Ganda ng intro niyang Careless Whisper.
Pang-machete dance *lols*
Walang pasok ngayon. Boring.
Ang alam ko dapat may play kaming pupuntahan.
Sa Makati raw. kaso, wala rin. Ewan ko kung may
pumunta sa iskul kanina para dun sa play. At kung
may pumunta, ewan ko kung pinapasok kasi, yun
nga, walang pasok.
Hindi pa ko tapos sa mga dapat kong gawin.
Medyo marami pa 'to. Ewan. Pero tatapusin ko
na ngayon... medyo sinisipag ako eh (akoeh?!?).
Ka-chat ko si Nicole kanina. Then sabi niya,
bibili lang daw siya ng butter. Mga after 10-15
minutes siya babalik. Kaso, higit isang oras na
ang nakakalipas, wala parin siya. Siguro nag-BRB
yun. *lols*
Nung Sabado, pumunta kaming Quiapo. Pumunta kami
dun para magpa-kyut. Hehe. Kalokohan. Basta. May binili
lang kami. Medyo nakakahilo. Puro polusyon kasi tsaka
mainit, ang daming tao, ang daming aso, ang daming...
wala lang.
Hindi kami dumaan ng Hidalgo. Ang totoo kasi, kaya ako
sumama kasi iniisip kong dadaan kami dun. Hindi rin
pala. Pero ok lang. May iba naman akong nabili na
kapakipakinabang at may silbi sa buhay.
Tapos... ano pa bang nangyari? Nakalimutan ko na naman.
Basta. Hilo ako at pagod ng mga panahong 'yon.
Tapos, pagkauwi ng bahay, computer, kain, nood ng tv,
kain, kain, kain, computer, computer, etc. Basta. Ganun.
Wala nga palang NAT nung Sabado.
Ayun...
Kahapon/Kagabi/Linggo
Wala lang. Nainis ako sa sarili ko. Ang ano kasi eh (kasieh?!?).
Kung may mapagsasabihan lang ako ngayon. Kaso, wala.
Si Leo ang pinakapwedeng pagsabihan ng blah-blahng nasa
system ko ngayon, kaso, wala siya. Dehin siya OL. Pina-reformat
ata yung PC nila.
*currently playing - The Last Supper
@#$! Ang lupfhet ni Manx. Nadadala yung circulatory system
ko. *
Dahil nga sa naiinis ako sa sarili ko kahapon (actually hanggang
ngayon), at dahil sa tinamad na kong mag-open ng blog ko,
nilagay ko nalang sa MS Word. So, i-pa-paste ko nalang dito.
Ito yun eh (yuneh?!?):
Nyaks. Ano ‘to? Wala lang. Ang dami talagang ewan nitong
Micro 2007. Nakakapanibago (malamang).
Ano nga ba talagang purpose ng pagta-type dito?
Ang totoo kasi, post sana ito sa blog. Kaso, tinamad na kong
mag-open ng aking account. Nakakatamad kasi magta-type
ka pa, etc. Basta. Diba nakakatamad yun?
(ano kayang ginagawa ko ngayon)
Haiz…
Yun nga. Ano nga bang topic?
Wala naman talaga.
May isang ewan lang kasi dito na… potek.
Dito, sa loob ng utak ko <--- Hindi totoo yan.
Nakakaurat (naks, idol ko na si Emphi). Pabigla-bigla ako
ngayon.Hindi ko alam kung bakit. Letse kasi. Nakakaano
ang mga tao. Bakit ba kasi ganun. Alam mo yun? Syete.
Ang hirap magkwento. Pakiramdam ko kasi may isang
ewan na nakakabasa ng utak ko. Lahat ng iniisip ko,
ng gusto kong gawin, sabihin, etc. Lintek. Nakakainis.
Hindi lang ako sigurado kung siya nga yun… Lintek talaga.
Paranoid na naman ako. Nakakaur… Nakaka-ewan. Ang
ewan ng mga nangyayari. Bakit kasi kailangan pa ng ganyan.
Potek. Nanlalamig na ko dito. Wala namang mangyayari slash
nangyayari pero kabado ako. Lintek. Actually may nangyayari
eh (nangyayarieh?!?). Nasa alanganing stage pa nga lang ako.
Alam mo yun… @#$! Talaga. Alis na nga ako. Baka bigla kong
masapak yung monitor eh (monitoreh?!?). Wala pa namang
pera ngayon… Tsaka naka- save yung pera ko para sa
The Fifth Mountain. Ibibili ko ng bago si Emphi. Na-disaster
kasi yung libro niya eh. Na-disaster ng dehin ko ginagalaw.
Ewan ko kung bakit. Nandito lang naman yun sa bahay.
Haiz… Basta. Naiinis talaga ‘ko.
Ayan. So, nabasa niyo na.
Lintek talaga. Ang ewan.
So, tinatamad akong mag-type
ngayon. Umulan kasi eh (kasieh?!?).
So, sa susunod nalang. OK?
Geh, bye.
8->
Monday, February 25, 2008
careless whisper
. .
