Thursday, March 6, 2008

butterfly effect

Akala ko magiging maganda araw ko. Nagsimula kasi ito sa
Pride & Prejudice sa HBO kaninag 5am. So, masaya. Nagsimula
ang kabadtripan mula sa Teresa, nung nagpa-print ako.
Una, late na naman ako dahil sa project na ginamitan ko ng
100.01% na effort. Pangalawa, nang pina-print ko yung project,
na-disaster. Lahat ng alignment, font size, lahat ng sinave
at inedit ko ay nawala. Hindi naman lahat. Mga 90% lang naman.
Sows. Asar. Dahil sa kasabay ko si Fatima kanina, at late na
nga kami (tapos batch 2 pa naman sa Keyboarding, Periodicals pa)
nakonsensya naman ako at hinayaan nalang maging napakalaking
kapalpakan ang project ko. Tapos, pagkarating sa iskul, kung
anu-ano pa ang nangyari.

` ` ` ` ` `
Naiinis ako ngayon (napapadalas ata). May isang pampam
kasi ang umaaligid at ako'y... gusto kong burahin sa kasay-
sayan ng Pilipinas, at ng buong sangkalawakan ang existence
niya. Napaka-ano kasi.

Sa ngayon, .01% pa kong hindi sigurado kung siya nga ang
dahilan ng kaguluhan sa mundo ko. Kailangan kong tanungin
si MP4 tungkol doon para makasigurado. Pero sa ngayon,
gusto ko talagang burahin ang existence niya sa mundo.

Hindi ko lang naman kasi maintindihan kung bakit siya
nangingialam sa mundo ko eh sino ba siyang epalogue siya.
Yung mga bagay na pinapakialaman niya kasi ay exclusive
lang para sa aking mga Par`. Wala siyang karapatang pag-
piyestahan at gawing hot topic ang kahit ano mang tungkol sa
akin dahil kahit kailan, wala siyang naidulot na maganda sa
mundo ko kundi kabadtripan (lalo na nung December). Hindi
niya ko pinapakain o binibigyan ng lifetime supply ng cotton
buds para mangialam sa mga bagay related sa akin. Tsaka
kasi, hindi naman niya alam yung exact infos o kung ano talaga
ang nangyayari. Wala siyang alam na kahit ano, at wala siyang
karapatang malaman at kahit kailan, wala akong planong
ipaalam sa kanya. Dahil nga sa wala siyang alam, wala siyang
karapatan sa kahit saan, sa kahit ano, sa kahit anong paraan
at dahilan at pangyayari sa mundo ko. Sa susunod kasi, kung
wala namang alam, huwag nalang mag-reak at mangialam.
Huwag nalang umentra sa eksena dahil wala siyang role sa play.
Sa tingin ba niya magiging matikas siya pag naging pampam
siya? Nakakasira lang siya ng mundo, kung alam niya lang.
Pero sa tingin ko hindi niya alam kasi pampam nga siya. Isang
dakilang epalogue at walang magawa sa buhay.

Madalas kong sabihin ang "Easy ka lang. Relak." dahil ayokong
mamroblema. Kaso ang daming nadadamay at ang gulong hindi
ko naman ginawa ay ako ang umaayos. Kumabaga pa, parang
sinisisi ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa, na kahit
konting kaalaman ay wala naman talaga.

So, sa ngayon, kailangan ko lang sabihin sa sarili ko na,
"Easy ka lang. Relak."

` ` ` ` ` `
Medyo oks lang sa PA. Ang taas ng nakuhang presentation
points (kung ano mang tawag dun) ng grupo namin, ang
grupong may Best Name - Team Ang (naks). Ahoo-ahoo for
us. So, ang reaksyon na naman ay `Akalain mo yun...`

Hindi talaga expected ang mga nakukuha naming merit points
at mga resulta ng reports at presentations. So, nakakatuwa
kasi yun nga, akalain mo yun.

@#$!@#$!@#$!@#$!@#$!@#$!

Sa Bio naman... nyaks. Medyo overtime kami kanina. 4:15
na hindi pa tapos klase namin. Hindi ata napansin ng mga
kaklase ko ang oras, lalo na ni Sir Mendiola. Expertise niya
raw kasi yung tinuturo niya.

Sabi pa ng karamihan, "Hindi yata ako inantok ngayon."
Sows. Pano nga ba aantukin eh ang lupfhet ng pagkaka-
describe ni Sir sa mga bagay-bagay.

@#$!@#$!@#$!@#$!@#$!@#$!

Dire-diretso ang walang antok na ligaya ng Loyalty.
Medyo masaya ang praktis ng The Congo kanina.
Bukod sa mga rap at sigawan at hiyawan at tawanan,
AHOO AHOO AHOO!!!
Yown! Yuwn yown ewh! Hehe.

Mga 75% na ng first page ang napa-praktis namin.
Sa tingin ko, mukha namang hindi ganon kahaba yung
The Congo. Hindi masyadong mahirap i-memorize.
Mukha lang mahaba kasi nasa lond bond paper tsaka
yung format. Basta, ganun. Sana nga ma-perform
namin yun ng maayos sa 17.

Sayang, wala si Leo kanina. Siguro karir na karir
nun yung part na lahat ng lalaki sisigaw. Hehe.
'Nubayahnnnnnnnnn... Inaatake na naman ako.
Quicky devah?!?
Hehe. Pasensya. Si Leo lang ang makakaintindi niyan...
at si Pia, kung natatandaan pa niya yung sinabi niya
sakin dati.

@#$!@#$!@#$!@#$!@#$!@#$!

Wala na kong makwento. Dapat marami pa kaso medyo
personal. Sa mga taong closely related lang dapat ipa-
alam. Sa mga Par` lang at hindi sa mga taong pampam.
Nyaks. Yan na naman. Hehe.

Geh, sa susunod nalang.
Bye.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer