Nainis ako sa lintek na blog na 'to. Hindi ko naman kasi alam na sagad-to-the-side yung width ng main box ko (ito, ito yung main box, kung nasaan ang mga entries). Hindi ko alam na ganun ang istura nito sa mga PCng may screen resolution na 1024 x 768 px. Na-leche talaga ako. Parang tinamad na kong mag-blog nung pinakita sakin ni Nyx yung screen shot ng blog ko. Inedit ko naman para maayos pero parang tinamad na talaga akong mag-blog after that. Hehe. Kagaguhan.
Actually, ang may problema ay ang dakilangpunyetskinggatas na computer na ito.
17 inches lang naman ang monitor pero mula nung huling pagpapagawa nito, naging ganto na ang screen resolution. Sa ngayon, naka-set ang screen resolution sa 1280 x 1024px. Ang laki. Gatas talaga. Ewan ko. Kapag ginagawa kong 1024 x 768, lumalaki lahat. Yung toolbars, icons, title bars, etc. Basta, lahat. Lahat nagiging extra large. Pero kapag binalik ko sa dati, kapag 1280by1024, normal ang lahat. Ewan. Hindi ko alam ang gagawin. Since dehin ko naman talaga PC 'to, hindi ko nalang papakialamanan dahil baka mamaya, biglang sumabog. Hehe.
` ` ` ` ` `
Speaking of PC, sabi ni Ina at ni Ama, ibibili nila ako ng bago at sariling computer pagkabalik ni Mama.
Humantong sa ganyang desisyon dahil sa isang pangyayari. Parang family problem. Masyadong personal kaya hindi ko nalang ikukwento at si Nyx lang ang nakakaalam ng pangyayaring iyon.
Naasar ako kasi, kailangan pang dumating dun sa point ng "family problem" bago pa ako ibili ng bago. Hindi naman sa gusto ko meron agad. Alam ko rin namang marami pang binabayaran at mahal ang mga bilihin pero almost 2 years na kasi akong walang sariling PC at minsan, naiinis akong nililimitahan ko yung sarili ko sa pagdo-download, pagsa-save ng pictures ni ***** at Jayson Fernandez, yung oras ng gamit, at lahat. Hindi rin ako pwedeng mag-install dito ng Photoshop (as if meron ako) dahil, ewan... Hindi nga naman talaga akin 'tong lintek na pahamak na PC na ito.
Yung dati kong computer, naandun pa naman sa aming kwarto... sira pa rin. Wala yung CPU. Ewan ko kung san dinala ni Papa. Ipapagawa raw niya pero ang tagal na nun eh. Tinapon na ata ni itay. Hehe. Ewan ko. Pero kasi, hindi naman sa maarte ako, pero gusto ko na talaga ng bago.
Ito ang mga dahilan:
-sabog na yung tunog ng speakers
-dim yung monitor. as in dim. parang naka-shades ka na rin kapag nagco-computer ka.
-isa pa, 15 inches lang yung monitor. mas maganda kung 17 inches.
-wala na 'tong keyboard. ang totoo kasi, ok pa yung keyboard kaso nung nasira yung kay Pinsan, hiniram niya muna yung akin since sira yung PC ko. pero sira na rin ngayon yung keyboard ko.
-yung mouse, wala akong matandaan. hiniram din ata ni Pinsan at hindi na naisauli sa amin kasi sira narin. oo nga naman, wala ng sense para isauli pa.
-hindi na ito XP. windows 98 nalang yung PC. so, limitado ang mga features. tapos hindi pa sophisticated tignan (ang arte talaga).
-et cetera.
Marami pang dahilan pero hindi ko na maalala. Basta. Yang mga yan ang major reasons.
Kaartehan pero ewan ko ba... gusto ko na ng bago eh. Tapos mas maganda kung naka-Vista. Hehe.
Kaartehan talaga. Hindi ko kailangan ng Vista. Basta kumpleto yung kailangan ko dun sa PC na yun eh masaya na ko.
` ` ` ` ` `
Medyo maaga akong nagising ngayon. Mga 8am. Ok lang naman kasi 9am yung Pride & Prejudice.
Syempre, pinanuod ko ulit. Ehehe. Wala lang. Katuwa talaga. Sinasamantala ko yung pagkakataon na mapanuod yun kasi hindi ko alam kung kelan ko ulit yun mapapanuod sa HBO. Hindi ko rin naman alam kung makakabili kami ng DVD nun. Haiz... maghihintay na naman ako ng ilang buwan.
Mr. Darcy: How are you this evening, my dear?
Elizabeth: Very well. Only, I wish you would not call me "my dear".
Mr. Darcy: Why?
Elizabeth: Because it's what my father calls my mother whenever he's cross about something.
Mr. Darcy: What endearments am I allowed?
Elizabeth: Well, let me think...”Lizzie" for everyday, "my pearl" for Sundays, and "Goddess Divine," but only on special occasions.
Mr. Darcy: And what am I to call you when I'm cross, Mrs. Darcy?
Elizabeth: No... no. You may only call me "Mrs. Darcy" when you are completely, perfectly and incandescently happy.
Mr. Darcy: And how are you this evening... Mrs. Darcy?
` ` ` ` ` `
Kanina, senti mode ako. Hindi ko alam kung bakit. Wala lang siguro. Trip lang siguro ng system ko.
So, yun nga, senti mode so senti songs din. Sine-search ko yung original version ng Only Reminds Me of You. Narinig ko na kasi yun once sa radio ang na-tripan ko. Mas maganda if lalaki ang kakanta nun. Or siguro, hindi ko lang trip yung version ng MYMP... basta. Mas maganda kung lalaki.
Yun nga, while searching, may napakinggan ako. Recorded lang ito. Recorded sa bahay. Gets? So, hindi professional singer yung kumanta. Sinubukan kong pakinggan. Natuwa naman ako kasi maganda naman yung boses niya (nung kumanta, kung sino man siya) tsaka yung instrument, gitara ata ginamit. Hindi ko matandaan sa sobrang dami ng version na narinig (actually limang version lang naman). Ayun, search niyo nalang sa imeem.
Kung mapapansin niyo, yung soundtrack sa Pride and Prejudice ang bg music ko. Wala lang. Senti mode lang talaga. Natutuwa ako sa mga piano ngayon. Sa mga pianono. Haha. Naging tinapay.
So, speakless mode na naman ako.
` ` ` ` ` `
Wala na kong masabi.
Wala na kong makwento.
Sa susunod nalang.
Speakless mode na naman ako.
:))