
May nangyari kanina. Dahil sa nangyaring yun, mas tinamad
akong i-edit yung post na matagal ko na dapat pinost na
hindi ko pinost dahil tinamad ako kasi nagloko yung DSL namin.
Yun nga, may nangyari kanina. Ayoko masyadong mag-reak
kasi kapag nag-reak ako, magiging exagge yung dating o parang
masyado akong apektado. Pero kasi, marami akong tanong ngayon
ng dahil sa pangyayaring nangyari kanina at... at... ano... Lintek.
Dahil sa nangyari kanina, parang ang gusto ko ng tugtugin sa
music ay Torpedo ng Eraserheads. Pero as if naman. Kaya sa
ngayon, Torpedo ang nasa playlist ko. Hanggang pag-awit
nalang muna ako.
Gusto ko lang talaga sabihin na pasensya na. Pasensya kasi...
...hindi ko alam kung pano sisimulan 'to.
...hanggang ngayon nakikita parin kita
(Literal at hindi. Dalawa yan. Basta. Nakikita parin kita).
...hanggang ngayon tinititigan parin kita.
...ikaw parin ang alaala sa likod ng `Tuliro`.
...alay parin sayo ang mga tula ko.
Pasensya kasi hanggang ngayon, hindi ko alam, pero ganun parin.
Oo, hindi na kagaya dati, pero... pero ganun parin.
Tanong ko lang, bakit ka nakatingin? Bakit hanggang ngayon
nakatitig ka parin?
` ` ` ` ` `
Pinapraktis ko kanina yung Teardrops on My Guitar. Madali lang
yung chords, plucking nga lang yung intro. Pero praktis parin ako
para maging tennis player ako. Konek? Hehe.
Dahil sa pagpa-praktis ko, mas napagtanto ko na, malaki talaga si
Felidae... at ang dami niyang iskratses at may alikabok sa ibang
parte ng katawa niya. Nauwi tuloy ako sa paglilinis. Pero oks lang.
Kaso, nakatatak na sa balat niya yung mga iskratses. Nakakainis.
Nakakainis kasi hindi ko pa siya napapaiyak, puro iskratses na.
Ispiking op gitaras, kinuha na ni Nicole yung gitara niya kanina.
Tinanong ako ng taga-Don Jon (Kilala na ata ako. Naalala nila
ako eh) kung kelan ako bibili ng gitara ko. Sabi ko, sa susunod
nalang kasi meron na ko.
Sa ngayon, gusto ko na talagang bumili, yung pangkanan. Kaso,
walang pang pera. Tsaka hindi talaga ako sanay sa pangkanan
na gitara. Pero gusto ko talaga bumili. Pero kasi... yun na nga.
` ` ` ` ` `
Sige. Alis na muna ako. Hanggang dito nalang muna ang entry for today. So, ok. Sa susunod nalang ulit. Geh...
ang hirap magkunwaring bulag sa mga bagay na kitang-kita at alam mong... basta... yun na yon.
ang hirap magkunwaring bulag sa mga bagay na kitang-kita at alam mong... basta... yun na yon.
