Saturday, January 12, 2008

Lebring Panambak...

Ganda ng title ko. Hehe.
Makasaysayan yang "Lebring Panambak" na iyan.
Saka ko nalang iku-kwento kung saan ko nakulimbat 'yan.

Flashback ulit tayo ngayon.

` ` ` ` ` `
Matagal akong wala dahil sa problema ang internet connection. May "something" kasi eh. Kahapon, naka- Dial-up lang ako hanggang kaninang mga 6pm. Dial-up na nakakaubos ng pasensya.

Nakakainis, ang bagal. Ang bagal talaga. Ang bagal-bagal. Hindi na ako sanay. Parang may virus 'tong PC sa bagal niya maka-fully load ng isang site. Na-windang nga ako nung nakita kong after 4 hours pa matatapos ma-download yung Nuestra SeƱora Dolorosa na dati'y sa loob lang ng ilang segundo eh mapapakinggan ko na. Swerte nga kanina, 31.2 Kbps ang speed ng connection. Kahapon kasi 24.0 lang. Ilang beses na kong nanalo sa Solitaire hindi pa fully loaded yung blogger. Kaya hindi ako nag-post ng entry kahapon, nakakatamad din kasi.

Speaking of Solitaire, yun lang ang nilalaro ko ngayon. Tsaka yung FreeCell na nakakadurog ng utak pero masaya laruin. Yun lang kasi ang games dito sa PC sa ngayon kasi medyo bago.
(Gamit ko ngayon yung PC ko. Hindi PC ng pinsan ko. Sira kasi yung PC niya. Baka next month na ipagawa.)

*currently playing The Last Supper ~ Mistula. Ang tikas ng lead. Galing ni Manx...*


Buti nalang, oks na ang DSL ngayon. DSL na nakakaloko. Langyang connection, nawawala maya-maya. Ewan ko kung anong problema. Siguro kasi umuulan. Pero hindi eh. Dati naman kasi hindi ito ganto. Ewan.
` ` ` ` ` `
Pasukan.
Excited ako na hindi.
Excited kasi makikita ko na naman ang aking mga Par, masasampal ko na naman si Mark, kopyahan na naman, mag-iingay na naman, mangti-trip na naman, at siguro, excited na rin kahit pano kasi masusuot ko na naman ang reloj kong mahiwaga slash milgroso slash nagagawang posible ang imposible.

Hindi ako excited kasi ang alam namin, 16-18 ang Periodicals. Dahil dun, cramming na naman. I-ru-rush na naman kami sa lahat- requirements, projects, etc. Basta, hindi nakaka-excite ang sumakit ang ulo.

(Salamat kay Nyx at natapos ko ng overnight ang Makabayan ko. Salamat kay Adrian dahil sa loob ng 11 mins ay natapos ko ang Lesson 16 at 17 sa Asian Civilization *11 mins pa talaga*)

Maraming nagbago, at sa tingin ko, mas marami ang hindi nagbago. Ewan ko lang. Siguro hindi lang gumagana yung system ko dahil sa "matagal" na bakasyon.

May mga teachers na hindi nagturo. Mabait nung 1st day. Merong masisipag at nag-lesson sa mga tinatamad pang estudyante.
` ` ` ` ` `
Dahil nga sa araw-araw kong suot yung reloj ko, edi araw-araw din ang cruciform.
Kung hindi niyo na-gets ang "cruciform" eh huwag niyo nang intindihin dahil mas makakabuti iyon para sa lahat.

Natawa lang ako sa cruciform ng kahapon(Friday). Patawa talaga yung lintek na 'yon. Feeling naman niya eh epektib yung mouchoir niya. Natawa talaga ko. Tsaka tanga lang ang makaka-absorb ng kalokohan niya. Sa dinamidami ng tao sa makasaysayang rue na iyon ay siya lang ang naka-mouchoir.

Haiz... Every breath you take, every move you make, every smile you fake, I'll be watching you...

Hindi lang alam ng nakararami, Nagiging dolorosa ang mundo ko tuwing nabubuo ang cruciform.

Balik tayo sa kahiwagaan ng reloj.
Sabi ni Pia, epektib daw talaga ang pagsusuot ng reloj araw-araw. Hehe. Naipasa ko ata sa kanya ang swerte ko. Pero oks lang. Pareho naman kaming nag-e-enjoy sa mga milagrosong reloj namin. Hindi namin alam kung bakit ganoon, pero, karirin nalang ang himalang ibinibigay nito at magpasalamat.
` ` ` ` ` `
Nanaginip ako nung Thursday (Thursday/Friday ng madalingaraw). Nakakagag-o ang panaginip na iyon. Ganung panaginip na naman. Oo, na naman... may patay na naman.

May patay. May mga patay. Maraming patay. Hindi kasing brutal ng nauna kong panaginip noong July 2007 pero mas malakas ang impact nung ngayon at mas nakaka-paranoid.

Nung naikwento ko kay Nyx yung "dream of July'07", sabi niya pwedeng dalawa ang meaning nun: may nagpaparamdam or merong mangyayari. Sa tingin ko naman walang nagpaparamdam (kasi wala naman akong alam o natatandaan na kakilala o taong namatay ng ganun) kaya may mangyayari. May nangyari nga.

Ngayon, iniisip ko, may mangyayari. Hindi ko lang alam kung ano at kung sino ang magiging involved. Sana wala. Nakaka-paranoid talaga nung una. Parang premonition na ewan. Ayoko pa naman ng mga premonitions. Marinig ko palang yung word na yun naiinis na ko kasi parang may mangyayari talaga. Ewan. Sana nga walang meaning yung panaginip ko. Ewan. Ewan ko talaga.

Medyo malabo ang pagku-kwento ko dito. Ayoko kasing i-elaborate kung ano talaga ang mga napapanaginipan ko.
` ` ` ` ` `
Sa ngayon, nagdo-download ako ng mga fonts at kung anu-ano pang kailangan para dito sa PC. Mga kaartehan lang naman ang mga iyon. Mga kaartehan para maging ganap na PC ang PC ko.

Hindi ko na maalala kung ano pa ang ibang nangyari.
Basta, maraming assignments ang tinambak sa amin para tapusin this weekends. Syempre, wala pa akong nasisimulan. Lagi namang ganun. Bukas ko nalang sisimulan at itutuloy sa Lunes ang ibang bagay na hindi ko alam kung paano gawin. Tatanungin ko ang mga klasmeyts ko na mababait at mangongopya nalang sa kanila... mali, magpapatulong sa kanila. Hehe (totoo ba yan?).

Sa Feb 28 daw ang play. Medyo matagal pa. Oks lang iyon para makapaghanda. Tsaka next week daw ang auditions para sa mga characters. Sino kaya si Wilfredo?
'Nu ba yan, bumabalik na naman yung, "Mang Pred"

Tsaka sa 17 na ang monthsary ng JPD.
Dapat may party. Hehe. Kaso walang pondo...
` ` ` ` ` `
Geh.
Neks taym nalang mga Par.
Wala na kong makwento.
Hindi gumagana ang system ko ngayon.
...

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer