So, heto ako ngayon. Hehe. Wala lang.
Hindi ko alam kung matinong entry ang maipopost
ko ngayon. Tinatamad kasi ako.
Ngayon, hindi ko alam.
Maraming nangyari.
Maraming nangyayari.
Maraming mangyayari.
Pero hindi ko talaga alam.
Tinatamad talaga ako.
Tinatamad akong mag-post ng entry. Tinatamad akong ikwento
yung mga pangyayari na hindi ko naibabahagi nitong mga nakaraang
araw na parang noong isang araw lang eh excite na excite akong
i-post dito sa blog ko. Ang gulo? Naintindihan niyo? Kasi ako hindi eh.
Kahit galing na sa akin, naguguluhan ako. Hindi ko alam...
Parang... kung magku-kwento man ako, yung mga nangyari nalang kahapon
or ngayon. Hindi kagaya dati, ang tiyaga kong mag-reminisce. Enjoy na enjoy
ako kahit alam kong marami na'ng tinatamad basahin yung mga entry ko kasi
laging mahaba. Ewan. Ganto nga ata talaga kapag nakakain ng Adobo.
*konek?*
May nangyari kay Nyx. Hindi naman aksidente.
Pero... basta. Ayoko nang i-elaborate. Wala akong karapatang ipagkalat
yun.
Pumunta sila Nyx & Pia dito samin para manuod nung Magnifico.
Kailangan panuorin kasi may kinalaman yun sa project sa Filipino.
Gagawa kami ng parang reaction paper. Basta, mas mahaba pa sa
isang normal na reaction paper. Tsaka hindi lang yung tungkol sa
reaksyon namin dun sa pelikula. May iba pa.
Mga 6pm na yun. Nakauwi sila ng mga 8pm.
9pm. Nanuod ako ng Final Destination 3. Wala lang. Hindi na ko masyadong
natatakot. Pero nandun parin yung iniisip kong ako yung nasa katayuan nung
babae. Nakaka-paranoid nga talaga.
Medyo sinimulan ko na yung project sa Filipino. First part palang ang nagagawa
ko. Mga past 12 nang sinabi ng tatay ko na:
Matulog ka na, alas-dose na. Bukas na yang computer.
Siguro nasabi niya yun kasi nakita niyang bumabagsak na yung mga mata ko.
Hantok na hantok na talaga ako nun. Yung point na parang nawawala na yung
balance ko tapos pumipikit-pikit na ko. Muntikan na nga akong bumagsak nun.
Hindi na sana ako magtoo-toothbrush at maghihilamos. Tinatamad na kasi ako
tsaka yun nga, antok na antok na. Kaso, nararamdaman ko yung lagkit ng pawis.
Parang katas ng buong maghapon. Dahil sa ayoko ng ganun tsaka kasi, kaderder
nga naman yung ganun, matutulog kang nanlilimahid... pinagpilitan kong imulat
ang mga mata ko. Pagkatapos maghilamos, nagising ako. Hehe. Lamig ng tubig
eh.
Kinabukasan.
Wala namang masyadong nangyari. Mga 10 hours akong nakaharap sa PC.
Ginawa ang project at nakipagchat sa kanila. Hehe.
At wala pang nare-review sa kahit na ano.
Kinabukasan ulit.
Natapos ko ang project sa Filipino. Naligo ako ng mga 8pm at natapos ng mga
13 minutes before 9pm. Kumain. Nakapag-review sa English...
sa English lang.
Monday. 1.21.08.
Since hindi ako nakapagreview ng matino. Ehehe. Wala lang.
Nangapa lang naman ako sa Social Studies. 'Stock knowledge' lang ang
ginamit ko (meron pala ako nun).
Tuesday. 1.22.08.
Tinatamad na kong magkwento eh.
Basta. Ganun parin. Nakakapagod ang Filipino at magulo ang Algebra.
Yung sa steno naman... ewan ko. Wala akong maintindihan dun sa paragraph
part. Ewan ko. Hindi na talaga natupad yung sinabi ko na ipe-perfect ko
yung periodical test sa Steno. Ang ganda rin naman kasi ng pagkakasulat.
Hindi muna kami umuwi (Nyx, Pia, Ako). Tambay kami sa oval.
Naandun din sila Meng, Seph, Rita, Cianne, tsaka si... hala, nakalimutan
ko pangalan niya. Sorry. Ayun... Jasmine. Tama ba? Hehe. Basta. Yun.
Sa pagtambay namin doon, saka lang namin nalaman na sikat pala
talaga si Socorro. *evil laughs*
Ngayon. 1.23.08.
Nawindang ako sa Bio. Lahat ng nandun sa test namin ay nabura na sa isip ko.
Langya. Nag-focus si Ma'am sa mga cnidarians. Basta... yung taxonomy.
Yun pa naman yung hindi ko masyadong pinansin nung nagrereview ako.
Sana kasi hindi na niya inalis yung Skeletal System. Yun lang ang hahatak
sa scores namin eh.
Sa Stats naman, ok lang. Hindi ko nasagutan yung percentile rank kasi wala
akong alam dun. Ginagawa ko ata yung Lobotæ
Basta, mga spearman lang alam ko tsaka pearson kasi yun yung pinakahuling
tinuro kaya medyo fresh pa sa utak ko. Tsaka yun lang din yung 'ni-review' ko.
Sa Keyboarding, wala. Speechless/Speak-less/Type-less.
Hindi ko alam kung ano yung mga naandun. Mali, alam ko kung ano yung mga
naandun pero yung tamang term o tawag ang hindi ko alam. Parang nasa dulo
ng dila ko pero hindi ko makuha. So, ang nangyari, wala. Bahala na. Balik na
naman sa ganun.
Wala lang. 8->
Natuwa naman ako kanina. Nakakatuwa lang. Wala lang. Bakit ba?
Gusto kong matuwa eh. Hehe. Etsos.
Natuwa ako kasi nakaamoy na naman ako ng libro. Hehe.
Salamat kay Senpai Juno (naks, espesyal mensyon yan).
Salamat sa Veronika Decides to Die. Salamat sa libro.
Ewan ko ba. Makakita lang ako ng libro natutuwa na ko.
Abnormalites talaga ata ako.
Basta. Then kapag yung mga libro ni Paulo Coelho, nakakatuwa.
Kasi amoy libro eh (Syempre, malamang, amoy libro kasi libro yun
eh). Amoy libro kasi, kapag binuklat mo yung mga pages, amoy libro
talaga. Hindi kagaya ng iba, libro pero amoy magazine. Gets?
Basta. Ganun. Kaya nga nung nasa MV Doulos kami, kahit wala akong
nabiling libro eh natuwa ako kasi nangangamoy libro ang paligid.
So, sino naman ang gustong magbigay ng
By The River Piedra I Sat Down and Wept?
Hehe. Wala lang. Etsos lang. Ako na bibili nyan.
Gusto ko, ako bibili nung pinakagusto kong libro ni
Paulo Coelho.
Break the glass...
Kanina lang din. Ang bait ni Leo. Nanlibre ng donut. Sayang nga
kasi nahulog yung isa.
Doon ulit kami sa oval. Hehe.
Tapos nagkaroon kami ng conversation na medyo... private. Huwag
niyo nang tanungin. Tungkol lang naman sa mga ano yun... sa mga
donut. Ewan.
Basta, Leo... salamat sa donut. Hehe. Nakakatuwa talaga kanina.
Ang daming nagbibigay. Tapos, nung binasa ko yung horoscope
ko sa friendster, ito ang kanyang sinabi:
The Bottom Line
A generous pal is feeling much more thrifty and conservative than usual, so beware.
In Detail
A generous person you know is being a little bit less so lately, so don't rely on them like you usually do to toss in extra money. They are feeling much more thrifty and conservative than usual, and it could put a crimp into your relationship. They have a chip on their shoulder about their financial situation, and could be tossing a lot of guilt your way. Put yourself in their place and remind yourself that it's not easy to hold on to money. Work with them and cut them some slack.
naisip kong si Leo na rin yan. Hehe. Galing 'no? Konek.
kasi eh. Ang reaksyon ko naman eh parang:
So, para saan yan? Sa tingin mo naman epektib yan? Haha. Funny.
Meron kasi akong kilalang tao na... hehe. Wala lang.
Strike three na yan eh. Ewan ko kung para saan ang mga jokes niya.
Teka, wala na kong maintindihan.
So, kailangan kong mag-sorry kay Nyx kasi baka pinagantay
ko siya kanina sa wala.
Ito ang aking "message" (Nakanangtots. Tsutsi!):
Totoo naman na babalik ako. Totoong babalik SANA ako.
Kaso, natukso ako ng aking kama (Ganda. Parang iba yung dating).
So, ayun, bumagsak yung mata ko. KO ako sa antok ko.
At kakagising ko lang mga 35 minutes ago (8:20pm na).
Almost 4 hours ang tulog ko. Hehe. Pasensya.
Buti pa siya, nahanap na niya yung Clementine (maayos na version).
Eh ako, wala. Wala ng pag-asa. Pero kahit wala na, alam kung meron
parin. Hehe. Sabi nga ni Pia, don't lose hope. Dahil habang may buhay,
may pag-asa. At kapag may pag-asa, may buhay. Hehe. Ano ulit?
Salamat ulit kay Seph kasi binigyan niya ko ng site kung saan
pwede akong mangulimbat ng libreng music sheet.
End na muna.
Ulitin ko lang, salamat sa mababait
na nilalang. Salamat sa mga binigay
niyo. Nakakatuwa kayo. Hehe.
Sana lagi kayong magbigay. Kapal ko talaga.
Etsos lang yun. Basta. Salamat ng marami.
Hindi ko alam kung anong ibibigay kong kapalit.
Siguro oks na yung 11 Minutes? Hehe.
Etsos na naman. Kalokohan.
Basta. Salamat ulit.
8->
