Ngayon.
So, kanina. Wala lang. Boring pero himala, hindi ako mas-
yadong inaantok sa klase namin. Dehin kagaya dati, talagang
bumabagsak yung optic nerve ko.
Simulan natin sa PE. Surprise ang Practical Test kanina. Swerte
nga lang at hindi pa ako natawag. Pero hindi rin. Mas maganda
kung natawag na ngayon para next week, wala ka ng problema.
Hindi ka na kakabahan. So, yun nga. Nakakaloko nga lang kasi,
nakatingin si Ma'am sa lugar namin (nandun kasi kami sa may
sulok na pinakadulo). Tapos may tinanong siya kay Daniella
(secretary namin). Ang nakakainis dun, sabi niya, "Ok, ang next
is G..." Then nanghula mga kaklase ko. Sabi ni Ma'am,
"Malapit na... G-sik..." So, ano yun? Gudlak. G-6 ako eh. Lintek.
Buti nalang iba yung tinawag, then huling-huli si Don Kim.
Ang masaya dun, nagaalisan na kami para magbihis, siya,
nandun parin at nakatayo, at mine-memorize yung mga steps.
Ewan. Ang ewan talaga. Masyado kasing kabado. Memorize
naman talaga niya eh. Hindi niya lang ma-execute. Tsaka madali
lang yung nakuha niyang steps *yabang-mode-evil-laughs*.
Sa Filipino, isang kahihiyan. Dehin naman masyado, kasi kumanta
lang naman kami. Nakakairita lang yung linya ni Lloyd, na ewan
ko kung nasa script - "Ang ganda naman ng mga boses ng mga dilag
na ito." Ewan. Natawa lang ako kanina. Pero na-ewanan talaga ako
dun.
Sa PA din. Isa pang kalokohan...
"Lagi ka nalang ganyan Mayet! Bakit hindi mo sinasabi saking
nagbitiw na ang mga stockholders natin? Paano na ang negosyo
natin niyan?"
Yamang pala ng Machang. May stockholders pa. *lols*
Basta, puro play, play, play, skit, skit, skit, play, group report,
kahihiyan, tawanan, trip, laughtrip, et cetera.
Nag-test sa Algebra. Gudlak ulit. On-the-spot ako nag-review.
Hehe. Cramming nga naman. Buti nalang may nasagutan ako
dun kahit pano. Sana naman pumasa. Nakokonsensya na ko
sa magulang ko eh. Pati narin kay Sir Manamtam *naks*.
Ngayon ko lang din kasi napagtatanto na madali lang talaga
ang lintek na Algebra na yan. Kaya mas naiinis ako kasi, yun
nga, madali. Tapos medyo hirap parin ako. Ewan. Tsaka
totoo yun sinasabi ni Sir. Practice lang yan. At totoo ring
tamad lang kami, ako. Kaya nga ngayon, plano ko naring
mag-BS Math sa college eh. *lols* Kalokohan. Pero hindi.
Seryoso yan. Pero hindi rin. Haha. Kalokohan nga. Ewan.
'To na naman ako. Seryosong hindi.
After ng classes, may napagusapan lang kami ni Leo. Tungkol
sa mga bagay-bagay sa buhay. Mga epekto ng masyadong
pag-iisip, mga epekto ng paranoia, mga signs ng nervous
breakdown... mga ganun. Hehe. Basta. Medyo seryoso ang
aming napagusapan. May kinalaman din sa isang kaibigang
malapit samin. At dahil sa medyo personal nga, hindi ko na
i-e-elaborate pa. Bahala na kayong magka-brain fracture
sa kaiisip kung ano man yun.
Kahapon.
Late ako ng 6 minutes. Pero hindi ako nalista ng dakila naming
secretary *evil laughs*. Iba na talaga 'pag gwapo. Ang gwapo
ko kasi eh. Alam mo yun *evil laughs*. Pasensya. Alam ko
namang hindi niyo naiintindihan. Ako rin eh. Hehe.
Keyboarding ang first subject. Pinaubaya ko na kay Kim Alec
ang gamit ko sa locker, at dumiretso na ko para humabol sa
aking unang klase. Nagsisimula palang naman sila. Warm-up
palang. Siguro kasi, dahil sa medyo tumakbo ako at medyo
napagod... 75 ang warm-up ko. Pangatlo o pang-apat na 75
ko ata yun this 4th grading. Pero ok lang.
Speedtest ang sunod. 3 minutes lang ang time na binigay eh
ang haba ng ita-type. Dalawang paragraphs yun pero yun nga
eh. Dalawang paragraphs na, mahaba pa.
After 3mins, na-type ko naman yung dalawang paragraph,
pero marami akong mali. Then 2nd round ng speedtest.
Syempre, mabilis ang pagta-type ko (duh, speedtest nga eh)
pero parang marami na namang mali.
Then after nun, checking na. Nakita kong mga 5+ yung mali
ko sa unang round. Pero 34 ata ang NWAM ko (mga 85+ din
ata ang equivalent nun). Yung pangalawa, 40+ ang GWAM at
tatlo ang mali *evil laughs*. So, ayun. 100 ang nakuha ko.
Syempre, natuwa naman ako. Madalas na kong maka-100.
Dati rin naman nakakakuha na ko ng 100. Pero hindi madalas.
Hindi kagaya ngayon. Pero dapat tandaan na si Kier Escueta
parin ang master ng Keyboarding ng Batch 1. *lols*
ispesyal mensyon pa yan...
na pina-type sa amin. Alam mo yun... Kung tao lang yun,
nasabihan ko na yun ng, "Namemersonal ka ba? Pakialam
mo eh ganun talaga. Masama bang tumugtog ng gitara
bago ka pumasok sa iskul at hindi namamalayang late
ka na pala?"
Tungkol kasi sa time management yung paragraph. Tungkol
sa mga priorities sa buhay at kung anu-ano. Dapat daw ganyan.
Dapat ganito. Dapat ganon... blah-blah. Alam ko naman
yung sense nung paragraph. Natuwa nga ako eh.
Iyak-tawa lang talaga yung reaksyon ko dun sa message niya.
Swak kasi sa pagiging latecomer ko eh (koeh?!? *lols*).
Tinuloy rin pala yung game. Wala lang. Game na nakaka-ewan.
Hindi makapandaya ang grupo namin *evil laughs*. Tsaka
hindi lang kami ang nakakapansin, pati ibang grupo. Ayokong
magsalita pero ewan ko lang talaga, ewan namin. Ang bias kasi.
Haiz. Swerte nga kanina kasi sakto kay Emphi yung "sign of the
10-month baby". Yun ata yung nilagay ko dun. Buti alam niya
ang istorya sa likod nun. Basta... anu ba yan. Pasensya. Wala na
naman kayong naintindihan. Hehe. Ganyan talaga.
Bukas.
May Fun Fest daw. Since wala kaming field trip, yun ang pinalit.
At kagaya ng field trip, dapat maagang pupunta ng iskul. As if.
6am dapat nandun na? As if talaga. So, yung mga dakila kong
kaklase, plano nilang pumasok ng 7:30. Hehe. Ano yun? Wala.
Trip lang nila. Ako, hindi ko alam. Kasi dehin ko talaga kakayanin
yang 6am na yan. So... wala. Siguro tatawagan ko si Larah-man.
Ang gulo talaga ng mundo.
Sige na.
Tinatamad na ko eh.
Sa susunod nalang ulit.
EDITED.
I'm currently watching Marrying a Millionaire.
Sows. Tuwang-tuwa ako dito. Ok naman talaga
yung istorya. Pero medyo `Ah. Ok.`lang ang
reaksyon ko. Ang totoo, masaya manood nito kasi
nandito si Go Soo. Haiz. Lintek. Nakakabading.
Inaatake na naman ako ng pagiging speak-less ko.
Sa ugali kong 'to... yung pintasera kong dila,
speak-less. Wala. Tulala lang ako. Tulala ako sa
isang nilalang na hindi ko mapagtanto. Nakakatuwa.
Hehe. Bakit ba ganyan yang mga Koreanong yan?
Kalalaking tao, ang gaganda ng kamay. Tsaka kahit
maging babae sila, kyut parin. Alam mo yun.
Kagaya nito:
Ganda diba. Inosenteng maarteang dating. Maniniwala ka bang
si Jang Geun Suk yan? Oo. Si
Jang Geun Suk, ang katipan ko.
*lols* Kalokohan.
Tignan mo naman siya dito:
Tikas. Nang-se-seduce pa.Lintek. Tapos ganun^...
Hehe.
Ok. Balik tayo kay Go Soo...
So, yun nga. Kagaya ni Jang Geun Suk, ang ganda ng
kamay niya. Wala akong masabing negative tungkol
sa kanya. Ang ganda pa ng tawa. Parang ewan lang.
Alam mo yun. Malamang, hindi. Malamang, oo. Ewan.
*Nyaks*
Hehe.Pasensya. Wala akong picture ni Kibum.
*lols*
Hehe. Geh. Tulog na ko.
Patapos na rin yung Marrying a Millionaire.
