko na ulit ng palpitation.
Kaso hindi eh. Nagsisimula na eh. Parang nakainom ako ng
kape na sobrang tapang. Ewan.
Wow. Ganda ng kanta ngayon. Careless Whisper.
Kaso pang-machete dance 'to eh... 'toeh?!? Hehe.
` ` ` ` ` `
Sabi ni Leo, ang random ko raw. Sa mga posts ko,
kapag naguusap kami, basta. Random daw ako.
Ang saya naman nun. Parang katumbas nun yung
nasabihan ako ng weird. Hindi ko alam, parang gusto
ko nalang sabihin na, "Ok... I'll take that as a compliment."
Hehe. Parang Tezuka lang. Haiz.
Alam ko naman na iba-iba ang nagiging topic ng mga
entry ko dito sa blog (kagaya nito). Or kahit sa isang
topic, may ipapasok ako na ibang bagay na na-re-relate
ko sa current topic. Hindi ko naman inaasahan na ang
random ko na pala. Haha. Ang saya naman nun. Wala lang.
Natuwa lang ako.
Tapos sabi pa ni Ano... abnormal daw ako. Haha. Lalo
naman akong natuwa dun. Buti nga naabutan niya akong
abnormal kasi minsan lang mangyari yun. Hindi ba niya
alam na parang nanalo narin siya sa poker nun. Haha.
Abnormal nga talaga. Kanina lang badtrip ako. Haiz.
Wala ng palpitation. Masaya na ulit.
Ayan. Napasok ang Poker. Naalala ko naman yung darts.
Haha. Konek? Ang layo ng card game sa darts. Pero, wala
lang. Kasi gabi-gabi kaming nakakapanood ni Itay ng mga
darts competition. Ang gagaling nila. Hehe. Tsaka nakakatuwa
yung mga players. Hehe. Basta. Ahoo-ahoo for them. Ahoo-
ahoo for Papa. Magyayabang ako ngayon. Ngayon lang naman,
tungkol kay Itay.
Noong kabataan niya (haha), siya po ay active na sumasali sa
mga darts and bowling competitions. Kung hindi po siya ang
champion, nasa runner ups. Sayang nga lang kasi nasunugan
kami dati (1991 ata yun) so lahat ng kanyang trophies at
medals, wala, naabo.
Natutuwa nga ako kapag sinasabi niya na, "Ang lakas din ng
kaba ni (insert player's name here). Ganyan din ako dati eh.
Kapag kabado kumakaliwa lahat ng bato ko." Hehe. Wala lang.
Siya kasi yung naiimagine ko na player. Alam mo yun...
Matagal ko na ring hindi nakikita si Itay maglaro ng bowling.
Sa Megamall pa nagtatrabaho si Mama, eh ang tagal na nun.
Mga more than 10 yrs ago na. Kahit darts. May dart board dito
pero hindi narin niya nalalaro. Haiz...
Nga pala, si Papa rin ang nagpauso ng internet... internet dito
sa bahay. Toinks. Ayoko na. Tama na. Tigil na 'to. Baka biglang
umiral ang severe randomness ko, kung ano pang ma-open kong
topic.
` ` ` ` ` `
Kanina nga pala, dala ni Joseph yung mini-keyboard niya. So,
ako, elibs na naman ako kay Master Joseph. Nakakatuwa kapag
naririnig ko yung Canon tsaka yung Fur Elise. Hehe. Ang ano kasi.
Hindi ko ma-describe. Siguro ok na yung "nakakatuwa".
Pati si Master Joseph, nakakatuwa. Ang daming alam. Hindi ko
alam kung anong meron ang nilalang na si Joseph pero all around
siya. Sa Music, kahit ata double bass kaya niya. Ewan ko dun.
Sa sports, ganun din. Naks. Yabang ni MVP. Hehe. Ang dami ring
alam. Sa academics, ganun din naman. Puro surprises eh. Tapos
ngayon, tanaga naman. Makata na si 'Seph. Hehe.
Sana marinig ko siyang tugtugin yung Georgiana. Pero kailangan
ko munang mag-provide ng grand piano para sa kanya para
matugtog niya yun. Hehe. Kelan naman kaya...
So, dahil sa na-elibs ako kanina, gusto kong matutunan ang
Moonlight Sonata, pati na rin yung Georgiana. Pati pala Turkish
March. Ang saya kasi pakinggan. Mas masaya kung matutugtog
ko. Hehe.
` ` ` ` ` `
Napanood ko ngayon lang yung full trailer ng The Other Boleyn Girl.
Natuwa na naman ako. May napanood akong sensual at mayroon
ding madrama. May scenes na mararamdaman ang conflict at may
mga eksenang ang astigin dahil aristrocrat nga ang dating. Gusto
ko na talagang mapanood 'to.
Napansin ko lang yung dating ni Natalie sa movie, parang kay
Magpie. Pinagkaiba nga lang, si Magpie may bangs, si Natalie wala.
![]()
Saka na yung kay Scarlett Johansson. Hehe.
` ` ` ` ` `
So, mejo mahaba na 'to, at tatlong oras na kong
nag-ta-type para sa entry na 'to. So, alis na ko.
Sa susunod nalang ulit. Ok? Geh. Bye.
Friday, March 7, 2008
501-43-29-25
. .
