Walang maisip na title. Hehe.
I'm alive. And I'm currently using my cousin's Aeonfluxlikeandoh-sotikasnaPC.
Naka-Vista na kasi. Ang tikas talaga - black kasi eh. Hindi ko alam kung kamalasan ang nangyaring pagkasira nitong PC pero kung hindi 'to nasira, hindi ito Vista ngayon.
(Medyo inatake kasi ng pagkasira itong computer sa kalagitnaan ng gabi noong Dec2907 kaya naiwan sa ere ng YM conversation namin si Nyx.)
Ok, flashback tayo ngayon...
` ` ` ` ` `
TV Talk.
Matapos masira ng PC, at dahil walang magawa, balik na naman ako sa tvaddictionmode. Masaya naman at nakakatuwa kasi kabisado ko parin yung mga channel na gusto ko.
Bumabalik ang mga koreanovela sa GMA at ABS.
Pag commercial sa Spring Waltz, lipat naman ako sa Coffee Prince. Sa ngayon, enjoy ako sa Coffee Prince. Nakakatuwa sila. Sa Spring Waltz, ngayon ko lang napagtanto na gwapo nga si Daniel Henney. Siguro masyado lang akong naka-focus kay Hyun Bin dati nung pinapanuod ko yung My Name Is Kim Sam Soon. Teka, tama ba?
Dahil nga sa palipat-lipat ako ng channel, napapanuod ko rin yung mga commercials nila. Hindi ko alam kung bakit ako natutuwa sa mga ad (parang hindi ad ang tamang term para dito) nila na may kinalaman dun sa manipulasyon ng mga ratings. Parang doon lumalabas ang character nila. Hehe. Ayoko nang magsalita. Sana magkaayos na sila... yun na lang.
Kapag walang mapanuod na matino takbuhan ko ang HBO. Pansin ko na tuwing ililipat ko dun, laging sumasakto sa The Fast And The Furious: Tokyo Drift. Dahil sa hindi ko naman nasisimulan, hindi ko alam yung flow ng istorya. Hindi ko alam kung bakit sumabog yung tsekot ni... sino yun? Han? Han nga ba? Then, hindi ko alam kung bakit siya nakipag-race. Hindi ko alam kung anong konek ni Takashi dun sa matandang naka-puti na uncle pala niya... basta. Marami akong hindi naiintindihan. Pero natutuwa ako kasi ang gaganda ng mga tsekot nila at ang tikas ng drifting. Pero yun nga, hindi ko parin alam yung istorya.
Then nung Thursday, 11pm, napanuod ko na ito ng buo at nasimulan ko na. Medyo naintindihan ko naman at natuwa parin ako sa drifting nila. Napansin ko rin ang similarities ng Initial D at nung movie. Hehe.
Jan 3 rin (pero 4 na yun actually kasi madaling araw na), napanuod ko yung trailer ng V for Vendetta. Ang saya ko na naman. Tapos narinig ko na naman yung I Found A Reason. Nakakatuwa talaga. Makikita ko na naman si V at si Evey.
Napanuod ko rin yung sa FD3 (pero hindi nung Jan 3. nung mga nakaraang araw pa). Hehe. Talagang pinagsabay pa ngayong January yang dalawang yan. Mapa-paranoid na naman ako.
Ipapalabas din yung Memoirs of a Geisha. So... may mapapanuod na naman akong bago. :D
Balik tayo sa usual channel - ABSCBN. Yung PBB.
Medyo nanghinayang ako para kay Jon. Tsaka nung gabi na lumabas siya, dun ko lang din napagtanto na gwapo nga siya. Hehe. (Laging delayed ang system ko.)
Then napansin ko lang kagabi habang nanunuod ako, na medyo napatulala ako sa mga nangyayari sa napapanuod ko. Literally, napatulala. O___O
Siguro na-shock... hindi... hindi naman na shock. Medyo nawindang lang. Nawindang ako sa destruction ng coin tower nila. Siguro kung ako yung nandun eh minura ko na at isinumpa kung sino man ang bumato nung bola na swak na swak naman ang pagtama dun sa coin tower. Kung iisipin kasi, sa taas ng coin tower na yun (kahit hindi pa umaabot sa required na tatlong dangkal) makikita ang effort at patience na ibinigay nila sa paggawa nung task at sa loob lang ng split second ay gumuho ang output ng hardwork nila. Nakakaloko.
` ` ` ` ` `
Blah - Blah.
Napaaga ang computer ko. Si Mama ang nagpa-advance. Nung una kasi sabi, early January then sabi pagbalik nalang ni Mama then nung Wednesday, sabi sakin sa Friday ko na makukuha yung bagong PC.
Hindi ko nakuha yung PC kahapon pero ngayon na ata ihahatid dito nung technician. Nagpa-install pa kasi ng mga kung anu-ano (Photoshop, Picasa, Fireworks, etc). Tsaka lalagyan daw yun ng "games" na sana nga eh games. Yung games na malalaro ko. Hindi yung kung anu-ano games... :D
Tsaka may isa pa bukod sa PC. Makukuha ko ito pag-uwi ni Mama sa Feb. Hehe. Saya.
Ang bait ng nanay ko, ngayon ko lang na-realize. Haha, echos. Ang sama ko. Dahil sa bagay na yun, na-konsensya 'ko lalo. Na-inspire tuloy akong tapusin yung Capitolo para tumaas-taas naman ang grade ko sa Algebra (na binabagsak ko na pinaglalaruan lang ng nanay ko).
Nung sinabi sakin ni Itay yung tungkol dun sa something na iyon na matatanggap ko sa Feb eh pigil na pigil ang kaligayahan ko. Hindi ako makatawa ng malakas. Pagkarating dito sa kwarto, hinawakan ko yung isang libro by Bob Ong at binuklat ang mga pahina nito at saka tumawa. Kunwari natatawa ako sa binabasa ko. Hehe.
Na-tats talaga ako at tenkpul ako ngayon. Sana February na. Sana, February 15 na.
(Ayan na naman, Feb15 na naman. Bumabalik na naman si Ano...)
` ` ` ` ` `
Itong bakasyon na 'to, madalas akong matulog ng maaga. Lagi nalang madaling araw: 2:30, 3:00, 3:30. Pinakamaaga na yung 2am. Tapos ang gising ko naman: 1:30pm, 2:30, 3:30, 4pm.
Maaga talaga akong nagigising, mga 5:30 or 6am nagigising ako pero syempre, matutulog ulit ako. Ang sunod kong gising, mga 10-11:30 at matutulog ulit ako. Ang huli kong gising, 'yan nga. Pinakamaaga na yung 1:30pm.
Nung Thursday, maaga akong nagising(6am) at hindi natulog. Kahit almost 4 hours lang yung tulog ko, hindi ako inaantok. Natulog na naman ako ng 2:30.
Kinabukasan, Friday, maaga akong nagising(6:34am) at natulog ulit. Nagising ako at feeling ko, 10:30am palang. Tumingin ako sa orasan at natuwa ako sa nakita ko, 4pm na. Hehe. Dahil sa naka-kulambo ako at si Itay ang nagtatanggal nung kulambo pag gising na ko,
Tatay Ko: Nag-aalangan na kong tanggalin yang kulambo mo eh...
Ako: Bakit?
Tatay Ko: Eh gabi na eh. Matutulog ka na ulit eh.
Ako: *natawa*
Wala naman akong magagawa kung bumawi ako nung Friday sa kulang kong tulog noong Thursday.
Kagabi naman... kaninang madaling araw pala, naasar ako sa pangyayaring yun.
Huli akong tumingin sa oras noong mga 1am. Sa pagkakatantsa ko, after an hour natapos ang kwentuhan namin ni Itay at saka ako humiga sa kama ko. Syempre, nag-reminisce muna ako habang nagaantay na may lumabas na multo/aswang/demonyo/anghel/nagnining-ning na emerald/taong pugot ang ulo/babaeng nagbigti pero wala. Plano ko ng matulog pero inisip ko kung anong oras na. Sa isip ko, "Kung tatantsahin, sigurado, may 3am na". Naghintay ako ng ilang minuto, mga 5 minutes pa para hindi ko masaktuhang 3am pagka tinignan ko na ang oras sa orasan ng cellphone ko. Kaso, nabadtrip ako. Pagkatingin ko sa cellphone ko, 03:00am flat. PONYETA. Naisip ko na kamalas-malasan naman at nasaktuhan ko ang ka-demonyohan ng oras. Wala. Pumikit na ko. Pero parang hindi rin ako nakatulog. Dumilat ako ng 6am at hindi na natulog.
Kanina, medyo nilinis ko yung kwarto-na-mukhang-bodega namin.
Ngayon ko lang na-realize na ang bigat ni Felidae. Hehe. Mas mabigat pa sa keyboards ko.
Naasar ako sa mga lintek na alikabok. Nakakainis sila. Ang dami. Segu-segundo atang nagre-reproduce ng bagong henerasyon yung mga alikabok na yun. Hindi pa sila napapagod? Hindi ba nila naiisip na kahit magreproduce sila at humayo sa kwarto namin at magpakarami eh mawawalis at mapupunasan din sila? Ewan. Pero alam ko, may natitira pang tribo ng alikabok sa kwarto namin na hindi ko nawalis. Ang bigat kasi nung isang parang malaking kaldero, hindi ko masyadong nawalis yung likod nun.
Basta, nakakainis ang mga alikabok. Parang watercolor na pinipinta sa isang manipis na bond paper na mabilis kumalat. Ganun ang mga alikabok. Nangaasar sila habang winawalis mo sila. Para din silang mga dandelion na sumasayaw sa ere na akala mo nakakatuwa tapos kung saan-saan lalapag. Syempre, wawalisin ko na naman. Ewan. Nakakapagod sila at nakakaloko.
` ` ` ` ` `
So, medyo mahaba na 'to.
At mga tatlong oras na rin akong nagta-type.
At dehin ko pa natatapos ang pagkain ko.
At hinihintay kong dumating yung technician.
At tumutugtog ang Tuliro sa isip ko at naaalala ko yung reloj ko.
Hehe. Leche. Tuliro at reloj na naman.
