Medyo matagal narin akong walang bagong post.
Kailangan nang mag-update. Para naman masabi
kong may saysay parin 'tong mahal kong blog.
5:08pm.
Sa ngayon, ka-chat ko si Nicole.
Sa ngayon, nagka-karaoke si Mama.
Sa ngayon, kumakain ako ng donut.
Sa ngayon, feeling ko, 2pm palang.
Sa ngayon, masaya naman ako.
Sa ngayon, wala lang.
Simula ngayon ng NAT Review namin. Mga taga-MAPUA
ang mga nagtuturo. Akala ko, boring. Akala ko, aantukin ako.
Pano ba naman kasi, 8am to 3pm. Dalawang subject.
Oo. Dalawang subject lang pero tig-tatlong oras bawat isa.
Nakakaantok diba? Pero hindi. Kanina, hindi. Nakakatuwa
nga eh. Lalo na yung English.
Si Sir Jun ang nagturo. Wala lang. Hehe. Nakakatuwa lang.
Ang ganda rin ng mga hirit ni Jervin. Para sa kanya,
mass is equal to muscles. Hehe. La lang. Basta. Tinatamad
na kong ikwento lahat ng nangyari kanina. Basta, masaya
naman.
Feeling ko lang kanina, parang normal na araw. Parang
periodicals. Tsaka masaya rin kasi lahat ng estudyanteng
makikita mo sa paligid, lahat 2nd year. Hehe.
Ang ingay ng nanay ko. *evil laughs*
5:19pm.
OL si Leo. Pero nasa net cafe lang siya. Wala raw tao sa bahay
nila ngayon. Naka-lock ang bahay. Malamang, pano siya makaka-
pasok diba.
SOWS. As if naman hindi malalaman. Tsaka kelan niya ipagkakalat yun?
Kapag mala-CJ de Silva na layout ng blog niya... kelan naman yun if ever.
Oks lang naman kasi kahit yung basic layout palang eh. Ganun din naman
ako dati eh. Dun din ako nag-start - sa basics. Dun naman talaga lahat.
Ginamitan ko lang ng konting common sense (mga 89.9%) at diskarte sa
pag-view ng source ng iba para maka-kulimbat at makagawa ng
equation of codes.
Speaking of blog designing...
Meng, yung cd ng photoshop. Hehe. Pahiram! Kung meron pang ibang
Macromedia products ok lang. Lahat na. Basta may kinalaman sa
graphic arts, pag-e-edit ng picture, paggawa ng gif images, 3D animation,
kahit anong pwede kong paglaruan. Hehe. Kung gusto mo pati yung
ginagamit ng tatay mo sa paggawa ng logo ng mga iba't ibang products.
Hehe. Demanding. Basta.... Meng, pahiram!
Continuation ng mga blog etsoses.
Nabasa ko lang sa blog ni Pia:
oo nga pala..
mukhang galak na galak si Czaine kahapon. Gumana kasi yung
mahiwang Reloj..Sa mga nakakaalam, yun na yun. Sa mga hindi, bhala
kayo..XD
(Copy-pasted yan mula sa blog niya. Kung may typo man, wala akong
kinalaman dun.)
*currently listening to I'll Be Over You*
Wala lang. Gusto ko lang mag-reak sa sinabi niyang
"...mukhang galak na galak si Czaine kahapon. Gumana kasi yung
mahiwagan Reloj."
Kasi, actually, honestly, as a matter of fact, the truth is, andwhatsoever...
hindi ako galak na galak. Hindi ako natuwa. Hindi ako masaya. Hindi ako
natawa. Hindi ako na-excite. Walang tuliro epek. Walang kaba epek.
Wala. Wala. Wala. W-A-L-A. Wala. Wala lang. Wala lang talaga. Ewan ko
kung bakit. Pero... wala. Wala eh.
Anong magagawa ko kung hindi ako nagalak kahit 1.5 meter lang ang layo
niya sakin. Anong gagawin ko kung hindi nag-play yung Tuliro sa background?
Eh sa wala eh.
Gusto ko lang malaman ng nakararami, hindi sa lahat ng pagkakataong
nakikita ko siya eh natutuwa ako. Hindi sa lahat ng pagkakataong alam
kong nasa paligid siya eh nagagalak ako. Hindi sa lahat ng oras na-e-excite
ako. Hindi sa lahat ng oras, masaya. Hindi sa lahat ng pagkakataong nasa
paligid si Alexander the Great eh nasa langit ako. Sinabi ko na dati diba,
hindi lang alam ng nakararami, dolorosa ang kalagayan ko tuwing nakikita
ko siya.
*currently playing Nuestra Señ
Siguro, kapag nakapag-paiyak na ko ng bass, ok na.
If only I could tear out my heart and hurl it into the current,
then my pain and longing would be over, and I could finally
forget.
May my tears run just as far, that my love might never know that one
day I cried for him.
...that one day I cried for him.
Yung nangyari noong 5.29.07, sinunog ko na yun eh. Kumbaga sa patay, pina-
cremate ko na. Pero tuwing binabalikan ko yang linya na yan, yung sinunog
kong nakaraan, yumayakap sa bawat kawalang pag-asang tinanggap na ng
kasaysayan ko. Binabalikan ako ng kaluluwa ng isang alaalang alam kong
walang pag-asa at inalay ko na sa walang kasiguraduhan na kinabukasan.
Pero tuwing binabalikan ko yang linyang yan, parang sinasabi ng buong
sistema ko na, "Hindi pa tapos".
(lintek, nagse-senti ako ngayon saka naman maraming naka-OL.
Ang daming nag-bu-buzz.)
*currently listening to I Just Can't Stop Loving You*
Pansin ko lang, dumadalas na ang pag-tawag nila sakin ng "Diding".
Makasaysayan ang nickname ko na yan. Tawag pa sakin yan ng kuya
ko. So, medyo espesyal.
Minsan, naiisip ko...
What if buhay si Kuya? What if nandito siya ngayon? Sa ngayon 25 na dapat
siya. Siguro, sa ngayon, dapat may pamangkin na ko. Dapat may apo na sila
Papa. Baka naging sister-in-law ko pa si Tanya Katherine Lyttle. Siguro, hindi
ako naging pabaya sa oras ng buhay ko. Ano nga bang pakiramdam ng may
kapatid? Kapatid na mabait at ika nga ni Inay - perpekto. Mula physical
attributes hanggang sa traits, wala ka nang hahanapin.
Matikas talaga si Kuya. Kahit sa pictures ko lang siya nakita, masasabi kong
nagmana siya sakin. Hehe. Kapal. Basta, imaginin mo nalang...
Mapungay na tsinito yung mata, matangos yung ilong, may malanding labi
(actually, halos pareho kami. mas maarte lang yung dating ng kanya kasi
lalaki siya), morenong rosy pink ang balat, matangkad, at physically fit.
Basta, kahit medyo magkamukha kami (malamang, magkatapid), hindi ko
ma-imagine na siya ang boy version ko. Mas gwapo naman ako sa kanya.
Hehe. Kapal na naman. Basta, matikas si kuya.
Ewan ko. Siguro nga perfect si Kuya. At dahil nobody's perfect, ayun.
Meng, paki-lagay sa mp4 mo ah (Demanding talaga. Kanina pa ko eh).
Hindi ko na sasabihin kung anong kanta yun. Meng, alam mo na naman
yun diba? Hehe.
Yun lang naman yung huling *currently playing...*
Pakibasa nalang ulit yung mga naunang topic sa taas.
Nakakatuwa kasi yun eh. Lalo na yung intro. Lintek na yan. Iyak-tawa ako.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Isipin niyo, si ano... basta.
So, kain na muna ako.
Tapusin ko na 'to dito.
Alis na muna ako.
Ok.
Geh.
6:58pm na. 5pm ako nagsimula.
Tagal ba? Hehe.
