Tuesday, February 5, 2008

Wala lang.

Walang sense ang entry na ito.
Dumalaw lang ako ngayon.
Siguro sa Friday na ko magpo-post ng matinutinong entry.

Sa ngayon, gusto ko lang sabihin na...
kung sino man ang makakapagbigay sakin ng
Canon EOS 350D/Digital Rebel XT ay pakakasalan ko na.
(*evil laughs* Kalokohan eh 'no. Ang gagu ko talaga.)

Camera yan. Digital SLR Camera (Yata. Pero alam ko, oo).
So, yun nga... kung sino man ang makakapagbigay niyan sa akin,
kung afford mo, ibigay mo na. Puntahan mo nalang ako sa PUP
LHS, sa room ng II-Loyalty. Kahit anong oras, available ako.
Hanggang 5:30-6:00pm. Hehe.


Kung wala kang maintindihan, kung feeling mo eh OP ka (ang
layo, OP dahil sa camera), search mo nalang sa internet kung
ano yang Canon EOS 350D na yan.


Tinanong ko nga pala si Leo kung ano ang disadvantages ng mga
Digi SLR Cams... wala lang. Hehe. Basta, walang nagbago,
gusto ko parin ng Canon EOS 350D.

Pero kung may iba kayong mai-o-offer na sa tingin niyo eh mas magandang
Digital SLR Cam, pwede ring yun nalang. Siguraduhin lang na mas maganda
nga.


Langya, as if may magbibigay talaga eh 'no.

Gusto ko lang talaga ng Digital SLR Camera kasi ang saya niya
eh. Haiz. Ano ba yan.

` ` ` ` ` `
Binabasa ko ngayon yung Veronika Decides To Die. Tuwing binabasa ko mga
libro ni Paulo Coelho, lagi ko nalang hinahanap-hanap
yung By The River Piedra
I Sat Down and Wept. Ikaw, kung hindi mo pa afford ngayon yung camera,
oks na sakin 'tong libro na 'to. Hehe.

*currently playing billy jean* - napapasayaw na ko dito.
Hala, I Just Can't Stop Loving You na yung kanta. TGSH! Patay na ko. Pia, help!
Giniginaw ako! *evil laughs*

` ` ` ` ` `
Geh, sa Friday nalang ulit 8->

EDITED.
About dun sa camera.
Pwede rin pala yung Canon 400d. Hehe. Talagang hinabol ko pa 'tong
post na 'to. As if meron talagang magbibigay.

Basta.

Sabi rin nila, makakabili ng matitinong camera sa Hidalgo, sa may Quiapo.
Yung brand new na Canon 400d costs 35k. Mura na diba?
(Langya, parang ang yaman ko. Sarap mangarap! WHOOOOOOOOOOO!!!)
Meron din namang nagkakahalaga ng 40k. Hehe. Kung mAyAmAnG ka,
yun nalang.

nyaks. sticky caps.


Ewan. Seryoso ako na hindi dito.
Seryoso ako kasi gusto ko talaga ng dslr cam. Yung tipong nakasabit pa
sa leeg mo na para kang pro photographer. Pero hindi lang yun yung rason
kung bakit gusto ko ng cam. Ang babaw naman kung yun lang, parang nagpa-
pasikat ka lang na ogsers. Basta, natutuwa kasi ako sa photography eh.
Alam mo yun...

Kung sino talaga ang makakapagbigay, langya, ewan ko nalang.
Napakadakila mo dahil matutulungan mo ko sa pangarap ko... isa pala sa mga
pangarap ko. Haiz...

*halika, tikman ang langit...*

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer