Dapat magpo-post ako kahapon. Kaso tinamad ako eh
(akoeh?!?). Nadala kasi ako dun sa mga nabasa kong
quotable quotes para sa mga suicidal dahil sa pag-ibig.
Korni yung iba. Yung iba naman tumama sakin ng
tagus-tagusan. Wala lang. Kasi na-i-imagine ko yung
mga pangyayari, then iniisip ko ako yung character.
Yung ganun ba. Ano nga bang tawag dun? Nalimutan
ko na. Nung Gr6 pa kasi tinuro sa amin yun eh (yuneh?!?).
Ang daming epalogue ngayon. Hindi ko alam kung
anong trip nila pero napaka-ewan nila. Mga taong walang
magawa sa buhay na akala siguro nila, nakakatuwa sila. Sa
tingin ba nila makakatulong sila para mapigilan ang polusyon?
Hindi naman. Pero, ewan ko. Wala narin akong pakialam sa
kanila. Ganyan din naman kami minsan.
Isang kwento na alam kong mga kaklase lang ang
makaka-relate
Kanina sa PA, natawa lang ako kay Lloyd. Talagang ako yung
naisip niya sa mga deskripsyong nakasulat dun sa 1/4. At ang pang
-asar talaga dun, si Peñ
taxi lang na nakita namin. Ang ganda ng nakalagay: Leoflor.
Hehe. Diba, Leo? *toinks*
Siguro nga malakas boses ko. Ewan ko kung malakas. Malakas
nga ata, lalo na kapag nagre-recite (syempre, minsan na nga lang
ako mag-recite hindi ko pa lalakasan). Tsaka kasi, gusto ko dati
maging Corps Commander ng batch namin. Hehe. Etsos lang. Pero
minsan naring gumuhit sa isip ko na gusto kong mag-CO. Pero, wala
lang. Ayoko na ngayon. Tungkol naman dun sa isang deskripsyon,
totoo naman na madalas kong masabi ang mga ss na salita: gagu,
ogag, potek, ponyeta, letse, syete, pakshet, pakyu, at putikanang...
Totoo naman yun. Mas magiging makasalanan ako kung itatanggi ko
'yon. But since ako ang unang naisip ni Lloyd, sa tingin ko, hindi
pa nga niya ako kilala (since ang game kanina ay tungkol sa kung
gaano mo talaga kakilala ang klasemeyt mo). Pero ok lang. Hindi
masama ang loob ko. Gusto ko lang tagain sa likod si Lloyd. Hehe.
Etsos. Kalokohan na naman. Pero sana lang, kilala na nga ng bawat
estudyante ng Loyalty ang kapwa klasmeyt niya. Or pati narin skul-
meyt, at mga titser.
About ulit sa PA. Ang saya nung quiz. Parang ogag lang (nakup,
'yan na naman). Napilitan akong magbigay ng dalawang sagot
sa katabi kong dakila na itago nalang natin sa pangalang Ephraim
Gianan kasi alam kong isa siya sa mga pag-asa ng grupo namin.
Pero ok narin. 150 points naman ang merit ng grupong may best
name: The Team-Ang...tre (Ang...tra ata yun). Ang dakilang Group
5 na mula nung Steno Grading... teka, kelan nga ba nag-start ang
steno? 3rd grading diba? Ayun. Sige, ulitin natin...
Ang grupong may Best Name: The Team-Ang...tre/tra. Ang dakilang
group 5 na mula nung 3rd grading ay pinagiinitan na ng mga ST. Ang
grupong laging may demerit dahil maingay daw at dehin nakikinig
(pero minsan, totoo naman). Pero oks lang. Masaya naman kami.
Parang ngayon lang ako naging proud sa grupo namin ah
(naminah?!?). Ngayon ko lang nailagay dito sa blog ko na kami
ang Best Name at ang grupong "akalain mo yun". Alam niyo yun?
Best Name lang naman kami at hindi mo talaga aakalain ang mga
resulta ng paghihirap namin na kahit kailan hindi naman talaga
namin masyadong pinaghirapan. *lols* Yabang mode. Paseynsiya.
Nagagaya lang naman ako kina Leo. Pero actually, natutuwa
talaga ako. Wala lang. Nakakatuwa lang...
Sa may College Building/Northwing/Eastwing
(hindikotalagamatandaankungsaan), may nakasalubong akong
kamukha ni Ely Buendia at Bogs Jugo. Kapag sinuswerte nga naman.
Habang pabalik naman sa LHS/room with Toni-Meng, may
nakasabay kaming "do you feel like a man, when you push her
around..." (alam niyo na yun). Tsaka nakasalubong ko na naman si Ewan
at syempre ganun parin (Hindi si Fine Arts yan. Ok? Understood?).
Sa dyip naman na nasakyan namin ni Leo, may dalawang
mag-repa na nakaupo sa kabilang side (malamang) at saktong nasa harap
pa namin ni Leo. Akala ko'y tunay lamang talaga silang magkaibigan
ngunit nakakairita ang pagbabaklaang ginagawa nila
(Ang sama ko talaga. Paseynsiya nalang sa term).
Ano pa nga bang ilalagay ko? Nakalimutan ko. May conference kasi
ngayon eh (ngayoneh?!?). So medyo dalawa ang pinagbabalingan
ng atensyon ko.
Or siguro, bukas nalang.
Para next entry. Ewan.
Basta. Mga Par`,
kung hindi ko man ma-edit
(lagi naman eh. namaneh?!?),
yung next entry nalang...
OK?
Geh, bye.
Sa susunod nalang ulit.
8->
Friday, February 22, 2008
Frozen in time... *toinks*
"---"---"---"---"---"---"---"
MGA PANGYAYARI KAHAPON
"---"---"---"---"---"---"---"
Edit ko nalang mamaya.
. .
