Sunday, January 27, 2008

B-O-R-E-D

Nakakainis ang connection. Laging napuputol. Lintek.
Nag-DSL pa kung after every 2 minutes naman akong
nagre-reconnect.

Kung iisipin, kasalanan ito ni Itay. May kinabit kasi siyang
phone extension na something. Basta, mula nung ginalaw
niya yung linya/yung cord, na-disaster na pagiinternet ko.
Tinanggal na niya yung eksperiment niyang extension pero
magulo parin yung linya ng phone. Apektado tuloy yung DSL.

So, 7pm na. Casper na sa HBO. Hehe. Hinabol ko lang talaga 'tong
post na 'to kasi 4 days na pala akong walang bagong entry. Then
manunuod na ko ng Casper.


>>>>>>>>>><<<<<<<<<<
Babalik na nga pala si Mama bukas. Hehe. Wala lang.
Nabanggit ko lang. Masaya lang kasi. Tsaka makikita
ko na yung regalo. Sana pang-professional. Hehe. Demanding
naman ako masyado. Basta, kung ano man yun, yun na yun.


Teka, ano nga ba yun?


So, sa ngayon, pasensya. Pasensya dun sa mga tao/
iskulmeyts/klasmeyts na namihasa ng
'maki-celebrate' tuwing
nandito si Mama. Kapos kami ngayon kaya wala kaming space
para sa inyo. Kung magiimbita man ako, yung mga close-related
na tao lang.

Nakakahiya dun sa
mga-taong-hindi-close-related-pero-namihasang-makikain,
pero sana sa ngayon, kayo naman ang mahiya.
Next time nalang kami magpapa-piyesta para sa inyo.


'Wag magalit kung hindi naman ikaw.
Kung tinamaan ka eh baka guilty ka.
Alam mo sa sarili mo na kaya ka lang
nakiki-sakay ng tsubibo eh dahil sa
makikinabang ka.

>>>>>>>>>><<<<<<<<<<
Sports fest na bukas. Yellow ata kulay ng team namin.
Pero magbl-black ako. Hehe. Black is good ika nga ni Rain.

Basta, wala lang. Ayoko mag-yellow. At wala akong yellow
na damit. Ang totoo, meron. Yung shirt namin last year kaso
kapag yun ang sinuot ko, masyado naman akong loyal
(kung sa bagay, loyalty ang section ko). Meron pa pala akong
yellow na damit, kaso pangbahay. Tapos yung isa naman medyo
open yung likod. Yung isa naman, sleeveless. Hindi ako sanay sa
sleeveless. Pero may bolero naman ako. Pero kahit na, ayoko paring
magsuot ng yellow bukas.

Medyo may prob nga si Pia abt sa sf. Ewan ko kung nasolusyunan na
niya yun. Ako, hindi ko rin naman alam kung anong magagawa ko kasi
wala akong alam sa mga ganyan. Wala akong magawa kundi magbigay
ng sariling opinyon at suggestion. Basta.
Sana oks na lahat ngayon.


>>>>>>>>>><<<<<<<<<<

*currently listening to Sa Aking Pag-Iisa (nyaks)*

Kagabi, may conference kami. Wala lang. Sa conference na yun, na-refresh
sa sistema ko yung istorya ng By The River Piedra(...). Yung part ng
Break the glass. Yung mga linyang, "he clutched my hair..."

Hehe. Ang sama ko. Ok. End of that confe-topic.

Kagabi rin, habang nanunuod ng Myx News... natuwa na naman ako.
Hehe. Making kasi yun ng Monobloc. MV ng bagong kanta ng Pupil.
Nakakatuwa lang kasi yung intro (tama ba?) ni Ely. Tsaka ang tikas
ng hairstyle niya dun. Parang 21yrs old lang. Nakakatuwa.


>>>>>>>>>><<<<<<<<<<
Haiz...
wala na namang makwento.
Actually, meron talaga eh.
Kaya nga ako nag-post ngayon eh.
Siguro nakalimutan ko lang.
Nakalimutan ko na naman.
Geh, alis na muna ako.
Nood na kong Casper.
Siguro mamaya, ie-edit ko 'to.


EDITED.

Tumawag si Mama, mga more than an hour ago...
nagpa-rebook siya ng flight. Darating siya mamayang 12.
Gusto ko sanang sumama sa pagsundo kaso gabi na. Umaga na nga yun eh.
Sabi ng tatay ko, kung hindi ako sasama, matulog na raw ako.
Since hindi rin naman ako makakatulog agad, sasamantalahin ko ang pagkakataon
na makapag-internet. Then hihintayin ko nalang sila.

Gusto kong hintayin si Mama kasi, yung regalo niya, gusto kong
dalin bukas. Swak na swak kasi may event tomorrow. Masaya.
Magagamit ko na ang aking 'skills' sa larangan ng... hehe.

Ok. Geh.
Marami akong ka-chat eh.
Siguro bukas nalang ulit.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer