*currently playing Director's Cut~Kamikazee*
Ang daming nangyari at nangyayari.
Patuloy ang emotional blah-blahs ng
buhay at patuloy ang... ang dati, kung
ano ang normal na sistema ng mundo.
Kelan nga ba naging normal ang sistema ng mundo?
Ito muna.
Dahil sa impluwensya ni Mr. Migraso(...owww), pinanood ko
ang Detective Conan-Live Action 2. Well... well... wala lang.
Well lang. Hehe.
Ilang beses ko nang nakita si Oguri Shun.
Sa Gokusen, Hana Yori, at kung anu-ano
pang palabas na kinabibilangan niya.
Pero sa Detective Conan, ahoo-ahoo
siya dito. Lalo na kapag may glasses.
Alam mo yun... combined force pa ng
hands sa pocket. Ang tikas. Ang tikas
niya as Shinichi.
So, kung hindi niyo kilala si Oguri Shun,
siya po ang nasa imahe na inyong nakikita.
Magpi-print screen sana ako para makakuha
ng mga shots galing sa Detective Conan
LivAct2 kaso nadala ako sa istorya kaya hindi ko na nagawa ang
una kong plano.
Ang nangyari, yun nga, nadala ako sa istorya. Nanood lang ako.
Nanood nang nanood. Astigin naman yung kaso. Nakakatuwa ang
utak ni Shin. Ang haytek. Hehe.
Ang isa pang rason kung bakit ako nadala sa istorya ay dahil sa
sitwasyon nila ni Ran. Na-tats ako. Lakas ng amats sakin nung
mga pangyayari. Si Ran, lagi niyang sinasabi, "I Understand."
"I 'll wait for you.", "I have a faith on you, Shin."
Tapos ayun... basta. Naiiyak na ako actually. Hindi ko lang
magawa dahil si Itay ay nasa background. Baka isipin niyang
nababaliw na ang anak niya dahil an hour ago, tawa ako nang
tawa. Dahil nga sa na-tats ako... wala. Na-tats lang ako.
Ganun talaga eh. Hindi ko naman ine-expect na ganun yun.
Dahil tungkol sa mga cases itong Detective Conan, una kong
naisip is yung istorya ng Morning, Noon, & Night ni Sidney
Sheldon. Ang ganda kasi ng pagkakagawa ng istorya nun eh.
Ewan ko kung matri-tripan ni Mr. Migraso(...owww) yun.
Neks.
Kaninang umaga, nagising ako may bakas ng ngiti sa mukha.
Kasama kita sa aking panaginip sasabihin ko dapat sa'yo.
Pero wala ka na... wala ka na pala... wala ka na...
Hehe. Naging `Nasaan Ka`. Pasensya. Pero nagsimula talaga
kaninang umaga.
Nakatambay lang naman TV kaninang umaga sa MTV After Hours
nang mapanood ko ang Monobloc ng Pupil. Medyo natuwa ako
kasi hindi ko pa talaga napapanood yung mv nun (kahit alam kong
meron na kasi napanood ko dati sa MYX News yung making nun).
Edi, nood naman ako. Syempre nakita ko si Ely (malamang). Mas
natuwa naman ako. Hehe.
Para dun sa mga nakapanood na, ahoo-ahoo for us. Para sa mga
hindi pa... haiz. Kung makikita niyo lang siya dun, ang tikas. Ang
tikas talaga. Mukha siyang bente dos anyos. Tanong ko lang,
wala na ba siyang braces? Hindi ko kasi alam kung ilusyon lang
yung nakita kong wala na siyang braces.
'Nubayan, wala na kong balita sa mundo ng OPM...
hindi kagaya dati.
Napansin ko naman yung buong video, at yung kanta. Hindi lang
si Ely. Hehe. Oks naman yung kanta. Nakakatuwa nga eh.
Naaalala ko si @#$!.
Sumama ka na,
Wag kang mawawala
Pagkat ngayong gabi'y puno ng alaala...
...Kung alangan sa tukso ng ulan
Hindi mapapawi ang init ng labi
Sa bawat hakbang
Sa kaliwa o sa kanan
Lampas sa hangganan
Doon mag-aabang ng araw
Kailangan kita,
Wag kang mawawala
Pagkat ngayong gabi'y puno ng alaala
Bago ko pa talaga mapanood yung Monobloc, napanood ko
rin yung Sugal ng Kapalaran ng Rivermaya. Ilang beses ko
nang napanood 'to pero nadadala parin ako.
Haiz. Emosyon. Emosyon. Umiiral ang emosyon sa paligid.
Tapos.
Kagabi, naglilipat lang naman ako ng channel nang mapanood
ko (sa MTV ulit) yung mv ng Director's Cut ng Kamikazee.
Matagal ko na ring naririnig ang kanta na 'to pero hindi ko
alam na ito pala yung Director's Cut. Matagal ko nang narinig
yung title na Director's Cut pero hindi ko alam na yun pala
yung kantang matagal ko nang naririnig.
Ano raw?
Dahil sa wala nang mapanood na iba, pinakinggan ko muna ang
familiar song na 'to. Napakinggan ang lyrics at ako nama'y...
umiral na naman ang emosyon sa paligid. Hindi ko alam kung
anong meron ang kantang 'yon pero na-tats ako at tumama
sa aking ng tagus-tagusan ang lahat ng narinig at napanood ko.
Lumingon sandali lang
Bago mo tuluyang iwan
Nais kong
Sumigaw, palabas
At sasabihin sa iyo ang lahat
Tumakbo, palayo
At iiwanan na ang alaala mo
At kung hindi na babalik
Sana sa paggising ay wala na ang nadaramang sakit
At kung hindi na babalik
Pilit sasabihin na hindi ako nagkamali
Bumabalik lahat. Hindi ko alam kung bakit.
Nasabi ko na ng ilang beses,
"Mas gwapo na ko sa kanya."
Nasabi ko na ng ilang beses,
"Wala na. Matagal-tagal na rin."
Nasabi ko na ng ilang beses,
"Ok na naman eh."
Nasabi ko na ng ilang beses,
"Wala naman dapat kalimutan. Sabi nga ni
Midou Ban, isa rin yung magandang alaala."
Siguro kasi, sinabi ko lang.
Hindi ko pa talaga nagagawa,
hindi pa talaga nangyayari.
Dalawa lang ata ang totoo jan,
yung una at yung huli.
Dahil ang kahapon ko ay bihag
parin ng alaala mo...
Hala, napunta na naman sa iba.
Sugarfree naman ngayon.
Malapit na bakasyon. Malapit na ang anniversary ng mga nangyari
dati. Malapit na ang bakasyon. Gusto kong sumigaw at sabihin ang
lahat. After ng pirmahan ng clearance, tatakbo na ko palayo...
at iiwanan na ang alaala mo.
Pero habang buhay magiging C-B-A ang naka-assign na angklung sa
akin, kahit wala na ko sa BK. Natatandaan ko pa na noong pers yir ko
narealize na gusto kong kumuha ng Fine Arts sa college. At nung
magtatapos na ang pers yir, saka ko lang din na-realize na sana pala,
kumpleto kong tinutugtog ang angklung ko. Sana pala laging C-B-A
ang kinukuha ko, hindi lang C & B.
At kung hindi na babalik
Pilit sasabihin na hindi ako nagkamali
Pasensya.
Random na naman.
Geh.
Bye.
Monday, March 10, 2008
Halika, tikman ang langit.
. .
