Wala lang din ang post na ito.
Bukas talaga yung matinong post. Basta, kung kelan ako
ganahan mag-post ng mahaba-haba.
Dinala ko si Felidae sa iskul kanina.
*currently playing Hotel California. Hehe. Backmasking... wooshoo...*
Wala lang. Dinala ko kasi akala ko magpa-praktis si Louise.
Hindi naman pala... at may gitara naman pala siya. Gitarang
akma sa nature niya, kananete kasi siya.
Kagabi, habang nagse-search ako ng mga kanta ng Sugar Hiccup,
saka ko lang na-realize na ang pangalan ng rhythm guitarist nila
ay Czandro. Wala lang. Nakakatuwa. Parang Felidae (kung alam
niyo ang history ng Felidae, makaka-relate kayo sa Czandro).
Tapos, rhythm guitarist diba? Parang si Lobo lang. Eh si Lobo nga eh
kamukha ni... ni Czandro. Hehe. Ewan.
So, kailangan ko na talagang binyagan si Felidae. Para kapag may
bass na, Czandro ang pangalan niya.
Talagang sa bass...
Geh, sa susunod nalang.
Ngayon ko lang din napagtanto na si Punk Zappa sa Circus ng Eraserheads
ay kinuha lang ata kay Frank Zappa. Haiz. Nu ba yan.
Thursday, February 7, 2008
Wala lang - Part ii.
. .
