Sunday, February 3, 2008

Coz you'e everywhere to me...

May conference ngayon.
Everywhere by Michelle Branch ang pinapatugtog ni Leo.
Nyaks. Hehe. Gusto ko ng ngang i-mute eh kaso... wala lang.

Nabasa ko lang yung entry ni Pia.
Wala naman akong magagawa kung hindi niya na-tripan yung
I Just Can't Stop Loving You. Tsaka ang sabi ko lang naman sa kanya,

"Kung gusto mong matuwa, pakinggan mo 'to."
So, may choice siya. Hindi ko sinabing
"Gusto kong gustuhin mo 'tong kantang 'to."
Totoo naman eh, simple lang ang music. Kung ayaw mo nung kanta,
then don't buy it. Hindi mo na kailangan laitin yung kanta kung ayaw
mo.

Ok. Tama na para jan.

So, namromroblema si Toni-Meng ngayon.
Dito, naiisip ko na naman yung naiisip ko tuwing napapanuod ko
yung Final Destination. Ang katangahan ng mga tao ang nagiging dahilan
ng kamatayan nila.

Walang pinanganak na tanga. Pero dumarating tayo sa punto ng
katangahan.

Kasi, nawala daw yung project nila. Sabi ng aming guro sa Bio,
magpasa sila ng bago. Sabi ko kay Meng, sana sinabi nila ito kay Ma'am:
"Mam, alam niyo namang nagpasa kami eh. Bakit kailangan pang ulitin?
Sana kahit bigyan niyo kami ng 80 dun."

Gets? Sana nagbigay man lang nag consideration. Nagpasa na sila eh.
Bakit sila bibigyan ng 65
(65 is equal to zero) eh hindi naman sila yung
nakawala.

Ito namang si Meng, nag-request kay Leo nung Friday na si Leo nalang
ang bumili ng project. Babayaran nalang ng grupo nila. Kaso, sinabi ni
Leo ngayon na wala siyang nabili dahil out of stock. Sinisi naman ni
Meng 'tong si Leo. Sus, kasalanan ba talaga ni Leo yun?
Kaya nga sabi ko ulit sa kanya, sana, kahit pano, may alternative siya.
Asang-asa kasi eh. Sa simula't sapul, problema lang yun ng grupo nila.
Nadamay lang si Leo. Tinanggap lang ni Leo ang pakiusap na siya ang
bumili... so, ngayong hindi nakabili, kasalanan niya kung wala silang
grade. Sows. Dapat nating tandaan sa mga ganyang sitwasyon, if we're
looking for the criminal, take a look at the mirror. Buti nga nasabi pa ngayon
na wala, pano kung kinabukasan pa nasabi yun? Edi mas nakakadisaster
ng mundo. Tsaka maaga pa nung nalaman namin na wala ngang nabili si
Leo, edi sana, naisip nang pumunta sa SM para maghanap.

` ` ` ` ` `
Nabasa ko lang sa blog ni Leo yung word na posero.
Ano nga ba ang isang posero? Ano nga ba ang isang
poseur?
Ayon sa Oxford Concise Dictionary:
Poseur
· n. (fem. poseuse) a person who behaves affectedly
in order to impress.
– ORIGIN Fr., from poser ‘to place’.

Sa ngayon, maraming ganyan. Kahit ako, siguro minsan
dumarating din sa point ng ganyan.
Sa paligid, maraming ganyan. Lalo na sa LHS. Lalo na sa
Loyalty.
Hindi kasi matanggap sa sarili ang kanyang kahinaan.
So, hindi niya napapansin na naka-maskara na siya.
Alam niyo yung kantang maskara ng Eraserheads? Yun,
ganun siya.

"naglalaro, nagpapanggap na ako'y ganap na tao.
Isang superhero... hindi nasasaktan, hindi nasasaktan,
hindi nasasaktan..."

"sa harap ng madlang tao, ay parang sikat na santo
ngunit pag-uwi nito, nag-iibang anyo... nag-iibang anyo,
nag-iibang anyo..."

"nagpapanggap na ako'y ganap na tao. Isang superhero...
hindi namamatay, hindi namamatay, hindi namamatay..."

Yan, ganyan lang naman siya. Hindi niya siguro nalalaman na
may mga taong nag-e-exist sa mundo na nakakaramdam ng
kalokohan niya. Hindi ba niya nalalaman na ang niloloko niya
ay ang sarili niya? Hindi ba niya napagtatanto na tuwing pina-
pairal niya ang kadakilaan niya eh mas nagmumukha siyang
tanga? Ano bang pinaiiral ng sistema ng mundo niya,
Paglaban sa sariling kahinaan o ang kataasan ng pride?
Kung kayo ang nakakakilala sa kanya, masasabi niyong pareho.

Pag nais mo'y mabuhay ng tahimik at walang gulo
Sundin ang aking payo
Payong kaibigan lang naman ito:
Easy ka lang,
Easy ka lang,
Easy ka lang--
At baka ka mahibang
Magmumukha kang timang.
~ Easy ka lang, Eraserheads

Haiz. Pero alam niyo, minsan masaya ang may kakilalang posero.
Pwede niyo siyang gawing hot topic sa mga conference/meeting niyo
lalo na kung nasa oval kayo at nagpapahangin habang pinapanuod
ang mga college students na tumatalon.

*just take a bite. it's alright. taste the taste that sent all mothers
giggling in sheer delight... just take a bite. it's alright. a little lovin'
and some fruit to bake. life is a piece of cake.*

` ` ` ` ` `
Dapat aalis kami ngayon... kaso... wala lang.
Since mga 1:30pm na ko gumising, hindi natuloy.
Dapat pupunta kaming Libertad ngayon. Kaso, yun nga.
Hehe.

Nu ba yan. Nandito na naman ako sa point ng katamaran.
Katamarang mag-isip. Nyaks.


` ` ` ` ` `
Wala lang.
Geh na nga.
Alis na muna ko.
Wala na talagang
maisip ikwento eh.
Gusto ko sanang ikwento
yung pagka-LSS ko sa
I Just Can't Stop Loving You
kaso kasi, hehe. Wala lang.
Kahit ako sa sarili ko eh ayokong
naiisip yun eh. Basta. Si Meng
lang ang nakakaalam ng rason.
Kaya ayoko rin panoorin yung
mv ng Remember The Time.
Kasi ano eh... haha. Langya.
Nandidiri na ko sa mga pinagsasasabi
ko. Geh, alis na muna ko.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer